Share

Chapter 4

"My friend and I kissed while we're drunk. Does it mean anything?" After a few minutes, I received a lot of responses to my inquiry on Qoura. I guess I'm not the only one that has this problem.

Lucie Lee replied, "It can mean nothing or it can mean anything... He could have kissed you because your friend has always wanted to to express his feelings for you. Getting drunk is a way perhaps to get him the guts to finally confess the feelings or he simply had too much of an arousal desire moment due to the effect of alcohol.

Napalunok ako. Pano kapag ako yung unang humalik? Does this mean that I have feelings for him? I love him platonically, hanggang doon lang pero kagabi ay parang inuudyok ako ng aking sarili na halikan siya.

Napasabunot  nalang ako sa sariling buhok dahil sa mga iniisip.

"People do all kinds of crazy things when they are drunk and sometimes they don't remember what they did or with whom. When under the influence of alcohol, or anything else for that matter, your physical and mental senses are heightened, while sober you wouldn't dare to do such things you do while under the influence. Just ask your friend if he remember the kiss if it meant anything to him, that's it." Willie Baez replied.

Napatunganga ako sa harap ng screen. I'm sure he remembers everything! What if I approached him and asked him? But he claimed we'd forget about it for the sake of friendship? Sino ba kasing hindi makakalimot sa halik na yon? Ako nga hindi e! Napahilot naman ako saaking sentido dahil sa mga iniisip.

"Well, it means that he likes you enough to kiss you. Now, you've got to figure it out if he likes you enough to kiss you while you're both sober." I laughed on what Kirstjen Lorenz replied.

Hahalikan ko siya ulit para malaman ang totoo? Napailing-iling ako habang tumatawa at kalauna'y hinilot ulit ang sentido dahil hindi tama yon. It doesn't make sense! Lalo lang magiging awkward!

"Be honest with him and tell him how you feel. Listen to his part of the story and make sure that he is being honest. Don't stop communicating and don't make it awkward all of the sudden." Praniya Bagve replied.

I stared at the screen of my Macbook. Napahilot ako saaking sentido dahil hindi ko talaga alam kung ano ang aking gagawin.

I sighed.

"Lilipas din to, kalimutan nalang." sabi ko saaking sarili saka humiga kama at tumunganga sa kisame.

Napabangon ako ng may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto. "Ate!" sigaw sa labas ng aking kapatid kaya tamad akong nagtungo saka binuksan ang pintuan.

"Ano?" tanong ko.

"Pahiram ng sasakyan mo mamaya, may pupuntahan ako" sabi nito at biglang lumapit saakin para hawakan ang aking braso.

I rolled my eyes and stared at my brother.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Dyan lang, basta!" sagot nito kaya umiling ako.

"Ayoko, ihahatid nalang kita. Saka may sasakyan ka diba? Ba't mo'ko dinadamay sa problema mo?" tanong ko ulit.

"Nasa repair shop pa, e."nag-kamot ito ng ulo kaya  tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit, anong nangyari sa sasakyan mo?" tanong ko.

"Basta! Wag mo ng alamin!" sagot nito kaya napailing nalang ako.

"Ayokong ipahiram, ihahatid kita." I said with finality kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango.

"Tapos susunduin mo ulit ako?" pahabol na tanong ng aking kapatid kaya tumango ako.

"Sigurado ka jan ha?" nakaturong tanong ulit nito saakin kaya pinagkrus ko ang aking dalawang braso saaking dibdib saka tumango ulit sakanya.

Tamad akong bumalik sa pagkakahiga saaking kama at tumunganga ulit sa kisame. Iniisip kung ano ang gagawin sa 2 weeks na semestral break.

Inabot ko ang aking cellphone na nasa aking tabi para tawagan si Siobhan. Agad naman niya itong sinagot pero hindi nagsasalita.

"Huy, what's your plan?" I asked.

"Syrhane.. Ah shit may hangover ako" sagot nito kaya napa-iling ako.

"Hindi ka ba umuwi agad noong tumawag ka kagabi?" I asked.

She laughed awkwardly, "Sorry na, 4AM naman ako umuwi e." sagit nito.

"Seriously, Siobhan? Grabe, maawa ka naman sa atay mo." sabi ko at tumawa lang ito sa kabilang linya.

"Alak ang katapat." biro pa nito kaya napa-iling nalang ako.

"Call me if you have plans, ayokong ma bored sa 2 weeks na sembreak." sabi ko saka binaba na ang tawag pagkatapos ng konting biruan.

When evening came, kinulit na ako ni Stanley dahil baka ma-late siya sa pupuntahan niya kaya tamad akong bumaba sa hagdan habang nakapambahay lang. Ihahatid ko lang naman siya kaya hindi na ako magbibihis.

"Sabing hihiramin ko nalang ang sasakyan e, ayaw pa!" reklamo nito nang papasok siya sa loob ng aking sasakyan.

"Ingay mo, eto na ihahatid na. Tska, saan ka ba ngayon? Sinong mga kasama mo? Anong gagawin niyo?" sunod sunod kong tanong habang nagmamaneho na.

"Sa bahay ni Daryl dahil birthday niya kaya ang gagawin namin ay kakain at kaming magkakaibigan ang kasama." sarkastikong sagot nito kaya nilingon ko siya at sinipatan ng mata.

Nang huminto ako dahil sa stop light ay napalingon ako sa mga nagtatrabaho para sa center island sa gitna ng kalsada, gabi na pero patuloy parin sila.

Agad nahagip ng aking tingin ang isang pamilyar na lalake na nagbubuhat isang sako ng semento. Si Soren iyon, pawis na pawis pero patuloy parin sa pagbubuhat ng mga sako.

"Ate!" sigaw ng aking kapatid kaya napalingon ako sakanya at sa harapan, bigla ko ring narinig ang mga busina ng mga sasakyan na nasa aming likuran kaya agad na akong nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pagkarating ko sa bahay ng kaibigan ni Stanley ay hindi na ako pumasok kahit ni-yaya ako ng mga ito na pumasok kahit saglit. Agad akong nagmameho pabalik at huminto sa gilid ng kalsada kung nasaan nagtatrabaho si Soren.

Agad siyang nahagip ng aking paningin habang may dala-dalang dalawang hollow block.

He is really hardworking. Kapag walang pasok ay puro part-time jobs ang kanyang inaatupag, wala akong masyadong alam tungkol sakanyang pamilya dahil hindi naman ito nagki-kwento. Hindi din ako kailanman nakarinig sakanya na kinakailangan niya ng tulong, he will always find a way to solve his own problems. Pero kapag kami ni Siobhan ang nagka-problema, siya agad ang nasa aming tabi para samahan kami pero kapag siya ang may problema, hindi niya ito kailaman sinasabi saakin o kay Siobhan man lang, palagi niya itong sinasarili kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

Napakurap-kurap ako ng napatingin siya saaking direksyon kaya agad kong pina-andar ang aking sasakyan at nagmaneho na pauwi ng bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status