Share

Chapter 3

"Sober up, lasing na lasing ka" sabi nito at inabutan ako ng water bottle.

Sinipatan ko siya at padabog na kinuha ang tubig na kanyang inabot, he laughed so I rolled my eyes.

Napahawak ako saaking ulo pagkatapos kong uminom ng tubig, umiikot ang paningin.

"Mas mabuting malayo ka sa maraming tao kapag lasing na lasing ka, baka ano na naman ang gawin mo" sabi nito kaya napanguso ako at may naalalang pangyayari.

"Are you afraid that I might kiss someone's boyfriend again?" I asked.

He nodded. "You're such a pain in the ass." he said, laughing.

"I was just thinking about how grateful I am for the freedom that will be taken away from me once more." I said sarcastically at lumingon sakanya.

Lumingon din siya saakin, tinitigan ang aking mga mata at ganon din ako sakanya.

"You're so good at giving advices but deep inside you're also hurting.." napayuko ako sakanyang sinabi. "Don't keep it all by yourself, Syrhane." patuloy nito.

"Don't mask up all your pains." I bit my lower lip, trying hard not to cry infront of him.

"It's okay to be weak sometimes.." biglang tumulo ang aking luha ng nag-tagpo ang aming mga mata.

He lean towards me and wipe my tears while I was staring at him.

I lean towards and kissed him.

He was stunned because of my move. I didn't know why I did that but it makes my heart flutter.

Hindi siya nakagalaw at nanatiling nakatitig lang saakin na may nanlalaking mga mata. I kissed him again. He didn't respond but I just continue doing it.

"Syrhane, you're drunk.." sabi nito sa gitna ng aking halik at hinawakan ang aking kamay para pigilan ako.

Hindi ako nagpatinag at lumapit ulit sakanya, I was just following what my heart wants for the first time.

I kissed him more as I hold his nape and finally, he kissed me back.

His a good kisser. My friend is a good kisser.

When he grabbed my waist, I almost gasped. I get goosebumps down my spine as I feel his palm.

He abruptly came to a halt, so I let my lips beg for more kisses, but he didn't reply. He let out a sigh and moved away.

"We're just drunk, I'm sorry for that.." he said and clenched his jaw.

"Let's just forget it, for the sake of our friendship." patuloy nito at lumingon saakin.

Dahan dahan akong tumango, wala akong masabi.

"Mauna na ako, may duty pa ako ngayon." sabi nito saka tuluyan ng lumabas sa aking sasakyan at hindi na lumingon ulit.

Agad akong napahilamos saaking mukha nang natanto ang lahat ng aking nagawa. I kissed my friend.. Yes, my closest friend and now I'm doomed.

Nakakahiya! Pano ko siya haharapin pagkatapos ng sembreak namin? Sinabunutan ko ang aking sariling buhok dahil sa hiya!

Wala sa sarili akong lumabas saaking sasakyan at nagtungo sa driver's seat para umuwi na sa bahay.

Pero imbes na sa bahay ako patungo ay bigla akong dinala ng aking mga kamay sa Starbucks na malapit saaming school kung nasaan ang duty ni Soren.

Wala sa sarili akong lumabas at nagtungo sa entrance ng cafe. Agad ko siyang nakitang nakatayo sa harapan ng isang babae at kinukuha ang order nito. Naka-apron na ito at may hawak-hawak na papel at ballpen.

Agad akong napatabi sa harapan ng entrance ng bigla siyang humarap para magtungo sa cashier. Buti hindi niya ako nakita! Nakakahiya!

"This is so embarrassing!" inis kong bulong saaking sarili at napatingin sa mga customer na nasa loob na napansin ako.

Napalingon ako kay Soren na may dala-dala ng tray patungo doon sa babae kaya naisipan kong bumalik na sa sasakyan para umuwi. Nagmumukha lang akong tanga dito!

Habang nagmamaneho ako pauwi sa bahay ay biglang tumawag si Siobhan kaya agad ko itong sinagot.

"Nasaan ka?" sigaw nito sa kabilang linya at halatang nasa club pa dahil sa ingay na aking nadidinig.

"Pauwi na, hindi nako nagpaalam dahil hindi kita nahanap." sabi ko.

"Si Soren?" tanong nito. Hindi agad ako nakasagot at natulala ng konti nang maalala ang mga nangyari.

"Syrhane! Nandyan ka pa? Si Soren umuwi na din ba?" tanong ulit nito kaya napabalik ako sa saaking sarili.

"Ahh! Oo, may duty daw siya." sagot ko at narinig ko ang buntong hininga niya.

"Sayang, may interesado pa naman sakanya dito, hinahanap nga sakin e. Kilala mo si Inri?"

"Yung Pharma?" I asked.

"Oo, kanina pa hinahanap si Soren kasi biglang nawala sa couch" sabi nito.

Binalewala ko ang lahat ng pinagsasabi ni Siobhan sa kabilang linya. "Sige na, nasa bahay na ako. It's already midnight, umuwi ka na." sabi ko at sumang ayon naman ang aking kaibigan kaya binaba ko na ang tawag saka tuluyan ng pinasok sa garahe ang sasakyan.

Pagpasok ko sa aming bahay ay wala ng bumungad saakin. Tulog na ang mga kasambahay at ang aking kapatid dahil hating gabi na rin. Dumiretso ako't sumalampak sa couch ng aming living room. I don't have the enough energy to walk towards the stairs so I ended up sleeping on the couch.

Kinabukasan ay nagising ako sigaw ng aking kapatid.

"Syrhane!" sigaw nito kaya agad na napadilat ang aking mata. Kinusot-kusot ko pa ito para makita ng maayos kung ano ang nangyari.

"Ano nangyari?" agad kong tanong saaking kapatid pero tinawanan lang ako.

Tinapunan ko siya throw pillow pero umilag ito kaya tinapunan ko ulit at saktong tumama ito sakanyang mukha, agad naman itong nagreklamo na parang bata.

"Ba't ba dyan ka natulog?" tanong nito saakin habang hinimas himas ang kanyang ulo na tinamaan ng throw pillow.

"At sinong naghatid sayo kagabi?" habol na tanong nito.

"Ako lang, lasing na lasing ako e" sagot ko saaking kapatid at inayos ang sarili. Hindi pa pala ako nakapag bihis at may make-up parin sa mukha.

"Anong ikaw lang? Tapos lasing na lasing? Buti hindi ka dinakip ng mga pulis? At buti walang masamang nangyari!" sunod sunod na sigaw nito saakin kaya tinapunan ko ulit siya ng throw pillow dahil sa ingay.

"Tumigil ka, ang importante buhay pa ako." sabi ko at tumayo na saka nagtungo saaking kwarto.

Agad kong hinubad ang aking damit saka nilublob ang sarili sa bathtub. I still clearly remembered what happened last night? Parang gusto ko nalang magka-amnesia dahil sa hiya!

I sighed.

Tapos na naman sana ang midterms pero stress parin ako dahil saaking pinag-gagawang kalokohan.

Soren's right. I'm a pain in the ass.

I always make out with random boys, I'm afraid of commitment kaya hindi ako nag seseryoso. Hindi bagay sa babaeng tulad ko na mag seryoso, hindi ko naman magagawa kung ano ang gusto ko dahil hawak ako sa leeg ng aking pamilya.

I sighed once more and bury myself into the water.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status