Share

SIY-11

BAGONG trabaho, panibagong buhay para kay Anna. Hindi na siya bibilad pa sa palengke para magtinda ng tilapya, hindi na rin siya hahanap ng kung ano-anong raket para magkapera para sa gatas ni Brave at iba pang expenses sa pang araw-araw. Nagpapasalamat siya kay Brett dahil binigyan siya nito ng trabaho, binago nito ang buhay nilang mag-ina pero simula nang magtrabaho naman siya sa lalaki ay tila wala na siyang magandang nagawa dahil puro ito reklamo at puna sa kaniya—sa trabaho niya.

Tila babaeng may regla si Brett araw-araw dahil madalas mainit ang ulo nito. Kaya madalas din siyang mainis sa lalaki.

Katulad na lang kanina. Inutusan siya nitong kunin ang ilang files sa secretary nitong si Aaron sa opisina mismo ng lalaki, pero nang nandoon na siya ay hindi maiiwasan na magkuwentuhan sila ni Aaron. Pagkatapos ay bigla na lang itong sumulpot at galit na galit siyang pinabalik sa opisina nito.

"Ang sabi ko, kunin mo ang files hindi makipag-usap sa kaniya!" mariin at galit nitong sabi.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status