Upang maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina, lahat ng paraan ay ginawa ni Anna nang pumasok siya sa mundong hindi niya nakasanayan—ang Manila. Lahat ng klase ng raket ay pinasok niya—basta marangal at kikita siya rito. Hindi iniinda ang pagod dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay matugunan ang pangangailangan nila ng anak, lalo't single mom siya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili lamang niya. Subalit ang pagiging ina niya'y sinubok nang isang araw ma dengue ang kaniyang anak at kailangan niya ng malaking pera. Isang kaibigan ang nagbigay ng raket sa kaniya na may malaking suweldo. Ang hindi niya aakalain ay dahil sa raket na iyon ay muli silang magkikita ng lalaking iniibig niya. Si Brett Valle. Ang ama ng kaniyang anak. This story is book two of Still Holding On.
view moreMALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A
MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin
PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico.Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan niya kaya agad nitong ipinaliwanag kung sino ang binanggit."Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico.Naunawaan naman ni Brett."Thanks to Louie dahil bago siya mamatay ay nakuha pa niyang tumulong sa'tin," saad ni Brett."
ISANG BANGKAY ang natagpuan ng otoridad sa isang bakanteng lote malapit sa isang ilog. Ang bangkay ay nakalagay sa isang itim na garbage bag, malamig na at nilalangaw. Kasama sa nag-inspeksyon sa bangkay ay si Rico. Nakilala ni Rico kung sino ang bangkay, ito ay walang iba kundi si Louie de Vera—ang kasintahan ni Carol.Malalim na napabuga ng hangin si Rico habang nakatitig siya sa malamig na bangkay ni Louie. Napapaisip kung sino ang salarin sa brutal na pagpaslang sa lalaki."Sir," Napabaling si Louie sa isang pulis na lumapit sa kaniya. Mataas ang rango niya rito kaya 'sir' ang tawag sa kaniya. "Na-review na po ang CCTV at nakita na ang plate number ng kotse na nagtapon sa biktima." Pahayag ng isang pulis.Tumango si Rico sa pulis. "Sige, pupunta ako para panoorin ito." Wika naman niya.Hindi nga nagtagal ay pumunta si Rico sa isang istasyon kung saan naroon ang maraming CCTV monitor na nakakonekta sa buong bayan ng San Diego. Naabutan niya ang iba pang kasamahang pulis na pinapano
"WALA pa rin balita sa anak ko?! Kung ganoon, hanggang kailan ako maghihintay sa wala, ha, Brett? Hanggang kailan ako aasa na bukas paggising ko nasa tabi ko na si Brave! Hanggang kailan ako aasa sa inyo na mahahanap ninyo ang anak ko! Nauubusan na ako ng pasensya at… bait… mababaliw na ako, Brett!"Masakit sa kalooban ni Brett na hanggang ngayon ay wala siyang magawa para ibalik ang anak nila ni Anna. Nasasaktan siya na makitang nasasaktan si Anna. Nahihirapan siya pero mas nahihirapan si Anna sapagkat ito ang ina ng bata.Ginagawa naman nila ang lahat para ma-locate ang kinaroroonan ni Carol at Tekla, bantay-sarado na rin ng otoridad ang mga daan patungong Airport. Maging ang Airport ay bantay-sarado na rin para masigurong hindi makakalabas ng bansa si Carol.Brett heave a deep breath, trying to hug Anna but she refused. Ni ayaw siya nitong tingnan at hawakan, at nasasaktan siya para doon. Naipikit ni Brett nang mariin ang kaniyang mga mata. He stay calm as much as he could. Ayaw ni
MAYROONG natanggap na tawag si Rico mula sa nagngangalang Teodore Lansangan o mas kilala bilang Tekla. Ito ang kumidnap sa bata at ito rin ang kasabwat ni Carol Ibañez. Subalit tumawag ito sa numero niya at humihingi ito ng tulong. Kaagad nag-utos si Rico sa mga tauhan na puntahan ang lugar kung saan sinabi ni Tekla, at iyon ay sa mismong bahay ng mga magulang ng babae. Kasama rin na pumunta si Brett, dala ang pag-asa na mababawi na niya ang bata mula kay Carol at buo ang loob na ipapakulong ang mga salarin sa pag-kidnap sa anak nila ni Anna.Sumenyas si Rico sa mga kasamahang pulis na pasukin na nila ang mansion, subalit sa kanilang pagpasok katahimikan ang sumalubong sa kanila at isang masangsang na amoy na animo'y may nabubulok na karne o ano. "Search the area." Ang utos ni Rico sa mga kasamahan niya. Sumunod ang mga ito at agad na pinasok ang bawat silid ng mansion.Hindi rin napakali si Brett at maging ito'y tumulong na rin."Carol! Carol! Ilabas mo ang anak ko!" sigaw ni Brett
She was standing on the veranda of a mansion while she was holding a one-year-old baby boy. Nakaharap sa malaking gate ang veranda ng mansion. It has a classy design, black and white ang kulay. Puti ang apakan at itim naman ang kulay ng bawat railing.Umiiyak ang bata at hindi niya malaman kung ano ang gagawin dito. Sinasayaw-sayaw naman niya ito at sinasamahan pa ng pagkanta pero talagang napaka-iyakin ng bata since the day na dumating ito sa kaniya."Stop crying, baby, mommy's here." masuyo niyang sabi sa bata. Pero walang epekto iyon sa bata at lalo lamang ito umiyak nang umiyak.Hindi niya maiwasang mainis, may pagkakataon pa na gusto na lang niyang ihagis ang bata palabas ng veranda, pero bumabalik siya sa katinuan kapag nakikita niya ang imahe ng yumaong anak."Shhh… what do you want, baby? Are you hungry?" aniya. Hinawakan pa niya ang bata at itinaas ito sa ere upang amoyin ang puwetan kung amoy popo nga ba. "Ay, hindi naman nag-popo, eh. Ano ba want mo?" pagkausap niya sa bata
Isinugod sa pinakamalapit na Hospital sa San Pedro si Anna. Ang nag-aalalang si Brett ay nakasunod sa kaniya at ang ginang na si Agnes, samantalang naiwan naman si Gina kasama ang nobyo na si September.Sinakay sa ambulansya ang dalaga, kinabitan ng oxygen at mabilis na dinala sa Hospital.Brett couldn't take his eyes away from Anna. His heart bleeds as he sees the woman he loves, unconscious and a lot of blood covered her beautiful face mula sa sugat na natamo nito sa ulo, mayroon din itong galos sa braso at tuhod. Parang tinarakan ng patalim ang dibdib niya habang hinahawakan ang palad ng dalaga na nanlalamig."Anna, baby, please stay with me…"sambit niya. "I'm so sorry kung iniwan kita." Labis na nagsisi si Brett kung bakit iniwan pa niya si Anna. Sana isinama nalang niya ito. Pero magsisi man siya, huli na. Na aksidente na ang dalaga.Hindi nagtagal ay nakarating ang ambulansya sa Hospital, kaagad na may lumabas na nurses at tumulong na isugod ang dalaga sa emergency room. Sumuno
Nagising si Anna kinabukasan na ang hinahanap kaagad ng mga mata ay si Brett, pero nalungkot siya nang hindi niya makita ang lalaki sa loob ng silid.Pupungay-pungay ang mga mata ng dalaga na bumangon mula sa kinahihigaan nito, at kaagad dinampot ang mini clock sa bedside table upang tingnan kung anong oras na ba.Pasado alas otso na ng umaga, mataas na rin ang sikat ng araw na tumatama sa glass door ng balcony. Binalik ni Anna ang mini clock sa bedside table, pagkatapos ay naglakad siya papunta sa balcony. Hinawi ni Anna ang kurtinang nakatabon sa glass door upang salubungin ang sariwang hangin mula sa labas. Panibagong araw, panibagong lungkot na naman para sa dalaga sapagkat hindi niya kapiling ang anak.Ang aga-aga pero naiiyak na naman siya.Hanggang kailan ba siya maghihintay na maibalik ang anak niya? Hanggang kailan siya iiyak? Kailan pa siya maghihintay sa aksyon ng grupo ni Rico o ni Brett para mabawi ang bata?Bakit hindi na lang siya ang gumawa ng aksyon total naman alam
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.