공유

SIY-12

Sabay rin na umuwi sina Anna at Brett sa condo sa Forbes park na hindi nagpapansinan. Ang sinabi ni Brett na babalik sila ng opisina ay hindi nangyari. Nagsinungaling lang ito kay Rico. Hinatid lang din ng binata ang dalaga sa labas ng unit nito at umalis na rin ito kaagad na walang sali-salita. At ewan ni Anna kung ano ang problema ng gurang na iyon. Hindi ito namamansin kaya hindi rin siya namansin. Hindi naman napagod sa trabaho si Anna pero ang nakakapagod lang ay ang pakisamahan ang gurang na amo.

"Baby ko!" salubong ni Anna sa anak na buhat-buhat ni Tekla.

"Naku, gurl, kanina ka pa hinahanap niyan," komento ni Tekla nang ilipat nito sa mga braso niya ang bata.

Nginitian ni Anna si Tekla, saka pinupog niya ng halik ang anak.

"Miss na miss ka ni Mama!" madamdamin niyang sabi sa anak. Umindak-indak naman ang bata nang makita siya nito. Sinayaw-sayaw niya ang anak, pero napatigil siya nang may marinig.

Tumunog ang buzzer kaya sabay pa silang napabaling doon ni Tekla.

"May bisita ka,
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.
댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Pusa
I-review mo naman po ang akda ko...
goodnovel comment avatar
Pusa
Hahahah! Hulaan mo po...
goodnovel comment avatar
Lenelyn Raganas Boncales
Miss A ung kwarto ba ni bby brave mo konektadong secret door ba un sa unit ni brett..hehehe Gabi2x mo nman kainin brett para masaya..ty miss A
댓글 모두 보기

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status