Share

SIY-20

HINDI naka-hindi si Tekla kay Anna nang ayain ito ng dalaga na mamasyal nang gabing iyon. Dahil labis na nag-alala si Anna sa dinadamdam ng kaibigan niya ay nakiusap siya kay Brett na samahan silang mamasyal at hindi naman umindi si Brett at pumayag nga ito. Nang una nga'y ayaw pa ni Tekla, pero sa huli ay wala rin itong nagawa kundi ang sumama. Sa sandaling iyon ay si Anna ang nag-asikaso kay Brave at nagpasya sila ni Brett na huwag na muna iasa kay Tekla ang bata lalo't may pinagdadaanan ito ngayon. Si Brett din ang kumarga kay Brave at ilang beses na tumangka si Tekla na kunin sa kaniya ang bata pero hindi ito binigay ng binata.

Dinala ni Brett sa Eastwood sina Anna at Tekla. Doo'y masaya silang namasyal.

Umiindak-indak pa nga si Brave kapag nakakakita ito ng mga nagagandahang ilaw sa paligid.

"Gutom na ba kayo?" ang tanong ni Brett sa dalawa.

Si Anna ang unang sumagot, "Hindi pa naman, Brett."

"Ako nagugutom na!" sabat naman ni Tekla.

"Oh, sige, kakain muna tayo at baka nagugut
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status