Share

SIY-38

ILANG ARAW na ang nakakalipas pero hindi pa rin natatagpuan si Brave. Kung makabiro nga naman ang tadhana ay talaga nga namang sinagad nito si Anna. Buong akala ni Anna ay matapos nilang bawiin ang anak kay Carol ay matatapos na rin ang lahat, na babalik na sa dati ang buhay nila. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, dahil muli na namang nawawala ang kaniyang anak at sa pagkakataon na iyon ay hindi kasalanan ni Carol ang pagkawala nito, kundi kasalanan niya dahil mas inuna niya ang sarili kaysa kay Brave. Kagat ang ibabang labi habang pigil ni Anna ang sariling mapaiyak na kinuha ang isang laruan sa crib. Pinagmasdan niya ito. Lalo siyang nalungkot at nasaktan.

Sa sandaling iyon ay may pumasok sa silid ni Brave. It was Brett. Mababakas din sa itsura ng binata ang pangungulila nito sa nawawalang anak. Lumapit si Brett kay Anna, at mula sa likuran ng dalaga ay niyakap ito ni Brett. Doon naman umiyak si Anna nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Brett.

“B-Brett, bakit?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status