Share

Chapter Three

“Mom, bakit ka matamlay?”

Napaangat ang tingin ng mother ni Hazel sa dalaga. Sa harapan nito, nakapatas ang mga receipts ng mga bills na kailangang bayaran sa katapusan ng buwang ‘yon. 

“Pa’no ako matutuwa nito, e, male-late na naman ang remittance ng Daddy n’yo? Kukulangin ang budget kong pambayad sa mga bills natin at monthly amortization.”

Nagkataon namang nagdaraan si Ara, mas nakababatang kapatid ni Hazel, para kumuha ng tubig sa ref. Narinig nito ang huling sinabi ng ina. “Bakit, Mom? Kulang ba ang pot money natin?”

Bumuntunghininga ang ginang. “Oo, e. If you girls can help out, please? Ayokong ma-late sa bayad sa bahay. Hindi natin mahahabol ang rebates.”

Nagkatinginan ang magkapatid.

“Sige, Mom, we’ll help,” ani Hazel. 

“Ako rin. Baka may malo-loan-an ako sa mga—“

“Ah-ah, no utang,” sabi naman ng kanilang Mommy. “We need an additional income, hindi additional utang. I told you, girls, ‘di ba? Last option ‘yon. Hindi naman malaki, konting kulang lang.”

Bumuntunghininga ang magkapatid at magkasabay na pumayag. “Yes, Mom.”

Saka sabay na iniwan na ng mga ito ang ina sa kusina para gawin ang pangako.

“Joey? Hello?”

“Hazel? O, bakit?”

“How are you? May writer’s block ka pa ba? O okay na?”

Napabuntonghininga ang dalaga. “Hindi pa, e. Sumasakit na nga ang ulo ko kasi lahat ng mga ideyang naiisip ko, hindi nagdye-gel sa mga bida ko. Pabalik-balik ako sa simula pero wala pa rin. Palapit na nang palapit ang deadline ko pero hindi pa rin ako makapag-focus,” d***g ng dalaga.

“Baka naman change of environment lang ang kailangan mo?”

“Change of environment?” Napangiti siya. “Anong iniisip mo?” Tiyak niyang bago pa tumawag ang bestfriend, meron na itong plano. “Saan naman daw ‘yang environment na ‘yan?”

Humagikhik muna ito ng hagikhik nang nasukol bago sumagot. “Sa resthouse ng uncle ko sa Tagaytay. You can rent it. Murang mura lang at matutulungan mo pa kaming makapagbayad ng bills!” natatawang suhestiyon ni Hazel.

Napatawa siya. “Tunog scripted na sales talk, ah. Negosyante ka talagang babae ka.”

Tumawa na naman ito. “Kailangan kong gumawa ng paraan, e. Lulugo-lugo si Mommy sa kusina. Kung malaki para sa ‘yo ang rent then I’ll find someone else na makaka-share mo. Three bedrooms naman meron ‘yon, e. Pwede kang magkulong sa isang kwarto and work while still enjoying the beautiful scenery.”

Muli ay napabuntonghininga siya. “That really sounds tempting. Pero kapag hindi ako pinayagan ni Lola Tinay—"

“Akong bahalang magpaalam sa kanya. Ilang beses ka na rin namang nakasama sa ‘kin d’on, ‘di ba? Papayagan ka n’on.”

Sinabi lang niya iyon. Base sa sadyang pinarinig sa kanyang pagtatalo ng mga lola, stressed na rin ang mga ito sa kanya at kung may paraan para maitaboy ang kanyang mental block, papayag ang mga ito. Didn’t Lola Kora herself say she needed to trabel-trabel?

Pero syempre, hindi niya sasabihin iyon kay Hazel at hindi na sila makakapagkulitan pa.

“Bakit hindi na lang libre? Parang ‘di tayo best friends.”

“Loka ka ba?! Wala nang libre sa mundo ngayon lalo na sa best friends. Saka you’re the one who’s going to help me nga, e, para hindi na parang iiyak si Mommy. Sige ka, napakamura na n’on. Ibibigay ko na lang sa iba.”

“E wala ka pa kayang sinasabing amount.”

“Mom needed about twelve thousand pesos, pero may savings ako kaya ipahihiram ko muna. Matitira is seven thousand divided by two—three five. You can stay there until you’re done with your book, walang dagdag na bayad. O ano?”

“Ang mahal naman!”

“Grabe s’ya, ang kuripot. That’s for as long as you like h’wag lang forever kasi walang—”

“Forever, I know!”

“At seeeezzz, ‘kala mo nagka-boyfriend na!”

“At seeezzzz, sino ba ‘yung kandaiyak sa palda ko last month kasi nakipag-break up?” sambit ni Joey, saka agad na binalik ang topic sa rent kasi hindi niya sinasadyang ipaalala sa kaibigan ang talipandas nitong cheater ex at ang nakakahiya nitong pagwawala after magwalwal noong nalamang may iba ng GF ang parehong ex na iyon pagka-tapos lang ng isang month na paghihiwalay. “Basta, tatawad pa ako!”

“Hesus-Maria at Josefina naman! Kuripot mo talaga!”

“Pretty naman, matalino pa!”

Nagtawanan sila, pero hindi na nga siya nito pinayagan pang tumawad. Biro lang naman niya talaga ang pangungulit sa kaibigan kasi gawi na nila iyon. Nangako po nga itong dadalawin siya at ipagluluto ng stock na pagkain sa fridge para hindi na siya maabala pa kapag nagsusulat. Dadalhan pa siya ng chocolate cake. Kung magtatagal siya sa Tagaytay, baka lugi pa ito sa kanya dahil addict itong magpakain sa mga kaibigang walang cook.

Nang ibaba ni Joey ang phone, nakangiti siya. Noon pa lang ay nakadarama na siya ng kutob na gagana na ang creative juices niya, wala pa man siya sa Tagaytay. 

Tama nga yata si Hazel na change of scenery ang kailangan niya. Mabuti na lang at naisip nito iyon kasi hindi man lang niya maiisip umalis ng bahay para lang magsulat. 

Or kung maisip man niya, hindi siya gagalaw hangga’t may magtulak sa kanya.

She didn’t like leaving the house. Ermitanya kasi siya. Legit.

She liked the Tagaytay house, kasi nakarating na siya roon at nakita niyang pribado ang lugar dahil sa klase ng pagkakapwesto niyon sa loob ng residential resort na location. Mayayaman ang mga nakatira sa na bakasyunan lang ang lugar. If she didn’t want to see anyone, she only had to avoid the clubhouse. Most importantly, the back of the house had a garden that faced Taal Lake kaya kung naroon siya sa likod, she could pretend there were no neighbors. 

Timing ang tawag ni Hazel. She needed to get away and yet feel she was still inside a house. Hazel always followed through for her, it’s eerie sometimes. 

Swerte lang talaga siya sa kaibigan niya.

Kinabukasan

“Is this Ara on the phone?”

“Speaking. Who’s this?”

“Tita Claudia.”

Bahagyang nagulat si Ara. Claudia Letulla was Atty. Claudia Letulla, isang respetadong abogada at kaibigan ng kanyang Mommy. “Gusto n’yo bang makausap si Mommy?”

“Actually, nakausap ko na s’ya. Ikaw ang itinuro n’ya sa ‘kin kasi ikaw daw ang naka-assign dito. Or kayong magkapatid?”

“Ah! The resthouse in Tagaytay ho ba? Are you interested po ba, Tita?”

“Not actually me. May friend kasi ako na ang anak ay may friend na naghahanap ng mare-rent na resthouse somewhere para magbakasyon. Tagaytay is the perfect place for that, don’t you think?”

“Of course po. Kung gusto n’yo po, ibigay n’yo sa ‘kin ang pangalan ng kaibigan ng anak ng kaibigan n’yo—tama po ba?”

“Right.” Natawa ito. “Nakakalito, ‘no? Kasi I remember that resthouse and I think whoever he is will like it.”

“He?”

“Oh. No, I’m not really sure,” nalilito nitong sabi. “Pepper ang name. He could be a ‘she.’”

“May makakasama kasi s’yang dalaga. Magkakaproblema kung guy s’ya, hindi pwede.”

“Gan’on ba? Baka naman girl nga. Kasi babae ang anak ng friend ko, e.”

“Okay…” isinulat ni Ara ang pangalan. “Kaya lang po may makakasama nga siya kung sakali. Friend ng kapatid ko. Pero okay lang si Joey, malamang na magkukulong ‘yon sa kwarto to work kaya hindi niya maiistorbo si Pepper.” 

“Joey?”

“Girl po, ‘yung dalagang sinasabi ko. Actually, name n'ya is Josefina. Pero Joey s’ya sa ‘min.”

“Oh.” Natawa ang attorney. “Nakakalito na talaga ang mga pangalan ng mga kabataan ngayon.”

“Tita naman. Sa generation n’yo nga po nagsimula ang ganitong trend sa pagpapangalan, ‘di ba?”

Napatawa na naman ito. “Oo nga pala. May kaibigan ako before, her name’s Charlee, but with double ‘e’ sa huli instead of ‘ie’. Madalas din tuloy mapagkamalang lalaki. And when I was younger, I was called Audi so they thought I was male. And sometimes mga bagong kakilala would say, ‘I thought that’s a man’s name?’ I got tired of having to explain myself and when I passed the bar I asked everyone to start calling me by Claud or Claudia. Wow, that feels like a long time ago. I feel old.”

“No, tita, maganda ka pa rin kahit nasa forties ka na. Like Mom.”

“Binola mo pa ako. Oh, I have to be fast, may dumating akong client. So how much does the rent cost?”

“Three-five po for a week. Ga’no ba s’ya katagal?”

“Ay magtatagal. Ang sabi, a month.”

Kuminang ang mga mata ni Ara sa mga posibilidad. “E sige po, siguro pwede na ang ten thou.”

“Sige, I’ll tell them. That’s good, sobrang mura for that location. I’ll get back to you in an hour. O kaya ang sekretarya ko na lang ang patatawagin ko in case na maging sobrang busy ako before my client’s hearing.”

“O sige po.”

An hour later, tumawag ang secretary ni Atty. Letulla. Pumayag daw ang friend ng anak ng friend ng amo nito. Pinag-usapan nila kung paano ang mode of payment at kung paano makukuha ang susi. 

Kumikinang pa rin ang mga mata ni Ara noong ibinaba nito ang phone. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status