Share

CHAPTER 42- THE PRISONER

“Andra, kahapon ka pa hindi kumakain. Please, kumain ka na.”

Nakaupo ako sa sahig ng aking kuwarto. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri habang nakatingin lang sa sahig ng aking kinagisnang silid.

“Please, Andra. Hindi makabubuti sa’yo kapag hindi ka kumain. Magkakasakit ka.”

Halos hindi ko maikurap ang mata ko dahil mahapdi pa rin ito. Magmula kahapon ay umiiyak na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kahit na ilang beses kong sabihin na malalampasan ko ito, kahit ilang beses kong patatagin ang sarili ko, hindi ko pa rin maiwasang umiyak.

Magmula kahapon, nakakulong na ako sa lugar na ito. Dati rati, ang kuwartong ito ang pinakaimportanteng lugar sa akin lalo na kung gusto ko ng katahimikan. Ngayon, pakiramdam ko isa na itong selda at ako ang bilanggo nito.

Lahat ng sinabi sa akin ni Mama—

Mali, hindi siya ang tunay kong ina. Kaya hindi ko na siya dapat na tinatawag na Mama. My heart aches for her but my heart aches for myself as well. Hindi ko naisip sa buong buhay ko na darating
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status