Share

CHAPTER 53- THE CONVERSATION BETWEEN TWO OLD FRIENDS

Pagkatapos ng event sa reception ng kasal, nagpaalam ako agad kay Jacob na kakausapin ko ang kapatid niya. Pumayag naman ito agad dahil abala rin siya sa pakikipag-usap kay Janina.

Nang makita ako ni Jace na palapit, lumapit siya sandali kay Lara at bumulong dito. Nakita ko nang malinaw ang pagsasalubong ng kilay nito at saka bumaling siya sa direksiyon ko. Hinawakan ni Lara ang braso ni Jace para pigilan ang kaniyang nobyo, pero si Jace na mismo ang bumawi sa sarili nitong braso.

Mas lalo lang sumama ang tingin dahil sa ginawa ni Jace.

“Sigurado ka bang hindi magagalit sa’yo ang pinsan ko?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa isang bahagi ng lugar kung saan konti ang tao. Nang lumingon ako ay nakita kong nakatingin sa akin si Jacob. Nginitiin ko lang siya saka ibinalik ko na rin ang aking atensiyon kay Jace.

“Kahit naman magalit siya, wala rin naman siyang magagawa kung gusto kong kausapin ka.”

Humugot ako ng malalim na hininga.

“Do you love my cousin,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status