Dinala ni Dustin si Celine sa isa sa pinakasikat na restaurant sa Quezon City. Hindi ininda ni Dustin ang pagmamaneho ng ilang oras matikman lang ang popular menu na Veil Tenderloin at Scallop Carpaccio ng Lemuria Gourmet Restaurant. It's in the middle of a village, so it's pretty quiet and private, ideal for those looking for some peace and quiet away from the hustle and bustle of everyday life.
Napansin agad ni Celine ang garden at ang aesthetically pleasing walkways ng restaurant. The atmosphere was romantic and relaxing, with a Spanish theme and staff dressed formally. Binati sila ng mga staffs ng restaurants nang makarating sila sa loob ng building. Mayroong mga old paintings at iba pang memorabilia sa dingding ng gusali. The building's interior had a Spanish colonial theme.
Pumili na sila ng pwesto at umupo. Agad silang nilapitan ng staff ng restaurant
“Pwede ba Dustin kumain ka na lang? Wag mo na akong titigan ng ganyan," masungit na saad ni Celine. Halos paubos na ang pagkain ni Celine samantalang ang kay Dustin naman ay hindi pa nangangalahati ang nababawas. “Hindi ko alam na malakas ka palang kumain. Hindi na ako nagtataka kung bakit mabigat kang kargahin.” Natatawang turan ni Dustin habang siya ay nakahalumbaba at nakatitig kay Celine. Itinigil na ni Celine ang kanyang pagkain at uminom ng tubig. Kinabig niya ang binili niyang wine at sinalinan ang kanyang wine glass nito. Gumalaw ang mga mata ni Dustin na nangangahulugang gusto niya ring salinan siya ng alak sa kanyang kopita ngunit nag patay malisya lang si Celine. “Bakit mukhang napapadalas ang pag-inom mo? Lasinggera ka ba noon pa man?” Dustin asked out of his curiosity. Tinapunan siya ng malamig na titig ni Celine at saka siya sinagot nito, “Ikaw ba naman ang masira ang pamilya, hindi ka ba mag-iinom?” Nag-iba bigla ang awra ni Dustin. Tila may maitim na ulap na bumal
Humithit ng sigarilyo si Shantal habang lumalagok naman ng alak sa kanyang tabi si Glydel. Naging abala ang bunsong kapatid ni Celine sa paghahanap ng trabaho. Halos isang linggo na siyang sumasabak sa interview pero hindi pa rin siya pumapasa. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil nababaon na siya sa utang sa kanyang bagong kaibigan kahit na hindi naman iyon kinokonsider na utang ni Glydel."Sigurado ka bang ayaw mong mag-apply bilang sekretarya ni Clark?" Tanong ni Glydel habang tinitingnan ang napaka pulang alak sa kanyang kopita."Ayoko, dahil sigurado akong naisumbong na ako ni Ate Celine kay Clark." Napatigil si Shantal sa kanyang pagsasalita. "I mean ni Celine. Sigurado akong naisawalat na niyang lahat ang nangyari sa ex-boyfriend niyang si Clark. Baka pahirapan lang ako no'n."Tinungga ni Glydel ang laman ng kanyang kopita at saka nagsalita, "Gaano mo ba kakilala si Clark?"Nagtaka si Shantal sa tanong na iyon ni Glydel pero dahil nirerespeto niya it
Halos magsisigaw sa galit si Dustin nang malamang nilayasan siya ng sekretarya niyang si Mariel. Ang masaklap ay dinala nito ang record ng kanyang schedule sa buong buwan ng Abril. Nawawala rin ang ilan sa mga mahahalagang gamit ni Dustin sa kanyang opisina."Find Mariel! NOW!"Agad na nagsitakbuhan ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Feever para hanapin ang taksil at magnanakaw na si Mariel. Pabalik balik na naglalakad si Dustin habang nakahawak sa kanyang sentido ang kanyang kaliwang kamay at ang kanyang kanang kamay naman ay nakasuot sa bulsa ng kanyang kulay abong pantalon."Hindi ako dapat nagtiwala sa babaeng 'yon!" Saad ni Dustin.Natigil lang ang kanyang paglalakad nang pumasok sa kanyang opisina ang kanyang Papang si Don Alexander."I told you that I don't like her. Hindi mo naman ako pinakinggan." Naglakad si Don Alexander patungo sa paborito niyang pwesto at doon umupo. Naka de kwatro ito habang nakatingin sa mukha ng dismayado niyan
"Girl, may work ka na ba? Sama na lang kaya tayo sa paghahanap ng trabaho? Wala pa ring tumatawag sa mga pinasahan ko ng resume eh. Lahat sila puro paasa. Nakakaloka!", wika ni Freya habang humihigop ng palamig."Inaalok ako ni Clark na magwork sa kanya kaso kahit gustuhin ko man, hindi pwede eh. Biglang pumapasok sa isip ko 'yung mga warning ni Dustin. Ewan ko ba parang nakaramdam ako bigla ng takot sa Papa niya. I mean kay Papa.", sambit ni Celine habang nangangain ng fishball.Tumingin ang dalawa sa tahimik na si Celestine. Naninibago sila dahil sa kanilang tatlo ay ito palagi ang nag oopen ng kung anu-anong topic. Niyakap nina Celine at Freya si Celestine."Cele, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Baka pwede ka naming usungan sa bitbit mo. Pakiramdam kasi namin eh masyado nang mabigat eh.", turan ni Freya.Tinapik ni Celine ang likod ni Celestine at saka siya nagsalita, "Basta andito lang kami palagi ni Freya kapag kailangan mo ng mapaghihingahan. Au
"Shantal pwede ba wag mong gamitin ang koneksyon mo kay Papa?" Inis na saad ni Dustin sa kanyang bagong sekretarya."What happened Dustin? Bakit ka nagkakaganyan? The last time we met, gustong gusto mo akong makita palagi. Gustong-gusto mo ang mga halik at bawat paghaplos ko sa iyong katawan."Nilapitan ni Shantal si Dustin matapos nitong ikandado ang pinto ng opisina ni Saavedra. Inuumpisahan na naman niyang akitin si Dustin gaya ng kanyang plano. Hindi niya ginagawa iyon para maghiganti sa kanyang kapatid, ginagawa niya iyon dahil mahal na niya si Dustin."Stay away from me Shantal! Kasal kami ng kapatid mo. Baka nakakalimutan mo." May pagbabantang tonong sambit ni Dustin.Tumawa ng malakas si Shantal bago muling ibinalik ang kanyang tingin sa lalaking bukod tanging nagpatibok ng puso niya. Nilapitan niya ito at hinila palapit sa kanya. Ramdam na nila ang hininga ng bawat isa."If you can resist my charm, my hotness and my body, then I won't both
Mariing ipinikit ni Shantal ang kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ng kanyang Ate Celine. Ang kanyang mga daliri ay hindi mapakali samantalang ang kanyang isip ay nagtatalo kung lalabas ba siya ng banyo o hahayaan niyang makita siya ng kanyang kapatid sa mismong opisina ng asawa nitong si Dustin. Nang maalala niyang muli ang bilin sa kanya ni Dustin ay napagdesisyunan niyang lumipat ng kanyang pinagtataguan. Hindi siya pwedeng lumabas na lang basta pero maaari naman niyang padaliin ang paghahanap ni Celine sa kanya. Mula sa may bath tub ay lumakad siya patungo sa likod mismo ng pinto ng restroom. Pumwesto siya roon para mas madali siyang makita ni Celine. Dinig na dinig na niya ang mga papalapit na yabag at ang kasalukuyang pagtatalo ng mag-asawang Saavedra. “Bakit mo ba ako pinipigilang pumasok sa restroom ha, Dustin?” Inis na saad ni Celine nang bigla na naman siyang hawakan sa kanyang kamay n
Nanlaki ang mga mata nina Feever at Celestine nang makita nilang halos magkakasunod na lumabas sina Celine, Dustin at Shantal sa banyo. Nagsalubong naman agad ang kilay ni Freya at biglang kumulo ang dugo niya nang masilayan niya si Shantal. “Anong ginagawa ng isang traydor dito sa opisina ng asawa ng kaibigan namin?”, masungit na saad ni Freya habang tinatapunan niya nang mababagsik na tingin si Shantal. Tahimik lang si Celestine habang pinagmamasdan si Celine na kanina pang uminom ng uminom ng tubig. “Mag-iihi ka niyan Maám Celine.” Komento ni Feever. Hindi na niya napigilang hindi punahin si Celine dahil halos maubos na nito ang tubig na laman ng pitsel. Nilingon ni Freya si Feever at pinanlakhan ng mga mata. Ibinaling naman ni Shantal ang kanyang tingin kay Feeve
Nagdadalawang isip si Celine na bumaba sa sasakyan. Nasa tapat na siya ng gate ng mansyon ni Don Alexander. She’s tapping her hands while holding the car’s steering wheel. Sumandal siya sa upuan bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ng kanyang Tatang Clenthon. Agad namang sinagot ng kanyang Tatang ang tawag niya. [ “Anak, kamusta ka na? Miss ka na namin dito. Ang tagal mo na ring hindi dumadalaw. May pera ka ba diyan?” ] Iniikot ni Celine ang kanyang mga mata bago sumagot sa tanong ng kanyang Tatang. Hindi talaga nawawala sa usapan ang pera sa tuwing tatawag siya. “Wala pa po akong pera Tatang eh. Natanggal po kasi ako sa trabaho”, pakli ni Celine. Narinig niyang nagmura ng mahina ang kanyang Tatang.