"Sigurado ka bang walang nakasunod sa'yo?" "Wala," matipid na tugon ni Glydel. "Bakit parang galing ka sa pag-iyak? Don't tell me nakokonsensya ka na? Ipapaalala ko lang sa'yo Glydel na ikaw at si Tin ang may pakana ng lahat ng ito. Sumusunod lang ako sa mga utos niyo," ani Ronan habang patingin-tingin sa paligid. "Pasalamat ka, may gusto ako kay Tin," dagdag pa niya. Glydel fixed herself. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Shantal. **Flashback** "Hello Peter, where are you?" Hindi maiwasang tumingin ni Glydel sa side mirror ng kaniyang sasakyan. Kitang-kita niya nang lumabas mula sa garahe ang sasakyang ibinigay niya kay Shantal. "Good. Nandito rin ako sa Kumintang Road. Tanda mo pa ba 'yong kotse na iniregalo mo sa akin?" Kumunot ang noo ni Glydel nang makita niyang mas bumilis ang pagpapatakbo sa kotse ni Shantal. "Hit that car. Yes, you heard it right. Hit it! Someone's following me. Magiging hadlang siya sa plano natin kapag nagkataon." May luhang pumatak sa pisngi ni Glyde
Patingkayad na naglakad si Freya patungo sa emergency room para hanapin si Celine. Mabuti na lang at busy sina Glydel, Celestine at Ronan sa pagtsi-tsismisan. Agad din niyang pinadalhan ng mensahe si Dustin tungkol sa kinaroroonan niya. Sa pagmamadali ay aksidente niya rin itong na i-sent kay Clark. "Nasaan ka Celine?" bulong ni Freya habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga pasyente. Isang pasyente na lang ang hindi niya natitingnan at iyon ay naka-puwesto sa kadulo-duluhan. Napaawang ang kaniyang bibig nang masilayan niya ang mukha ng kaniyang kaibigan. "Celine, anong ginawa nila saýo? Bakit namayat ka ng husto?" naiiyak na turan ni Freya habang dahan-dahang papalapit sa kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hinaplos niya ang mukha ni Celine habang tumutulo ang kaniyang mga luha. Habag na habag siya sa sinapit nito. "Magbabayad sila sa ginawa nila saýo. Sisiguraduhin namin ýon ni Dustin." Naglakad nang pabalik-balik si Freya habang nag-iisip kung paano niya maiitakas si Celine. "
Nakasuot ng doctor's smock gown at puting facemask ang lalaking nasa likuran ni Freya. Mayroon itong dalang wheel chair. Sinenyasan nito si Freya na lumabas na ng emergency room.Nagdadalawang-isip pa si Freya kung susundin ba niya ang inuutos ng lalaki. Wala siyang tiwala rito dahil hindi naman nito ipinapakita ang kaniyang mukha.Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang biglang gumalaw si Glydel, tanda na malapit na itong magising."Trust me," the man whispered.Tinitigang mabuti ni Freya ang mga mata ng lalaki."You look familiar. Okay, I'll go. Doon tayo magkita sa may pharmacy, sa tapat nito," bulong ni Freya. Tumango lang ang lalaki.Gumagalaw na ang mga talukap sa mga mata ni Glydel kaya naman mabilis na nagtatakbo si Freya papunta sa puwesto ng katabing pasyente ni Celine.Muling ibinalik ng lalaki ang dextrose sa kamay ni Celine. Maingat niyang inilipat ito sa wheelchair, dala-dala na rin ang dextrose.Nang magising si Glydel ay agad siyang napatayo nang makita niyang nakaupo na s
Nanginginig sa galit si Clark habang pinagmamasdan ang walang malay na si Celine. Hawak-hawak niya ang isang kamay nito. Mayamaya pa ay tuluyan nang pumatak ang kaniyang mga luha."Bakit patuloy kang pinagtataksilan ng mga taong malapit sa puso mo? I couldn't understand. Hindi mo deserve ang masaktan nang paulit-ulit," ani Clark. Kinuha niya ang cellphone niya at tinitigan iyon. "Ipapaubaya ba ulit kita kay Dustin o kailangan na kitang bawiin sa kaniya? Magiging masaya ka ba sa piling ko kasama ang magiging anak mo o mas magiging komportable ka kapag si Dustin ang makakasama mo hanggang sa manganak ka?"Bumuntong hininga si Clark at sumandal sa may upuan. Stable na si Celine. Anumang oras ay magigising na ito. Nagdadalawang-isip pa rin si Clark kung sasabihin ba niya kay Dustin na nasa kaniya si Celine o tuluyan na niyang ilalayo ang babaeng mahal na mahal niya sa kaniyang karibal."God, please help me." Pumikit si Clark at nanalangin nang taimtim. Tumulong muli ang mga luha niya sa k
Nagising ang mahimbing na natutulog na si Dustin nang buhusan siya ni Ronan ng malamig na tubig."What the fuck!" aniya habang inaalog ang kaniyang ulo. Basang-basa siya na animo'y kaaahon lamang sa swimming pool.Napalingon si Dustin sa kaniyang likuran nang marinig niya ang isa pang malakas na sigaw."PETER? ANONG IBIG SABIHIN NITO? BAKIT NAKAGAPOS ANG MGA KAMAY KO? SAAN MO KAMI DINALA? BAKIT MO GINAGAWA ITO?" sunod-sunod na tanong ni ni Clark matapos siyang buhusan ng maligamgam na tubig ni Peter."Engineer Clark Simeon?" ani Dustin."Dustin Saavedra?" gulat na sambit ni Clark.Nagkatinginan silang dalawa at pagkatapos ay tiningnan nila sina Peter at Ronan. "NASAAN SI FREYA?" sigaw ni Dustin."NASAAN SI CELINE?" sigaw ni Clark.Nagsalubong ang mga kilay ni Dustin at dahan-dahang nilingon si Clark."Ikaw? Ikaw ang lalaking kumuha kay Celine?" hindi makapaniwalang wika ni Dustin.Tumango si Clark."Akala ko ba hindi mo na kami guguluhin? Bakit puma-papel ka na naman?" tanong ni Dust
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan