Nilagay ni Alex ang kaniyang mga braso sa likod niya at tumango habang nakatitig siya sa kaniyang pinsan. Hindi niya mapigilan ang bumuntong-hininga nang malalim.Noon, ang mga taong ‘to ay lubos na magalang sa kaniya. Tinatawag pa siya ng mga ito na kanilang kuya. Gayunpaman, dahil sa mga nakaraang pangyayari, ang malambing niyang pinsan ay lubos nang nandidiri sa kaniya at iniinsulto siya. Para bang gusto na siya nitong apakan.‘Ah sige, dahil basura rin naman ang trato mo sa ‘kin, bakit ko pa panghahawakan ang nakaraan nating relasyon?’Kalmado niyang sinabi, “Hindi na makagalaw ang matanda? Ang bilis, ah. Sa tingin ko ‘yon ang tinatawag nating karma!”Nagalit si Carol. “Ano’ng sinabi mo? Ang lakas naman ng loob mong pagsalitaan nang ganiyan si Lolo? Tao ka ba o peste? Dahil isang peste ang tatay mo, sa tingin ko peste ka rin!”Biglang nag-angat si Alex ng isang braso at sinampal ang mukha ni Carol. Nagsimula itong mamaga dahil sa pwersa.Ang ekspresyon ni Alex ay malamig at ang kan
Ang maliwanag na ngiti ng kaniyang ama ay nakatatak sa kaniyang isipan, na para bang kasama niya ito roon sa sandaling ‘yon. Ang pagkaalala sa ngiti niya ay winasak ang puso ni Alex.“Ama, ikaw ang pumili at bumili sa lugar na ‘to. Nabuhay ka rito!“Babawiin ‘to ng anak mo para sa ‘yo,” bulong ni Alex sa kaniyang sarili.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, nagpapalamon sa kaniyang mga iniisip.Alas singko na ng gabi noong bumalik si John sa manor mula sa ospital, tila gustong-gusto nang pumatay. Sinisi niya sina Alex at Brittany para sa kinalalagyan ng kaniyang anak at kaniyang ama. Ninais niyang ilabas ang kaniyang galit at kawawain ang dalawang p*ta na ‘yon.Ngunit noong makarating siya sa pasukan, nakita niya ang mga bantay.Noong buksan ni Fred ang kaniyang bibig, tinulak siya sa gilid ni John at malamig na tinanong, “Narito ba ang pesteng si Alex na ‘yon?”Hindi naglakas-loob si Fred na sumuway at sinabi, “Narito siya.”“Buti naman,” sabi ni John noong magmadaling siyang magtungo
“Ano?”“Sa likod ng aksidente nila?”Nagsanhi si Alex ng gulo sa mga Rockefeller sa isang tanong lamang na ‘yon.Ang lahat ay napatingin kay John, naghihintay ng isang sagot. Kahit si Noah ay napatingin sa kaniyang direksyon.Gumising si John sa kaniyang pagkakatulala at mas nagalit. “Kalokohan! Bakit ako ang magiging sanhi ng aksidente? Pinaghihinalaan mo bang pinatay ko ang ama mo? Sa tingin mo ba ay papatayin ko ang sarili kong kapatid? Ano’ng tingin mo sa ‘kin?“Ang ama mo, si William, ay pinagtaksilan ang bansa natin at sinubukang tumakas! Siya ang hindi nagbigay-pansin sa daan at nabalisa! Bumangga siya sa isang drayber at naaksidente. Siya ang nagsanhi ng sarili niyang kamatayan. Ano’ng kinalaman no’n sa ‘kin?“At saka, ang kaniyang mga kilos ay nagsanhi sa aming mga Rockefeller na magtiis ng kahihiyan. Ngayon ay katawa-tawa na kami dahil sa kaniya. Hindi man lang naming magawang mabuhay nang mapayapa sa California dahil sa iyong ama at inang si Brittany na sumuko sa kanilang ka
Sumingasing si John. “‘Wag kayong mag-alala. Ang Rockefeller Group at ang manor na ‘to ay pagmamay-ari ng ating Pamilya Rockefeller. Dahil patay na si William, imposibleng mabawi pa ni Alex ang lahat. Managinip na lang siya. Wala akong ibibigay sa kaniyang kahit isang sentabos!”“Pero, mukhang naging makapangyarihan siya. Sinanay ba niya ang kaniyang sarili noong mawala siya? Tingnan niyo ang mesa… sinasabi nila na mga manlalaban lamang ang may kayang gawin ‘yon,” sagot ni Carol.Bilang bahagi ng mayayaman ng California, makatwiran para kay Carol na malaman ang tungkol sa ganoong mga tao—mga manlalaban.“Ano naman kung manlalaban siya? Ano’ng dekada na ba? Kahit gaano pa siya kalakas sa pakikipaglaban, mahina pa rin siya at imposibleng maiwasan niya ang isang bala,” sumingasing si John.Tumingin siya nang masama kay Pepper Kimmich at naisip, ‘Dalawang buwan? Hmph, sa loob ng dalawang buwan na ‘to ay ipapadala ko kayong dalawa ng ina mo sa impyerno.’Sa isang iglap, gumaan ang pakiramda
Sa halip ay sinagot ni Charles Carter ang tanong ng isang ngiti, “May pagmamay-ari si Hailey na isang beauty salon chain. Ilang taon na ang nakalipas, ninais niyang gumawa ng sarili niyang mga produkto kaya bumili siya ng maliit na manufacturing plant na mayroong R&D center upang malaman niya ang kaniyang mga ambisyon. Hanggang ngayon ay walang lumalabas doon, kaya matagal nang walang gumagamit no’n.”Sa katunayan, sinabi na ito ni Hailey kay Brittany kanina.Kung ‘di, hindi ito babanggitin ni Hailey ngayon.Si Brittany ay isa ring mahusay na negosyante ilang taon na ang nakalipas kaya naiintindihan din niya ang mga operasyon na ‘to sa negosyo.Nakangiti niyang sinabi, “Alex, pagkatapos kong makipag-usap kay Hailey, sa tingin ko ay pwede tayong makipagtulungan sa kanila. Ang kaniyang beauty salon chain ay kailangan ng magandang produkto sa kasalukuyan at may kumpiyansa akong kaya mong gawin ang tamang sikat na produkto para sa kaniya.”Ano ang sikat na produkto? Isang bagay na lalagpas
Tumingin siya nang diretso, ngunit ang kaniyang mga mata ay napatingin sa leeg ni Waltz, at sa sandaling ‘yon nararamdaman niya na siya ay binabati ng isang napakagandang tanawin mula sa isang mataas na lugar. Kahit na ang kaniyang isipan ay kanina pa tumatanggi, ang kaniyang katawan ay mas matapat. Nang bigla, ang kaniyang mga kamay ay napahawak sa baywang ni Waltz.“Hindi naman sa ayaw kitang turuan, sadyang masyadong masama ang mga nalalaman mo.” Si Alex ay mabilis na humihinga at hindi makapag-isip nang diretso.“Oh, talaga? Ano ang dapat kong gawin? Senior, ang tungkol sa chakra pill na binanggit mo noong nakaraan, ano ‘yon?” Muli niyang ginalaw ang kaniyang katawan at nagsalita sa isang nang-aakit na boses.“Hmm, ang chakra pill ay…”Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nakarinig siya ng ubo na nanggagaling mula sa hagdan.Ito ay si Brittany, na nakatayo sa hagdan kanina pa, nakatingin sa kanila nang may nagulat at kakaibang ekspresyon habang may iniisip na, “Bata, siya ang juni
Amoy ng pabango?Nag-isip nang sandali si Alex, at muntik nang madulas.Hindi niya pwedeng sabihin kay Dorothy na umupo si Waltz sa kaniyang binti at ginalaw-galaw ang kaniyang katawan, binibigyan siya ng amoy ng kaniyang pabango.Kaya pa rin niyang mag-isip nang diretso, kaya dali-dali siyang nagpaliwanag, “Syempre hindi, hindi ko nakita si Dr. Coney ngayong araw. Para naman sa pabango… Natatandaan ko na ngayon. Kay Hailey ‘yon, niyakap ko kasi…”Bago pa man siya matapos sa pagsasalita, napasabi si Dorothy, “Niyakap mo si Hailey?”Agad na tinama ni Alex ang kaniyang mga salita. “Patapusin mo muna ako sa pagsasalita. Niyakap ko ang anak ni Hailey, si Zoey. Mayroon din siyang pabango ng nanay niya, eh.”“Gano’n ba?”“Syempre, bakit hindi mo siya tanungin?”“‘Wag na, may tiwala ako sa ‘yo.”Mabilis na hinawakan ni Alex ang malambot na mga kamay ni Dorothy at sinabi, “Dorothy, ang saya-saya ko na nag-aalala ka sa ‘kin, alam mo ba ‘yon? Nitong mga nakaraan, akala ko ay hindi mo na ako maha
Sumingasing nang malamig si Claire at tumingin nang mapanghinala kay Alex. “Ano naman? Isang pabor lang naman ‘yon. At saka, naghihinala ako na pinirmahan lamang ni Charles Carter ng Waylon Realty ang kontrata dahil naaakit siya sa kagandahan mo. Pagkatapos, gusto mong ituro si Alex para magbago ang pag-uugali ko sa kaniya, tama ba ako?”“Diyos ko!”Si Dorothy ay walang masabi. Nang mapagtanto na hindi na niya magawang makausap si Claire, hinila niya ang kamay ni Alex at sinabi, “Pumunta ka na sa kwarto ko, ngayon mismo.”“Tumigil ka! Ano’ng kwalipikasyon ang mayroon siya para pumasok sa kwarto mo?” Sigaw ni Claire.“Dahil siya ang legal na asawa ko.”“Hindi, hindi pwede. Isang tao lamang ang pwedeng pumasok sa kwarto mo, iyon ay si Felix Shepherd ng Pegasus International. Ngayon, siya lamang ang kinikilala ko bilang manugang ko.”“Haha,” tumawa si Alex nang may walang paking ekspresyon habang nakatingin nang kalmado kay Claire.Akala niya ay magbabago ng ugali nito nang kaunti pagkata