I was holding a bouquet again. I just wanted to apologize to Arila for pushing here to something I am well aware that she’s afraid of. I shouldn’t leave her. I should’ve stayed.Nang makapasok ay hinanap ko siya sa sala pero wala siya. Dumiresto ako sa kusina kasi magtatanghali na. Baka nagluluto lang siya. But still, the kitchen looked untouched.Baka busy na naman siya sa manuscript niya. Umakyat ako sa kwarto ng dahan-dahan, para surpresahin sana siya pero wala akong nakita ni anino niya. Wala akong ingay na marinig. Tahimik lang ang paligid. Hanggang sa marinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. It suddenly felt wrong.“Arila?” tawag ko. Baka kasi nagtatago na naman siya. One time kasi tinaguan niya ako. Hindi ko rin talaga maisip ‘yung trip niya pero kahit ganoon, mahal ko ‘yon.Naglakad ako patungo sa CR sa kwarto niya. Wala ring tao. Napalunok ako saka tiningnan ang ilalim ng kama.“Arila, it’s not funny anymore. Come here I have something for you.” Pero walang Aril ana lumaba
"Terrence?" Tumingin ito sa akin ng kunot ang noo."Zyle, remember? Kaibigan ni C. Nagkita na tayo noon sa resort ng kaibigan namin." Saka lang bumakas sa mukha niyang naaalala niya ako."Yeah. I remember."That was our first conversation after not seeing each other for a year. But who would have thought we will be friends after?Naabutan ko siya sa harap ng kaniyang locker. Binuksan ko ang katabing locker nito saka inilagay ang mga librong sa awa ng Diyos ay hindi ko na gagamitin."You too still have art app next sem?"Tumango lang ako. "Let's get the same sched.""Sure," then he smiled playfully. Napailing na naman ako."Are you setting me up again with Cassie?" I asked him as we both close our lockers.As if on cue, I heard the familiar voice making us turn to our left. "Hi, Rencey!"Lumapit ito kay Terrence at kumapit sa baraso niya. Kung hindi ko alam na magkapatid ang turingan nila, iisipin ko talagang childhood sweetheart sila, e."Morning, Cassie. Won't you greet my friend?" I
Maingay ang paligid ngunit hinayaan ko lang ito. May kaniya-kaniyang usapan ang ilan habang ang iba naman ay tahimik lang na nag-iintay sa pila."Pwede pong magpa-picture?" kinikilig na sabi ng dalagita sa aking harap.Ngumiti ako saka tumayo mula sa aking kinauupuan. "Sure."Lumapit sa aking ang dalaga hawak ang ilang libro na pinapirmahan niya lang kani-kanina. Iniabot niya ang kaniyang phone sa isa pang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya. Humarap kami roon saka sabay na ngumiti."Thank you po!" masiglang sabi niya."Salamat rin sa pagtangkilik ng libro ko."Nang umalis siya ay naupo na ako sa upuan ko kanina at ngumiti sa nasa harapan ko na may dala ulit na libro."Hi, Kuya Z!""Hello!" bati ko habang pinipirmahan ang librong dala niya."Paborito ko po talaga 'yang Summer Escape! Grabe, hindi ko ine-expect 'yung ending! Pero I'm happy po. At least April and Kyle had their own happy ending po..."Ngumiti lang ako sa kaniya.Hindi ko na mabilang ang libro na napirmahan ko. Nakakap
“Zyle!” Napangiti ako ng makita siyang nakaupo sa kama ng nakangiti. Nakakumot siyang puti at mayroong sidetable na may iilang prutas at gamot sa gilid.Inilahad niya ang kaniyang mga lamay, parang nanghihingi ng yakap. Napapailing na lumapit ako sa kaniya.“Welcome back.”Hinampas niya ang likod ko kaya napatawa ako. “Kamusta naman ang sleeping beauty namin?”“Gago!” natawa ako ng batuhin niya ako ng unan.“Pero hindi nga, ayos ka lang?”“Oo naman. Sabi ng doctor dito muna ako para sa mga test. Saka para rin mamonitor muna ako. Takte, apat na taon rin akong tulog, ano. Para ngang hindi ko na alam maglakad.” Pareho kaming natawa sa sinabi niya.Kakagising niya lang from coma last week pero mukhang okat naman siya.Naupo ako sa upuan malapit sa kaniya.“Zyle, kamusta ka na?”“I guess I’m okay.” Napatango-tango siya.Pareho kaming natahimik. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siya. Pero pagkalipas ng ilang sandal ay tumikhim siya.“Balita ko ikakasal ka na?”Tuma
At last.To all the readers, thank you for reading and spending coins for this. It was short like how Arila and Zyle's time was, but I give my best and I really hope you appreciate it.I hope if you're afraid to do something now, face that fear. We don't know how short our life could be so do it. Don't be afraid so that you don't have to live with regrets and what ifs later.
Agad kong binuksan ang cabinet ng pagkarating sa kwarto ni Arila. I got the stationary and compared the ready to use envelopes inside to the one my aunt found at my old carrier's bag. Now I wonder to whom Arila wanted to send this. Ibabalik ko na sana ang stationary ng may malaglag doon.Kinuha ko ang sobreng nalaglagat ipapasok na dapat sa lagyanan nang mapaawang ang mga labi ko ng makita ang nakasulat sa sobre.Zyle CastilloNapakumot ang noo ko. What's this?Tiningnan ko ang date kaya naman mas napakunot ang noo ko ng makitang ang date na nakalagay roon ay date na hindi pa kami magkakilala.Tiningnan ko iyong sobre mula sa bag ko."Ba't pareho ng date?"Hindi kaya para sa akin talaga ito? Pero hindi niya pa ako kilala ng mga panahon na 'yon?I was confused. And the only thing I wanted to do that time was to open the letter so I do it. I want you to be my boyfriend this summer. If you're in, go to my place.Napaawang ang bibig ko. How I wish I never read it.Was it supposed to be s
"Finally!" Nag-inat ako pagkalagay ng huling sulat sa aking lalagyanan habang inaayos ang pagkasunod-sunod ng mga lugar upang hindi na pabalik-balik kapag nadaanan na ang address ng mga sulat. Kinuha ko ang tasa at ininom ang lamang kape. Napatingin ako sa orasang nasa kaliwa ng mesa. 7 AM.Maaga pa."Zyle, ano? Tapos ka na ba?" tanong sa akin ni Rizzy—katrabaho ko—habang may kung anong binabasa sa tumpok ng mga papel sa kaniyang mesa."Yup." Ngumiti ako sa kaniya. "Sige, mauna na 'ko." Inayos ko sandali ang gamit ko at lalabas na sana, nang muli akong tawangin ni Rizzy."Bakit?"Lumapit siya sa akin at iniabot ang isang sulat."Wala kasing address 'tong isang 'to kung kanino ipapadala. Tutal malapit naman 'to sa range mo, baka pwedeng ikaw na lang ang magbalik?"Iniabot niya ang isang sobreng kulay puti. Tiningnan ko ang likod at nakita ang magandang pagkakasulat ng address ng pinagmulan. Cursive ito, masisiguradong magaling sa calligraphy ang nagsulat.Hmm. Alam ko kung saan 'to."O
...Looks up at the man that she turned downHe was a skater boyShe said see you later boyHe wasn't good enough for herNow he's a super star slamming on his guitarDoes your pretty face see what he's worth?...Malakas na tugtog ang nabutan ko nang makapasok akong muli sa bahay ni Arila.Inikot ko ang aking paningin sa loob ng bahay at nakita siya sa sala na isa-isang pinupulot ang piraso ng mga papel. Maglalakad na sana ako papunta sa kaniya nang marinig ko siyang sumigaw."Stop!"Napahinto naman ako. Napakunot ang noo ko.Tumuro siya sa baba kaya tinignan ko ang tinuturo niya. May papel pala na muntikan ko nang matapakan. Kinuha ko 'to at tiningnan. May mga nakasulat dito at babasahin ko na sana nang bigla niya itong kunin sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. May kinuha siyang remote na nasa sofa sa gilid namin at hininaan ang tugtog."Hi." Ngumiti siya."Um, hi..." bati ko rin.Tinititigan niya ako na parang sinusuri ang mukha ko kaya naman tinitigan ko rin siya sa mga kulay brow