Yannie Ace RuizAgad kong tiningnan ang cellphone ko nang mag-vibrate ito dahil sa chat na natanggap ko.Rica: See you, Yannie! Ingat kayo ng friend mo (smiley emoji)Me: See you po, Ate. Ingat din po.Pagka-reply ko kay Ate Rica ay muli kong tiningnan ang aking sarili sa harapan ng salamin sa ladies room ng mall na kinaroroonan ko. Dito sa mall na ito ang usapan namin ni Veron na tagpuan namin ngayon. Kadarating ko lang naman at agad nga akong dumeretsyo dito sa ladies room para tingnan muna ulit ang sarili ko. Nang matapos na ako ay lumabas na din ako saka ko muling kinuha ang cellphone ko para mag-send ng message kay Veron na naririto na ako.Pero bago pa lang akong magtitipa ng mensahe para sa kanya ay biglang lumabas ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Mabilis ko namang sinagot ang tawag niya sa akin.“Hello, Veron?”“Yannie!”“Ite-text pa lang sana kita. Nasaan ka na? Nandito na ako—”“Yannie, pasensya ka na,” mabilis na putol sa akin ni Veron mula sa kabilang linya.“H
Yannie Ace RuizMalakas ang bawat pagpintig ng puso ko habang deretsyong nakatitig ngayon kay Josh. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.“So, ganoon nga. Sinabi mo lang na hindi ka pupunta, dahil ayaw mong makipagkita sa akin,” dismayadong sabi ni Josh sa akin.Napalunok ako saka mabilis na nagsalita. “Hindi ganoon ‘yon, Josh—” Pero agad din akong natigilan nang bigla niya akong putulin.“Okay lang,” aniya habang dismayado ang mga mata niyang nakatitig sa akin. At pagkuwan ay nagsimula siyang humakbang palampas sa akin patungo sa exit ng restaurant. Awtomatiko namang kumilos ang mga paa ko at agad siyang sinundan sa labas.“Josh, sandali!” malakas na sigaw ko sa kanya na siyang ikinahinto niya sa paglalakad. Mabilis naman akong nagtungo sa harapan niya upang maharap siya. Niyuyuko niya ako sapagkat napakatangkad niya para sa akin. “Josh, hayaan mo muna akong makapagpaliwanag sa iyo. Sa totoo lang… nagpunta din talaga ako dito para makita ka—” Muli akong natigilan
Yannie Ace RuizNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko mula sa bintana ng kwarto. Marahan akong nagmulat ng mga mata saka ko sinulyapan ang oras sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto. Pasado alas nuwebe na ng umaga. Nag-unat ako saka ako tuluyang bumangon at naupo.Linggo ngayon, pero dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ko mula pa kahapon nang umuwi ako ng bahay, ay nagpaalam na muna ulit ako kay Mrs. Maricel, na hindi na muna ulit ako makakapasok ngayon sa store. Pumayag naman siya at sinabing si Jomar na daw ang bahala sa store. Humingi din ako ng pasensya kay Jomar pero siniguro naman niya na ayos lang iyon sa kanya.Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko kagabi. Sinakitan ako ng ulo at sinipon ako. Siguro dahil iyon sa ginabi na kami ng sobra ni Jomar sa byahe pabalik ng Biñan.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ibabaw ng table sa tabi ng kama ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may one missed call akong na-receive doon. Agad na kumabog ang
Yannie Ace RuizMula kanina ay hindi na nawala pa sa isipan ko si Josh. Palagi din tuloy akong nakabantay sa cellphone ko ngayon para kung sakaling tatawag siya ay hindi ko na iyon ma-miss pa ulit. Walong araw na ang nagdaan mula nang unang gabi na nagkita kaming dalawa. At siguro ay naroroon pa rin siya sa Samar sa mga oras at panahon na ito, katulad nang nasabi niya sa akin dati. Baka iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya ma-contact sa tuwing susubukan kong tawagan siya.Ilang sandali pa nang maisipan ko naman na magbukas ng social media account ko saka ko sinubukang i-search si Josh doon. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang ma-search ko siya doon. Naka-activate na ulit ang account niya!Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako nagpunta sa timeline niya at nakita ko naman doon ang bagong post niya 3 hours ago.‘Got a signal for a while, but still couldn’t talk to the person I want to talk to…’Kumabog ang dibdib ko pagkabasa ko no’n. Ayaw na ayaw ko ang nag-aassume pero sa
Josh Rain MontezMalakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko habang patuloy akong nagmamaneho ng aking sasakyan. Sampung araw dapat ako sa Samar pero dahil natapos naman ng maaga at maayos ang mission ng foundation namin doon ay umuwi na kami kanina.Sa bahay sa Las Piñas ako dumeretsyo dahil nandoon din ang sasakyan ko. At ngayon nga ay kasulukuyan akong bumabyahe patungo ng Biñan… patungo kay Yannie.Sa ilang araw ko sa Samar, ay hindi nawala sa isipan ko si Yannie. Sinubukan kong libangin ang sarili ko doon at i-focus ang sarili ko sa mga bagay na ginagawa ko, pero sa tuwing nababakante ako, siya na naman ang sumasakop ng buong isipan ko. Hindi maalis sa isipan ko ang mga mata niyang lumuha nang dahil sa akin. At sa bawat paglipas ng oras at araw ay para bang nasasabik ako na makausap o makita siya. Kaya naman sa tuwing may pagkakataon ako para makahanap ng signal sa probinsyang iyon ay ginagawa ko. At sa tuwing nagkakaroon naman ng signal ang cellphone ko ay si Yannie agad ang unang k
Yannie Ace RuizTumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagiging abala ko sa pag-aaral kasama ng mga kaibigan ko. Mabilis ko iyong kinuha mula sa bulsa ng palda ko at excited na tiningnan kung sino ang tumatawag. Bahagya ko namang nakagat ang ibabang labi ko nang hindi ang inaasahan kong tao ang nakita kong tumatawag ngayon sa akin.“Sino ‘yan? Bakit parang disappointed ka?” tanong sa akin ni Jenny nang mapansin niyang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko.“Huh? Hindi ako disappointed ah,” mabilis na sabi ko saka ko sinagot ang tawag. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumayo ng kaunti mula sa mga kaibigan ko.“Hello, Yannie?” bungad sa akin ni Ate Rica mula sa kabilang linya.“Hello po, Ate?” tugon ko naman dito.“Busy ka ba ngayon, Yannie? Naistorbo ba kita sa pagtawag ko?”“Hindi po, Ate. Wala pa naman po kaming klase,” mabilis na sagot ko dito. “Bakit po pala kayo napatawag?”“Kung ganoon, pwede kang lumabas saglit ngayon?”“Po?”“Nandito ako sa tapat ng school ninyo. S
Josh Rain Montez“Why you didn't tell me that you guys were coming? Ako na lang sana ang sumundo sa inyo,” saad ko kina Sissy at Patty habang parehong abala ang mga ito sa pagkain. Inabot ko ang bottled water ko na nasa ibabaw ng table at ininom iyon. Katatapos lamang ng practice namin ng basketball nang bigla nila akong tinawagan para sabihin na nandito sila sa campus.“It’s okay. Huwag mo nang isipin iyon,” tugon naman sa akin ni Sissy sabay inom nito sa milk tea niya. Kasulukuyan kaming nasa food court ng campus at nagmemeryenda. Madali silang nakakapasok dito sa loob dahil kilala na sila ng mga guards at professor dito dahil sa akin.Nginisian ko si Sissy pagkalapag ko ng bottled water sa ibabaw ng table. “Anong mayroon? Samantalang ayaw na ayaw mong nagda-drive ka kaya lagi mo akong iniistorbo sa bawat lakad at pupuntahan mo, ‘di ba?” dudang tanong ko kay Sissy. “You constantly beg me to be your driver,” dagdag ko pa dito.“Yea, I know that, Josh. But may dinaanan din kasi kami k
Yannie Ace Ruiz“Sure ka bang hindi ko na kayo ipapasundo dyan?” tanong sa akin ni Ate Rica mula sa kabilang linya. Kasulukuyan kaming magkausap na dalawa sa tawag.“Yes po, Ate. Kaya naman po namin mag-commute na lang,” tugon ko kay Ate Rica.“Okay sige. Update mo na lang ako kung nasaan na kayo huh. Ingat kayo.”“Sige po, Ate.” Itinabi ko ang cellphone ko sa bag ko pagkatapos ng tawag namin na iyon.“Sana pumayag ka na lang na magpasundo sa kanila,” reklamo ni Veron sa akin.“Huwag na. Mag-commute na lang tayo. Nakakahiya kina Ate Rica, makakaistorbo pa tayo,” tugon ko naman dito.“Pero hindi nga natin alam kung saan eksakto ‘yong resort na pupuntahan natin eh,” ani Veron.“Pwede naman nating ipagtanong-tanong na lang doon sa lugar,” saad ko naman dito saka ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa tuluyan na nga kaming makasakay ng Jeep.Sa Cavite ‘yong island resort na venue ng pagdadausan ng party ni Ate Rica. Pool party ‘yong birthday party ni Ate Rica kaya medyo malaki ang bag n