Hello Siobabies, magandang umaga sa unang araw ng taong ito (2023).. Please help me welcome our new couple na magpapatawa, magpapakilig at magpapaiyak sa ating lahat. The story of one of the assassin of the Black Wagon na si Orion. Sabayan n'yo akong subaybayan ang kwento ni Glorybelle Scarlett San Juan at Esteban Gabrielle Lancaster. Maraming salamat and Happy 2023 sa ating lahat ❤️ Enjoy Reading ❤️
GLORYBELLE SCARLETT...Nagising s'ya kinabukasan na may bimpo sa kan'yang noo. Bumalikwas s'ya ng bangon at inilibot ang tingin sa paligid. Nakita n'ya ang mga gamot sa mesa na nasa gilid ng kama.Ngunit laking gulat n'ya ng makita ang ahas na nakaupo sa sofa at nakatingin sa kan'ya. Ilang beses s'yang lumunok ng laway habang iniisip kung paano lalabas ng kwarto. Madadaanan n'ya kasi ito at natatakot s'yang baka tuklawin s'ya nito kapag dumaan s'ya dito."S-Snake can you go out?" parang tangang pagkausap n'ya rito. Nakita n'yang umiling ito kaya napanganga s'ya sa gulat."N-Naintindihan mo ako?" gulat na tanong n'ya rito. Nakita n'yang parang tumango ang ahas."Mother Mary, ano ba tong napasukan ko!" naiiyak na sabi n'ya. Bumaba ang ahas at gumapang patungo sa kama kaya ganon na lamang ang kan'yang panghihilakbot."N-No! Don't come near to me!" hysterical na saway n'ya rito ngunit hindi man lang ito natinag. Napasiksik s'ya sa gilid ng kama habang nakapikit ng mariin ang mga mata at
GLORYBELLE SCARLETT...."What the hell did you do this time Glorybelle Scarlett!" dumadagundong ang boses ng kan'yang ama sa buong bahay.Alam n'ya na kung bakit galit na naman ito sa kan'ya. Kakauwi n'ya lang at ganito ang salubong ng mga magulang n'ya. Nakatayo ang kan'yang ina sa tabi nito na may nag-aalalang mga tingin na nakatingin din sa kan'ya.Kibit-balikat lamang s'yang nagpatuloy sa pagpasok at pabagsak na naupo sa sofa at boring na tinapunan ng tingin ang amang namumula sa galit."What daddy?" inosenteng tanong n'ya rito."What? Ako pa ang tinatanong mo ng ganyan? What is wrong with you Scarlett!" sigaw nito. "Roman calm down! Huwag mo namang sigawan ng ganyan ang anak mo," saway ng mommy n'ya."Huwag sigawan? Alam mo kung ano ang ginawa ng anak mo Lana!" mataas na boses nitong sita sa kan'yang ina."I know! Pero mababawi mo pa ba ang nangyari sa pagsigaw-sigaw mo sa kan'ya? Hindi mo nga tinanong ang anak mo kung bakit n'ya ginawa yon sa sasakyan ng teacher n'ya," sigaw di
ESTEBAN GABRIELLE....Malakas na pagsabog ang maririnig sa buong paligid. Palitan ng mga bala mula sa magkabilang grupo. "Orion are you in?" narinig n'yang tanong ni Flamingo sa kan'ya."Loud and clear," sagot n'ya rito. Nasa isang operasyon sila ngayon, pinasok nila ang warehouse ng pagawaan ng mga droga sa secluded area sa Minnesota."Good! Position?" tanong nito."North!" tipid na sagot n'ya."Good! Three kms from your position, may mga kalaban na humaharang sa dadaanan nila ni Panther. Wipe them off!" utos nito."On it Flamingo! Leave it to me!" sagot n'ya bago nawala sa linya. Tumakbo s'ya patungo sa sinasabi nitong lokasyon at isa-isang pinagbabaril ang mga kalaban. Walang kahirap-hirap na sunod-sunod na bumagsak ang mga ito sa lupa."Clear!" pagbibigay alam n'ya."Good! Stay where you are and be their eyes, papasok na sila," utos sa kan'ya ni Flami. Hindi na s'ya sumagot pa, pumwesto s'ya sa isang sulok para itago ang sarili at abangan ang mga kalaban na gustong harangin an
ESTEBAN GABRIELLE....Kinabukasan binulabog s'ya ng tawag mula sa mga magulang bi Glory."Hello dad, napatawag kayo?" bungad na tanong n'ya rito. Kasalukuyan s'yang nasa basement ng kan'yang bahay at may ginagawang trabaho para sa mga Vitorri."Gabrielle hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, but your fiancee is already rich beyond the limit of my temper!" mariin ang pagkakabigkas nito ng mga salita. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa narinig."What do you mean dad? What did she do this time?" nagtatakang tanong n'ya sa ama ni Glory."Inexpelled s'ya ng university!" pigil ang galit na turan ng matanda."What? Bakit?" gulat na tanong n'ya."Because she smashed one of the professor's car with a baseball bat! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng batang iyon bakit n'ya nagawang wasakin ang sasakyan ni Ms. Stark," gigil na sabi ng ama ni Glory na nagpatigil sa kan'ya."Stark? Fvck!" mariing mura n'ya ng makilala ang apelyedo na binanggit nito."May alam ka ba Gabrielle?" pu
ESTEBAN GABRIELLE....Kinuha n'ya ang cellphone sa bulsa dahil panay ang tunog nito habang nakikipag usap s'ya sa mga magulang ni Scarlett. Nang silipin n'ya ito nakita n'ya ang pangalan ni Flamingo sa screen."Mom, dad excuse me for a while!" paalam n'ya sa dalawa. Tumango naman ang mga ito bilang tugon. Sinagot n'ya agad ang tawag dahil baka may emergency at nangangailangan ito ng tulong."Flamingo! What is it?" bungad n'ya sa kaibigan."Glorybelle Scarlett is on her way to the Philippines Orion," pagbibigay alam nito sa kan'ya."Fvck! Did she call you?" tanong n'ya rito na may kasamang mura."Yes! She asked me to find a condominium for her to stay. I actually waiting for her arrival in Manila, but she doesn't know that I am here. I told here that I am in Cebu waiting for her," kwento ng kaibigan."Flami do me a favor please. Look after Scarlett for me, she's in danger, someone is trying to kill their entire family," pakiusap n'ya sa kaibigang assassin na bestfriend ni Scarlett." W
GLORYBELLE SCARLETT...Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi n'ya na namalayan na ilang taon na din pala s'ya sa Pilipinas at kasalukuyang graduating na sa kan'yang nursing course.Naitaguyod n'ya at nairaos mag-isa ang hirap ng buhay. Kung ano-anong raket ang pinasok n'ya para lang mairaos ang sarili sa mga bayarin.Walang magulang na sumuporta sa kan'ya ngunit hindi s'ya sumuko. Pursigido s'yang patunayan sa mga ito na kaya n'yang magtagumpay na wala sila.Hindi n'ya na rin nakita pa si Gabrielle. Ilang taon na ang nakalipas simula ng umalis s'ya sa America at pumunta ng Pilipinas. May mga pagkakataon na naiisip n'ya ang lalaki. Hindi n'ya maipagkaila sa sarili na nangungulila pa rin s'ya rito.Iwinaksi n'ya sa isip ang binata at ibinaling ang pansin sa kan'yang mga paninda. Nasa pwesto n'ya s'ya ngayon malapit sa palengke, kung saan maraming tao tuwing hapon at maraming mamimili."Hay mga suki bili na kayo, kapag ito ang ginamit n'yo paniguradong puputi pati ang mga maiitim n'yong
ESTEBAN GABRIELLE....Naging kaliwa't-kanan ang kan'yang trabaho ngunit inuna n'ya munang resolbahin ang kaso ng mga magulang ni Scarlett para makapag focus na s'ya sa kanyang ibang misyon.Sa tulong ng kan'yang mga kaibigan, nasapote nila ang tao sa likod ng mga pagbabanta at pagnanakaw sa pamilya San Juan.Armando Yulo, ang nag-iisang kalaban ng mga San Juan sa business world. Malaki ang galit nito sa ama ni Scarlett dahil kahit anong gawin ng matanda hindi nito mapapantayan ang padre de pamilya ng mga San Juan. Binayaran nito ang mga taohan ng ama ni Scarlett para isabotahe ang negosyo at pagnakawan ang kompanya. Medyo nahirapan s'yang hanapin ang matanda dahil maliban sa pagnenegosyo nito, isa din pala ito sa mga nakalista sa mga most wanted person sa bansa dahil sa druga.Nagtatago ito sa pangalan na Rodolfo Camacho pero ang totoong kataohan nito ay si Armando Yulo. Una n'yang pinutol ang mga galamay nito hanggang sa matunton nila ang ulo. At dahil nasa drug list ang matanda hin
GLORYBELLE SCARLETT...Napabalikwas s'ya ng bangon at inilibot ang paningin sa paligid. Kinusot- kusot n'ya pa ang kan'yang mga mata at mahinang tinapik-tapik ang kan'yang pisngi."Nananaginip ba ako? Shit! Ganito na ba ako kabaliw kay Gabrielle na kahit sa panaginip ko feel na feel ko ang mga halik at haplos n'ya," pabulong na pagkausap n'ya sa sarili.Pabalik-balik sa isip n'ya ang mga sinabi nito sa kan'yang panaginip pati na ang pag-amin nito na isa itong assassin. Hindi naman s'ya naniniwala dahil sa mga movies n'ya lang napapanuod ang mga assassins at alam n'yang wala n'yan sa totoong buhay.Baka pulis maniwala pa s'ya pero ang sinasabi nitong assassin, no way! Bumaba s'ya sa kama at tumayo, ipinusod n'ya ang kan'yang buhok pataas at lumabas ng kwarto.Natigilan s'ya ng maalala na galing pala s'ya sa palengke at ang kan'yang mga pinamili ay iniwan n'ya lang kanina sa lababo. Sa isiping iyon agad s'yang tumakbo patungo sa kusina at hinanap ang mga binili ngunit wala na ito doon.