Share

Chapter 25

Aleya's POV

It's my day off today. Wala sana akong balak na mag-day off ngayon ngunit kinulit ako ni Ninong para makipag-blind date sa anak daw ng kaibigan nito. Hindi ko siya nahindian dahil hindi niya ako tinigilan sa pangungulit hanggang hindi ako pumapayag. Matutulog na lamang ako ay tatawag pa siya para kulitin ako kaya sa bandang huli ay napapayag din ako ni Ninong na makipag-blind date sa binatang anak ng kaibigan na Riley raw ang pangalan.

Ang plano ko ay saglit lamang akong makikipag-usap kay Riley tapos ay paprangkahin ko na siya agad sakaling makitaan ko siya na gusto niyang palawigin pa ang aming pagkikita.

Nagpasya akong sa bahay na lamang maligo dahil mamayang gabi pa naman ang aming date. Paglabas ko sa sala ay nadatnan kong nakasimangot si Enrique habang prenteng nakaupo sa couch.

"Bumalik ka agad ng maaga," kausap sa akin ni Enrique nang makita niya akong bumaba sa hagdan.

"Baka bukas ng umaga na ako makabalik dito sa bahay ninyo, Mr. Villareal," sagot ko sa kanya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status