Aleya's PovKatatapos ko pa lamang libutin ang bahay ni Enrique at in-eksamin ang buong paligid dahil baka may bombang nakakabit sa pader o kahit saang bahagi ng bahay niya nang hindi namin nalalaman. Ini-inspeksyon ko rin ang mga guwardiya na nakabantay sa paligid para siguradong safe. Ginagawa ko ito every morning at bago ako matulog. Ngunit kung minsan sa gabi ay nakakalimutan ko ngunit hindi puwedeng hindi ako maglibot isang beses sa isang araw. Ipinaliwanag ko sa mga guwardiya na hindi ko ito ginagawa dahil sa wala ajong tiwala sa kanila kundi ginagawa ko ito para sa dobleng pag-iingat. Mabuti na lamang at naiintindihan ng mga guwardiya ang ginagawa ko kaya walang nagagalit sa akin nag-iinspeksyon ako. Pagkatapos kong mag-inspeksiyon ngayong umaga at nakita ko na wala namang panganib sa paligid ay saka ako pumasok sa loob ng bahay para humigop ng kape. Pagpasok ko sa sala naroon na at nakaupo si Sylvia na nakataas ang mga kilay habang sinusuyod ako ng manuri niyang tingin mula ul
Aleya's Pov"Aleya, sige na. Turuan mo ako ng self-defense para kahit paano ay maipagtanggol ko ang aking sarili. Kapag kasama ko si Kuya Enrique ay makakaya ko rin siyang ipagtanggol lalo na kung wala ka," pangungulit sa akin ni Edzel. Kanina pa niya ako kinukulit na turuan ko siya ng self-defense ngunit hindi ko siya pinapansin. Inilapag ko sa mesa ang baril na nililinisan ko at hinarap ko siya. May point naman siya. Maaari nga niyang maipagtanggol ang kuya niya kapag wala ako sa tabi nito. "Okay. Tuturuan kita pero huwag ngayon. Saka na kapag mahaba-haba ang oras na libre ako sagot ko sa kanya.""Talaga? Sinabi mo iyan ha? Wala nang bawian," tila batang sabi ni Edzel. "Oo nga. Ang kulit," naiiling kong sagot sa kanya at bahagya pa akong napapangiti sa kakulitan niya. Magkaibang-magkaiba ang ugali niya sa nakatatandang kapatid niya na babaero na nga ay may mood swing pa."Yes!" sigaw ni Edzel sa hangin. Sa pagkakataong ito ay hindi lang ako napapangiti kundi natawa na talaga ako.
Aleya's PovLihim na napakuyom ang aking mga kamao nang makita ko kung sino ang babaeng nagsalita. Ito ay walang iba kundi ang babaeng kausap ni Enrique kahapon. "Cloe? Paano ka nabuhay?" naguguluhan ding tanong ni Edzel sa babae pagkatapos ay sumulyap sa nakatatandang kapatid.Nakangiting naglakad si Cloe palapit kay Enrique at parang tuko na kumapit sa braso ng binata. Napatingin naman sa akin si Enrique ngunit mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Ayokong makita kung gaano siya ka saya ngayong nagbalik na ang babaeng mahal niya."Mahabang kuwento, Gigi, Edzel. At nasabi ko na rin kahapon kay Enrique ang dahilan kung bakit buhay ako. Pero uulitin ko para sa inyo at papaikliin ko na lamang," sagot ni Cloe pagkatapos ay nag-umpisang magkuwento kung paano ito nabuhay. "Noong maaksidente kami ni Enrique ay hindi naman talaga ako namatay. Nalumpo kasi ako at sinabi ng mga doktor na hindi na ako makakalakad pang muli. Kaya nagpasya si Daddy na itago na lamang sa lahat ang tot
Aleya's PovNapabalikwas ako sa malakas na katok sa pintuan ng aking silid. Saglit na inayos ko ang aking sarili bago tuluyang bumaba sa kama para pagbuksan ang taong kumakatok. Mukha ng nakabusangot na si Gigi ang nabungaran ko sa labas ng pintuan."O bakit? Ba't lukot ang mukha mo? May mangkukulam bang nakapasok sa bahay ninyo? Saka akala ko ay inihatid ka na ni Edzel kagabi papunta sa bahay ng mga magulang ninyo?" nagtataka kong tanong kay Gigi. Pumasok muna ang dalaga sa loob ng aking silid at naupo sa gilid ng aking kama bago sinagot ang aking tanong. "Mamaya pa ako ihahatid ni Kuya sa bahay nina Daddy. At tama ang sinabi mo, Ate Aleya. May mangkukulam ngang nakapasok ulit sa bahay. At hindi lang pala nakapasok kundi dito raw muna pansamantalang titira ang babaeng iyon," nakasimangot na sumbong ni Gigi. At kung hindi ako nagkakamali ay si Cloe ang tinutukoy nitong mangkukulam na nakapasok at dito pa titira sa bahay ng kanyang kapatid."Ayaw mo ba no'n? Magiging straight na ulit
Aleya's Pov"Let's go, Cloe. Sa ibang restaurant na lang tayo kumain," narinig kong sabi ni Enrique kay Cloe na biglang napasimangot."Masarap dito ang pagkain kaya bakit pa tayo lilipat ng restaurant?" hindi napigilang tanong ni Cloe."Kung ayaw mong lumipat ay bahala ka. Kumain ka rito ng mag-isa dahil ako ay lilipat ng restaurant," madilim ang mukha na sabi ni Enrique sa kasamang babae pagkatapos ay bigla itong tumayo at basta na lamang iniwan si Cloe. Hindi naman maitago sa mukha ni Cloe ang magkahalong inis at pagkapahiya dahil sa pang-iiwan dito ni Enrique. Nagdadabog na tumayo ito para sumunod sa binata. Ngunit bago ito tuluyang maglakad ay binigyan niya muna ako ng matalim na tingin. Nagkatinginan na lamang kami ni Deo at pagkatapos ay sabay na nagkibit ng balikat.Hindi na rin kami nagtagal ni Deo sa loob ng restaurant. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na akong umalis. Naglalakad kami sa may parking lot kung saan nakaparada ang mga sasakyan namin nang mapansin namin na til
Aleya's PovIlang-ilang na ako sa klase ng mga tingin ni Enrique habang ginagamot ko ang kanyang mga pasa sa mukha. Pagkarating namin sa bahay niya ay agad niya akong hinila papasok sa silid niya at inutusang gamutin ang mga sugat niya. Hindi niya pinansin ang nag-aalalang tanong sa kanya ng kanyang tita nang makita ang kanyang hitsura. Mabuti na lamang at wala si Edzel dahil nasa bahay ng mga magulang nila't hindi pa bumabalik mula sa paghahatid kay Gigi. Kung nagkataong narito siya at nakitang ganoon ang hitsura ng kanyang kuya ay natitiyak kong hindi niya tatantanan sa si Enrique sa kakatanong. At magmula mula umpisa ng paglilinis ko sa sugat ni Enrique ay hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang aking mukha. Masyado tuloy akong conscious at hindi makakilos ng maayos. Napabuntong-hininga na lamang ako nang tila walang balak si Enrique na alisin sa mukha ko ang kanyang paningin. Kapag patuloy pa rin niya akong titigan ng ganito ay baka muli na namang bumilis ang pintig ng aking puso
Aleya's PovNaramdaman kong huminto sa sa gilid ng kama kung saan banda ako nakahiga ang yabag ng taong pangahas na pumasok sa loob ng aking silid. Naramdaman kong tinitigan ako ng taong nasa tabi ko bago dahan-dahan nitong kinuha ang unan na nasa aking tabi. Sa ginawa niyang ito ay napagtanto ko na masamang tao ang narito sa loob ng aking silid. At kung sino man siya ay balak niya akong patayin.Pabigla kong iminulat ang aking mga mata. At kasabay ng pagmulat ng aking mata ay ang tangkang pagtakip ng unan sa aking mukha ng taong ito. Ngunit mabilis akong nakagulong papunta sa kabilang side ng kama kaya sa unan ko tumama ang unan na ipantatakip sana niya sa aking mukha. Kasabay ng pagharap ko sa taong nakasuot ng itim na bonnet sa mukha ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanyang tagiliran. Natumba sa sahig ang naka-bonnet na pangahas kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para tuluyang makabangon at makababa sa kama.Mabilis na nakabangon ang pangahas na intruder at h
Aleya's Pov"Ano ang putok na iyon?" Humahangos at patakbong lumabas si Edzel mula sa kanyang kuwarto at lumapit sa amin para alamin kung ano ang nangyari. Hindi pa ito nakakalapit sa amin ay bigla na akong hinila ni Enrique sa aking kamay at itinago sa kanyang likuran. "Kanino galing ang putok ng baril na narinig ko?" muling tanong nito nang huminto sa harapan ni Enrique."May taong nakapasok sa loob ng bahay at pinagtangkaang patayin si Aleya," mabilis na sagot ni Enrique sa nakababatang kapatid."What? Paano makakapasok ang masamang tao rito,eh, marami tayong guards sa labas?" nagtatakang tanong ni Edzel pagkatapos ay bumadha ang pag-aalala sa mukha nito. "Nasaktan ka ba, Aleya? Hindi ka ba tinamaan ng pumutok na baril?"Akmang iikot si Edzel para kausapin ako ngunit hinarang ito ni Enrique. Siyempre, kung hindi haharangin ni Enrique ang kanyang kapatid ay makikita rin nito ang halos hubad kong katawan. "Ahm...wala kang dapat ipag-alala, Edzel. Ayos lang ako. At saka ako ang nagpa