Share

Chapter 43

Aleya's Pov

Mula sa mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila may mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan. Inaantok pa ako at tinatamad akong dumilat kaya nakapikit ang mga mata na itinulak ko palayo sa akin ang bagay na iyon.

Mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan? Wala naman akong mabigat na bagay na nakalagay sa aking kama. Bigla kong iminulat ang aking mga mata nang maisip ko na wala namang bagay sa aking kama kundi kumot at unan lamang. Kaya ano ang mabigat na bagay na iyon na inalis ko sa aking tiyan? Pabigla ang ginawa kong paglingon sa aking tabi. At nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Enrique na masarap ang tulog habang nakatihaya sa aking kama. Napatili ako sabay hampas ng malakas sa aking kamay sa kanyang dibdib. Ngunit hindi iyong tili ng babaeng nagulat kundi tila ng isang babaeng umaatake sa kanyang kalaban.

Bigla namang nagising si Enrique at napaubo ng malakas habang hinihimas-himas ang nasaktang dibdib.

"Ano ba ang prob
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Olfindo
unlock pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status