Aleya's PovKasabay ng paghila ko kay Enrique para makapagtago sa nakaparadang kotse sa tapat namin ay maliksing hinugot ko ang aking baril at gumanti ng tatlong magkakasumod na putok ng baril. Sa tatlong putok na iyon ay isa ang tinamaan ko ngunit sa balikat lamang."Dito lang kayo magtago at huwag na huwag kayong aalis," mariin kong utos kay Enrique at Cloe na nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga na tila takot na takot. Nakahawak ito kay Enrique kanina kaya nang hinila ko ang binata para makapagtago ay kasama rin ito. Naniningkit ang mga mata na sinulyapan ko ng tingin ang babae. May demonyong nagbubukong sa likuran ng aking tainga na hilahin siya at itulak palabas para subukin kung hindi ba nito mga kakampi ang bumabaril sa amin. Kung mga tauhan nito at ni Sylvia ang mga bumabaril sa amin ay natitiyak ko na hindi nila babarilin ang babae. Ngunit agad ko ring pinalis ang masamang ideya na pumasok sa aking utak. Hindi ako ganoon kasama. Paano na lamang kung hindi ito kilala
Aleya's PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng ospital at nakahiga sa hospital bed. Nagtaka ako kung bakit kailangan pa akong isugod sa ospital gayong daplis lang naman ang aking tama? Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ngunit eksakto namang bumukas ang pintuan ng kinaroroonan kong silid at pumasok si Enrique na may bitbit na dalawang plastic bag. Agad siyang napalapit sa akin para pigilan ako sa tangka kong pagbangon."Huwag ka munang bumangon at baka makasama sa katawan mo, Aleya," pigil niya sa akin nang makalapit na siya. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at akmang ibabalik niya ako sa pagkakahiga ngunit inalis ko lamang ang mga kamay niya at tuluyang bumangon saka bumaba sa kama."Bakit mo pa ako dinala rito sa ospital, Enrique? Hindi naman malala ang tama ko?" tanong ko sa kanya na hinayaan lamang akong makaalis sa kama. Nakatingin lamang siya sa akin habang namimilog ang mga mata na tila ba may nakitang kakaiba at kaaya-aya sa kanyang paningin
Aleya's PovNakasimangot si Enrique habang nagmamaneho siya sa kanyang kotse pabalik sa bahay niya. Wala sana akong balak na usisain kong bakit siya nakasimangot ngunit hindi ko na matiis ang makitang nakausli ang kanyang nguso at pabara-bara pa ang kanyang pagmamaneho kaya napilitan din akong kausapin siya at tanungin."Ano ba ang problema mo, Enrique? Kanina pa nanunulis iyang nguso mo," may halong inis na tanong ko sa kanya. Para kasi siyang bata na hindi napagbigyan ng kanyang gustong bagay."I thought you hates playboy? Pero bakit ang dami mo yatang kaibigan at kakilalang lalaki na close sa'yo?" hindi sumusulyap na tanong niya sa akin habang seryoso ang anyo.Tumaas ang kilay ko sa tila wala sa hulog na kanyang pagtatanong sa bagay na iyon."Tama ka, Enrique. I hate playboy, ngunit hindi ko sinabing hate ko lahat ng mga lalaki. Hindi naman kasi playboy iyang mga lalaking tinutukoy mo," pagtatanggol ko sa kung sino mang mga lalaki na tinutukoy niya. Lalo namang napasimangot ito n
Aleya's PovKahit paano ay magaling na ang aking sugat sa aking tagiliran. Hindi na ito dudugo basta huwag lang maunat. Lihim ko na lamang nahiling na sana ay walang kalaban kaming makasagupa hangga't hindi pa tuluyang gumagaling ang aking sugat para walang sagabal sa pagliligtas ko kay Enrique. At sana mamaya ay wala rin kaming kalaban na maka-engkuwentro. Ngayong araw na kasi ang birthday ng ina ng binata at mayamaya lamang ay pupunta na kami sa bahay ng mga magulang niya."Aleya? Ipinapatanong ni Sir Enrique kung ready ka na raw ba?" tanong ni Sonia na biglang sumilip sa aking silid na bahagyang nakabukas."Pakisabing lalabas na ako," mabilis kong tugon. Agad akong tumayo sa kinauupuan kong kama at isinukbit sa aking baywang ang aking baril na loaded ng bala. Sa suot ko namang pantalon ay nakalagay sa loob ng dalawang bulsa ang dalawang magazine na may lamang bala incase maubusan ulit ako ng bala habang nakikipagbarilan. Pagbaba ko sa sala ay sinalubong ako ng nakasimangot na mukha
Aleya's PovNang magmulat ako ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng ospital at may nakakabit na oxygen sa aking bibig at dextrose sa aking kamay. Maingat kong inalis ang aparato na nakalagay sa aking bibig at sinubukan kong bumangon sa pagkakahiga sa kama. Ngunit muli lamang akong napabalik sa pagkakahiga dahil hindi pa kaya ng katawan ko ang bumangon. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Agad na pumasok sa isip ko si Enrique. Kung ligtas ba siya? At sino ang nagdala sa akin sa ospital? Iyong taong tumulong ba sa amin? Sino kaya siya? Pamilyar sa akin ang pigura niya ngunit dahil malabo na ang aking paningin at nagdidilim pa kaya hindi ko namukhaan kong sino siya at kung kilala ko ba siya."Aleya! Thank God and you're finally awake!" natutuwang sambit ni Deo na biglang pumasok sa bumukas na pintuan. "Alam mo ba na tatlong araw kang walang malay magmula nang dalhin ka rito ni Enrique? Halos naubos ang dugo mo kaya ilang bag ng dugo rin ang isinalin diyan sa katawan mo.""Si
Aleya's PovPagkatapos dumalaw sa akin ni Enrique sabay tanggal sa akin bilang bodyguard niya ay hindi na siya muling dumalaw pa. Gusto ko mang puntahan siya agad sa bahay niya para kausapin siya ng maayos ngunit hindi naman ako pinayagan ng doktor na lumabas ng ospital. Kaya kahit na gustong-gusto ko na siyang puntahan ay wala akong magawa kundi ang maghintay na lamang hanggang sa payagan ako ng doktor na madischarge na. Kaya pagkalabas na pagkalabas ko sa ospital ay nagpa-drive ako kay Deo papunta sa bahay ni Enrique."Dapat sa bahay mo tayo dumiretso at hindi sa bahay ng lalaking iyon, Aleya. Hindi ka pa masyadong magaling," protesta ni Deo habang nagmamaneho siya sa kanyang kotse papunta sa bahay ni Enrique. Kahit tutol siya na magpunta ako sa bahay ng binata ay wala pa rin siyang nagawa kundi ang ipagmaneho ako dahil sa aking pamimilit sa kanya. "Hindi mo dapat ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo, Aleya," nakasimangot na sabi pa niya sa akin."Gusto ko siyang makausap n
Enrique's PovMag-isang umiinom ako ng alak habang nakaupo sa pinakaitaas na baitang ng hagdan. Hindi na ako nagdala ng baso dahil sa mismong bote ko tinutungga ang alak. Mahigit isang Linggo na akong nag-iisa at madalas ay nagpapakalango sa alak. Well, hindi naman literal na nag-iisa ako dahil kasama ko ang ajing mga bodyguard at guwardiya. Pero pakiramdam ko ay nag-iisa na nga ako dahil tanging ako lamang ang nasa loob ng malaki kong bahay. Biglang umalis sa bahay ko sina Cloe at Tita Sylvia matapos nilang mahalata na alam ko na ang kanilang sekreto. Akala nila ay hindi ko matutuklasan na sila ang nagpapapatay sa akin. Ngunit alam ko na may mas mataas pang tao na nasa likuran nila dahil hindi nila magagawa ang lahat ng mga nagawa nila kung silang dalawa lamang.Ilang taon ko nang pinaghihinalaan si Tita Sylvia na hindi talaga siya ang kapatid ng daddy ko. Bigla kasing nag-iba ang pag-uugali niya magmula nang dumating siya mula sa pagbabakasyon ilang taon na rin ang nakalilipas. Kaya
Aleya's PovBago ako lumabas sa bahay ko ay pinasadahan ko muna ng huling tingin ang aking sarili sa harapan ng salamin. Isang pink close-neck na may sparkling glitters na tila mga bituing nagkalat sa tela ang dress na suot ko. May manggas ang suot kong dress kaya hindi naka-exposed ang aking balikat na may sugat. Hindi na masyadong halata ang peklat dahil sa mamahaling ointment na three times a day kung ipahid ko sa sugat ko para walang maiwan na peklat. Mabuti na lamang hindi ko nakalimutang bumili ng ointment for scars the last time na bumisita ako sa pamilya ko sa ibang bansa. Umabot lamang hanggang sa kalahati ng aking hita ang haba ng dress kaya na-exposed ang aking legs na hindi man pang-model ay hindi naman patatalo kung sa pakinisan ang labanan. Sandals na may taas na one and a half inches ang taas ang pinili kong isuot dahil ayokong nagsusuot na sandals na masyadong matataas ang heels. Ang buhok ko naman ay itinaas ko tapos ipinusod at hinayaang maglaglagan sa gilid ng aki