Enrique's PovMag-isang umiinom ako ng alak habang nakaupo sa pinakaitaas na baitang ng hagdan. Hindi na ako nagdala ng baso dahil sa mismong bote ko tinutungga ang alak. Mahigit isang Linggo na akong nag-iisa at madalas ay nagpapakalango sa alak. Well, hindi naman literal na nag-iisa ako dahil kasama ko ang ajing mga bodyguard at guwardiya. Pero pakiramdam ko ay nag-iisa na nga ako dahil tanging ako lamang ang nasa loob ng malaki kong bahay. Biglang umalis sa bahay ko sina Cloe at Tita Sylvia matapos nilang mahalata na alam ko na ang kanilang sekreto. Akala nila ay hindi ko matutuklasan na sila ang nagpapapatay sa akin. Ngunit alam ko na may mas mataas pang tao na nasa likuran nila dahil hindi nila magagawa ang lahat ng mga nagawa nila kung silang dalawa lamang.Ilang taon ko nang pinaghihinalaan si Tita Sylvia na hindi talaga siya ang kapatid ng daddy ko. Bigla kasing nag-iba ang pag-uugali niya magmula nang dumating siya mula sa pagbabakasyon ilang taon na rin ang nakalilipas. Kaya
Aleya's PovBago ako lumabas sa bahay ko ay pinasadahan ko muna ng huling tingin ang aking sarili sa harapan ng salamin. Isang pink close-neck na may sparkling glitters na tila mga bituing nagkalat sa tela ang dress na suot ko. May manggas ang suot kong dress kaya hindi naka-exposed ang aking balikat na may sugat. Hindi na masyadong halata ang peklat dahil sa mamahaling ointment na three times a day kung ipahid ko sa sugat ko para walang maiwan na peklat. Mabuti na lamang hindi ko nakalimutang bumili ng ointment for scars the last time na bumisita ako sa pamilya ko sa ibang bansa. Umabot lamang hanggang sa kalahati ng aking hita ang haba ng dress kaya na-exposed ang aking legs na hindi man pang-model ay hindi naman patatalo kung sa pakinisan ang labanan. Sandals na may taas na one and a half inches ang taas ang pinili kong isuot dahil ayokong nagsusuot na sandals na masyadong matataas ang heels. Ang buhok ko naman ay itinaas ko tapos ipinusod at hinayaang maglaglagan sa gilid ng aki
Enrique's PovMatinding pagpipigil sa aking sarili ang ginagawa ko para huwag kong lapitan sina Aleya at Deo na sweet na sweet habang nagsasayaw sa pinaka-dance floor. Palihim ko silang pinagmamasdan dahil natitiyak ko na isa sa mga bisitang narito ay ang mastermind sa pagtatangka sa buhay ko. Natitiyak ako na iimbitahan din ito ni Cloe sa birthday party ng kanyang ama para kapag nagkaroon ito ng pagkakataon ay muling isasakatuparan nito ang kanyang plano lalo pa at wala akong kasamang bodyguard ngayon maski isa. Ipapain ko ang aking sarili para lumabas sa liwanag ang taong iyon.Pagdating nina Aleya at Deo ay agad ko silang napansin. Napakaganda ng dalaga sa kanyang ayos ngunit tila gusto ko siyang bitbitin palabas sa party at ikulong sa aking silid. Ayokong may ibang nakakakita sa kanyang kagandahan. Lihim na lamang akong napahugot ng marahas dahil pinagsisihan ko na inalis ko siya bilang bodyguard ko. Pakiramdam ko ay mali ang paraan na ginawa ko para protektahan siya. Dahil ngayon
Aleya's PovHabang nagsasayaw kami ni Deo sa gitna ng dance floor ay nakaramdam ako ng panunubig kaya mabilis akong nagpaalam sa kanya na magsi-cr lamang ako. Habang naghahanap ako ng tao na maaari ko mapagtanungan ay hindi sinasadyang nakita ko si Senador Sebastian na may kausap sa cellphone. Akmang lalapitan ko siya para batiin ng happy birthday dahil hindi ko siya nagawang batiin kanina nang ipinakilala sila ni Cloe sa isa't isa. Ngunit bago pa man ako makarating sa kanya ay biglang may lalaking halos kasing-edad lamang niya ang lumapit sa kanya at nakipag-usap."Maligayang kaarawan, my friend. Hanggang ngayon ay wala ka pa ring kupas. Guwapo at matikas ka pa rin," nakangiting puri ng lalaki sa senador. Napahalakhak naman ito ng malakas dahil sa papuri ng kaibigan."Hanggang ngayon ay magaling ka pa ring mambola, Abner. Kaya hindi ka napapalitan bilang mayor sa lugar mo dahil magaling kang mambola," sagot naman ng lalaking Abner ang pangalan at isa pala itong mayor. Isang malakas
Aleya's Pov"Mukhang may pinatumba kang mga kalabaw, ah," pabirong puna sa akin ni Deo nang lapitan ko siya matapos kong manggaling sa cr kung saan ay may dalawang lalaking killer na nagtangka sa buhay ko."Mabuti ka pa napansin mong may pinatumba akong kalabaw samantalang ang isang tao diyan ay magtatanong pa kung okay lang ako. Obvious namang hindi ako okay dahil namumula ang leeg ko sa pagkakasakal sa akin kanina ng isa dalawang lalaking umatake sa akin sa loob ng banyo," naiinis na sabi ko kay Deo. Hindi kasi yata napansin ni Enrique ang pamumula ng aking leeg o baka napansin niya ngunit wala lamang siyang time na magtanong dahil hindi ko naman siya hinayaang makapagsalita ng mahabang salita."So, kaya ka pala inimbitahan ni Cloe dahil dito sa loob ng pamamahay nila balak kang patayin. What a stupid action. Hindi ba niya alam na maaaring madamay ang magandang repustasyon ng kanyang ama na tatakbo pa namang bise-presidente ng bansa sa darating na botohan?" naiiling na komento ni De
Aleya's Pov"Ang kasong hahawakan ninyo ngayon ay tungkol sa drug lord na na si Abner Juico," panimula ni Ninong Zandro sa kanyang briefing tungkol sa bagong misyon namin ni Deo. Mula sa projector na nasa harapan namin ay nakita ko ang pamilyar na lalaki. Saglit akong nag-isip kung saan ko siya nakita. Mahinang napapitik ang daliri ko sa hangin nang maalala ko na kung saan ko siya nakita. Sa party kagabi ng ama ni Cloe nakita ko ang lalaking ito at siya ang kaibigan na kausap ng ama ng dalaga. Kung ganoon ay isa palang pinaghihinalaang drug lord ang taong iyon? Alam kaya ng senador ang tungkol sa maruming trabaho ng kaibigan niya? "Siya si Abner Juico. Fifty years old, biyudo at may nag-iisang wnak na binata. Isa siya sa pinakamayamang negosyante at pulitiko sa Iloilo. Ang pagkakaalam ng lahat ay isa siyang matulunging mayor sa lugar nila dahil iyon ang image na ipinapakita niya sa mga tao. Ngunit noong isang Linggo ay sinalakay ng team ninyo ang isang malaking laboratory ng pagawaan
Aleya's Pov"Natutuwa ako at nakapasyal ako rito sa bahay mo sa Maynila, Tito Abner. At asahan mo ang aking suporta sa darating na botohan," nakangiting kausap ni Enrique kay Mr. Juico."Inaasahan ko talaga ang suporta mo, Enrique. Kapag magpakasal na kayo ng inaanak kong si Cloe ay magiging inaanak na rin kita. At natutuwa ako na magiging bahagi ka na rin ng buhay namin," masayang wika naman ni Mr. Juico."Ako rin, Tito Abner. Natutuwa rin ako na magiging bahagi kayo ng buhay ko," saad naman ng binata na maganda ang pagkakangiti.Mula sa pinagtataguan kong mababa ngunit mayabong na puno ng artificial cherry blossom ay dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nina Enrique at Mr. Juico. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Nakaramdam ako ng galit kay Enrique. Bulag ka talaga, Enrique! Bulag! nagpupuyos ang kalooban na sigaw ko sa aking isip. Kahit sinabi ko na sa aking isip na kakalimutan ko na siya ay nasaktan pa rin ako nang malaman ko na may balak palang pakasalan ng bina
Aleya's PovPagkaalis nila Enrique at Mr. Juico sa tapat ng pinagtataguan kung artificial na puno ng cherry blossom ay ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako lumabas. Muli akong naglakad papunta sa lugar kung saan ko nakita ang dalawang lalaki na tila bulang naglaho nang saglit na mawala sa aking paningin. Kailangan kong kumpirmahin muna na tama ang hinala kong may lihim na kuwarto o daanan sa bahaging iyon bago ako lumabas sa bahay na ito ni Mt. Juico. At kapag nakumpirma ko ang aking hinala ay muli kaming babalik dito ni Deo para pasukin ang lihim na silid kung meron man.Pallingon-lingon ako sa aking paligid habang kinakapa ng aking mga kamay dingding. Makinis ang pagkakapintura ng dingding at wala akong nakakapasa na bitak na posibleng may sekretong pintuan sa bahaging ito. Idinikit ko ang aking tainga sa dingding para pakinggan kung may mga gumagalaw ba mula sa kabilang dingding. Biglang rumagasa ang aking adrenalin nang marinig kong tila may mga paggalaw sa likuran ng dindi