Share

Chapter 77

Aleya's Pov

Nasa loob ako ng isang madilim na lugar at may maliit na liwanag lamang akong natatanaw. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta rito. Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Enrique sa pangalan ko at nagmumula sa maliit na liwanag na iyon ang kanyang boses.

"Enrique! Enrique, nasaan ka?" malakas kong tanong ko sa kanya.

"Aleya! Aleya!" tawag ni Enrique sa pangalan ko. Unti-unting lumalayo ang boses niya kaya napatakbo ako papunta sa liwanag para habulin ang boses niya.

"Nasaan ka, Enrique? Huwag mo akong iwan!" nagpapanic na kausap ko sa kanya. Nang marating ko ang maliit na liwanag ay bigla itong lumaki at naging sobrang nakasisilaw sa mata. Pinaliit ko ang aking mga mata para makakita ako. May naaninag ako na bulto ng isang tao ngunit hindi ko makita ang mukha niya. Ngunit kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam ng puso ko na si Enrique siya. "Enrique!" malakas kong tawag ulit sa pangalan niya. Nang lumingon siya sa akin ay bigla siyang naging liwanag na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Olfindo
unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status