“What the hell are you doing here? Ang sabi ko ay sa akin siya!” sigaw ni Lander at kaagad na sinuntok si Apollo.Mabilis na binitawan ni Apollo si Melody at kaagad itong sinalo ni Epifanio. Hindi na nakaiwas pa sa suntok si Apollo. At wala naman siyang balak iwasan iyon dahil gusto rin naman niyang makaganti rito kung paano nito hawakan at bastusin si Melody.He saw everything from the beginning. Nakita niya kung paano dumating si Melody. She was so stunning and mesmirizing. He canʼt help, but to look at her all the time. Hindi niya ito nilapitan kaagad dahil alam niyang kailangam ni Melody ng space. Maybe, this is good for the both of them.Not until, his friend– Lander, make a move. Well, nabahala siya ng bahagya, lalo pa nang makita niya kung paano nito napapangiti at napapatawa si Melody saka pasimpleng paghipo nito sa balat ng kaniyang asawa. Gusto niya itong patayín, gusto niya itong ilibing sa sarili nitong hukay.But he tried to ignored them, not until Hector found Lander, an
Nagising si Melody sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Malaki at malawak ang hinihigaan niyang kama. Nang bumangon ay doon niya lamang nakita na wala na si Apollo sa tabi niya. Kaagad siyang nilukob ng takot.Hindi niya matukoy kung totoo ba ang nangyari kagabi o panaginip lang ang lahat? Nang tumayo siya ay nakita niyang nakasuot na rin siya ng pantulog. Seems like after that happened ay hindi na sila nagkaroon pa ng oras ni Apollo na magkasalo muli rito sa higaan.Iyon lamang ang natatandaan niya. Ang parteng nasa swimming pool sila. Hindi na niya maalala pa ang mga sumunod na nangyari. Napasabunot siya sa kaniyang buhok.“Bakit ba kasi halos nagpakalasing ako?”Ilang sandali pa ay napapitlag siya nang biglang may kumatok sa pintuan. Tumingin siya sa pinto at sa cabinet. Naghahanap siya ng puwesto kung saan siya puwedeng magtago. Hindi niya talaga kasi alam kung nasaan siya.Mabilis siyang tumakbo at binuksan ang malaking cabinet na kahoy at pinagsisikan ang kaniyang sarili sa loob.
Hindi na nagawa pang buksan ni Melody ang pintuan lalo pa at lumapit sa kaniyang puwesto si Milandro. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nakaramdam siya ng konting hiya. She felt nervous also, sa hindi niya malamang dahilan.“Napakaganda niyo po, Miss Melody.” papuri nito sa kaniya.Lihim na napangiti si Milandro. Tunay ngang maganda ang napang-asawa ng kanilang amo. At nawala ang pagdududa niya sa ugali nito, dahil kitang kita niya sa awra nito na mabuti ito gaya ng naging nobya ni Apollo noon.“M—Maraming salamat po, at pasensya na rin at hindi ko po alam na pribado pala ang kuwartong ito.” sabay tingin muli ni Melody sa pintuan. “Ang akala ko ay simpleng kuwarto lang.” dagdag pa niya.“Halina na po kayo, at ihahatid na po kita sa library room.” pagsawalang bahala ni Milandro sa sinabi ni Melody.Ayaw na niyang mapatagal ang kanilang pag-uusap dahil may mga bagay siyang hindi niya nais masambit dito lalo naʼt maraming sikreto ang pamilyang Luxerio.“Sige po.” tugon ni Melo
Tumango si Apollo. Handa naman na siyang aminin kay Melody ang lahat tungkol sa kaniyang pamilya. Upang maintindihan nito kung bakit niya ito nagawang iwasan nitong mga nakaraang linggo.Gusto niyang ipaalam dito lahat bago sila muling maging isang pamilya. Iyong walang tinatagong sikreto. At isa pa sa dahilan kung bakit niya mas piniling maging open ay para matutunan din nitong sabihin sa kaniya mismo ang mga pinagdaanan nito.“But the worst part is— my Dad is not doing anything about her, but instead he helps her to escape. He said, sheʼs sick at walang alam sa nangyayari. And now sheʼs hunting me! Fuck! She wants to hurt you, and I donʼt want that to happen— I will not allow her to hurt you and our sons.”May takot na naramdaman si Melody. Kung nagawa nitong patayin ang Mommy nila sa kabila ng pagpapalaki nito sa kaniya, ay kayang kaya silang saktan nito lalo pa at sila ngayon ang kasama ni Apollo. Siguradong gagawin nito ang lahat mawala lang siya sa buhay ni Apollo.“Sheʼs a psyc
Nagising si Melody nang may ngiti sa labi. Sariwang sariwa pa sa kaniyang alaala ang nangyari kahapon, at hindi niya iyon makalimutan. Nang kapain niya ang higaan sa kaniyang tabi at napag-alaman na wala na roon si Apollo ay napaangat siya ng ulo upang siguraduhin kung wala na nga ito.Nakaramdam siya ng lungkot. Wala nga ito sa kaniyang tabi, kaya naman bumangon siya at ipinalibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kanilang kuwarto ngunit wala talaga ito. Napakunot siya ng noo. Linggo ngayong araw at imposible namang may trabaho dahil iisang kompanya lang naman ang kanilang pinapasukan. Pinag-usapan na rin nila na ngayong araw ay magkakaroon sila ng family bonding, at pagpapatuloy ng selebrasyon.Tumayo na siya at nag-asikaso ng kaniyang sarili. Nakasalubong niya pa ang kambal niyang mga anak na naglalaro, habang naghahabulan sa hall way. Nang makita siya nito ay kapwa humalik ito sa kaniyang pisngi bago muling tumakbo.“Be careful, Lexus and Liven!” paalala niya sa dalawa.“Opo,
Hindi mapakali si Melody habang hawak ang calling card na Saludario Hotel, kaya naisipan niyang tawagan ang mga kaibigan upang lumabas at ikuwento ang nakita niya. Hindi niya alam kung bakit ito na kay Apollo— kung ano ang kinalaman nito rito? Pakiramdam niya kasi ay hinahabol siyang muli ng multo sa kaniyang nakaraan.“Baka naman masyado ka lang over acting, mamsh?” tanong ni Wincy bago s******p sa straw ng milk tea niya. “Business man si Sir Apollo, natural lang na may mga calling card siya ng iba't ibang businesses dito sa Pilipinas.” dagdag pa nito.“Tama si Wincy.” napatingin naman siya kay Shane.“Eh, paano kung nagpapaimbistiga na pala si Apollo kung anong nangyari sa akin five years ago? Paano kung malaman niya ang ginawa ko…. Siguradong pandidirian niya ako...” Ayaw man niyang mag-isip ng negatibong pangyayari ngunit hindi niya mapigilan. Natatakot siya sa bagay na kung kailan maayos na ang lahat, saka naman sila guguluhin ng nakaraan niya. At isa pa, wala siyang planong maki
Nagising si Melody sa isang kuwarto na pamilyar sa kaniya. Kuwarto nila ito ni Apollo. Ipinalibot niya ang kaniyang paningin sa loob at nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng white coat, na sa tingin niya ay isang Doctor.“Mabuti naman at gising ka na, Melody.” malamyos at mahinhin nitong sambit habang nakangiti. “Ako nga pala si Doktora Izzy. Lumabas lang sandali si Apollo dahil dumating si Epifanio.”“A–Ano po ang nangyari sa akin, Doktora?” tanong niya habang pilit na inaalala ang nangyari.“So far, ikaw lang ang makakapagsabi kung ano talaga ang totoong nangyari sa ʼyo. Nakita ka na lang daw sa hospital na walang malay.” unti unti niyang natandaan ang nangyari.Nahimatay siya dahil sa trauma niya sa hospital. “S–Si Tanny. . .” napabalikwas siya ng bangon. “Kailangan po ako ni Tanny—”“Pero mas kailangan mong magpahinga. Si Miss Tanny, ay maayos na ang lagay niya at safe na ang baby niya. Ikaw, sa tingin mo ba ay mabuti na ang pakiramdam mo?”Nawala ang kaniyang pagkataranta at u
Hindi na malaman pa ni Melody kung paano siya nakauwi sa kanilang bahay. Laman ng kaniyang isipan ang impormasyong nalaman. Paulit-ulit na tumatakbo ito sa kaniyang isipan na para bang isang senaryo.“Narito ka na pala—” natigilan si Manang Gina sa kaniyang pagsasalita nang makita ang hindi malaman na itsura ni Melody. “H–Hija? May nangyari ba?” nag-aalalang tanong nito, habang sinusundan na rin siya.Hindi naman sumagot si Melody at tuloy-tuloy lamang siya patungo sa sala at saka naupo sa sofa. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata habang tulala. Sheʼs attacking anxiety.“M–Melody? Ayos ka lang ba?” natataranta ng tanong ni Manang Gina at umupo rin sa tabi nito saka hinawakan ang kamay niya.Nang maramdaman ni Melody ang kamay ng matandang babae ay kaagad niya itong kinapitan ng mahigpit saka yumakap. Sunod-sunod na hikbi ang kaniyang pinakawalan habang nakapikit. Tinatanong niya ang kaniyang isipan kung ano ang kaniyang gagawin.“A–Ano bang nangyari, Hija?” naiiyak na rin na tan