“Why? W–What the. . . fuck?”Nakatitig ngayon si Apollo sa hubad na katawan ni Melody. Bakas sa mukha nito ang galit habang may hawak na sinturon sa kanang kamay. Nagkalat din pati ang mga damit at personal niyang kagamitan. “Itapon mo lahat ng damit, shorts, at boxer mo. Ayoko ng amoy ng mga ’yan. Masakit sa ilong, masangsang!” sigaw nito, at biglang napahawak sa tiyan saka tila ba naduduwal.Mabilis na tumakbo si Melody patungo sa comfort room at doon sumuka. Hindi naman nakapag-react kaagad si Apollo dahil naguguluhan siya sa nangyayari. Nang matauhan ay kaagad niyang pinuntahan si Melody at nabutan niya pa itong sumusuka.Dinaluhan niya ito. “What happened? May salit ka ba? May masakit ba sa ’yo?” nag-aalala niyang tanong habang maingat na tinatapik at hinihimas ang likuran nito.Hindi niya alam kung bakit siya naiilang sa nakikitang hubo't hubad si Melody. Hindi lang talaga siya nasanay na ganito ito, para tuloy ibang tao ang asawa niya ngayon. Ang daming nagbago rito nitong mga
Sabay silang lumabas ng kuwarto habang may malaking ngiti sa labi ni Melody. Si Apollo naman ay hindi maipinta ang itsura at nababahala sa kagustuhang sumama ni Melody sa kompanya. Hindi niya ito mapigilan, dahil sa tuwing ipipilit niya na kailangan nitong mag bed rest ay nagbabago ang emotion at nagiging bata ang itsura na para bang paiyak ay kinawawa.Kapwa sila nagpaalam sa kambal saka humalik sa mga ito. Nang sulyapan niya si Epifanio bago lumabas ng mansion ay sinenyasan siya nito. Napatigin naman siya kay Melody na kasalukuyang naglalakad patungo sa kotseng sasakyan nila.Saglit siyang naglakad patungo kay Epifanio. “Why? Is there something wrong?” kunot noo niyang tanong.“Mukhang may malaking problema ka na naman. Luhan said your father will go home within this week or next week.” sambit nito sa mahinang boses.Napangiti siya. “Oh, what’s the problem?” sabay tinapik niya si Epifanio.“H–Hindi ba ’yon problema? Uuwi si Tito at sigurado akong dito siya sa mansion didiretso dahil
Hindi na rin nakabalik pa si Apollo sa kaniyang lamesa dahil binantayan niya si Melody habang natutulog ito. Hanggang sa hindi na rin niya namalayan na nakatulog na rin pala siya sa mismong single sofa. Nagulat na lang siya nang marinig niya ang tumatawang boses ni Melody.“Gising ka na pala.” kinusot niya ang kaniyang mga mata pero si Melody ay nananatili pa rin na tumatawa habang may hawak na marker. “What? What’s wrong? Bakit ka tumatawa? Is there something funny?” kunot noo niyang tanong.Umiling si Melody. “N–No, wala naman—” at tumawa itong muli habang tinuturo ang mukha niya.Pakiramdam niya ay may mali kaya tawa ng tawa ang asawa niya ngayon. Kaagad siyang tumayo at nagtungo sa table saka tumingin sa salamin. Napaawang ang kaniyang labi dahil may sulat ng marker ang mukha niya tila ba isa siyang pusa.“Ikaw ang may gawa?” parang natatawa na ring tanong ni Apollo.“Yeah! You’re so cute!” sigaw ni Melody.Ibinaba ni Apollo ang salamin at kaagad na naglakad papalapit kay Melody. T
Umuwi sila nang araw na ’yon na para bang walang nangyari, ngunit ang katawang lupa ni Melody ay pagod na pagod. Halos hindi na nga pala niya namalayan na nakatulog pala siya sa tapat ng computer niya at binuhat lamang siya ni Apollo papasok ng opisina.Nang gabi naman na ’yon ay magkausap si Apollo at Epifanio. Hindi na siya nag-abala pang pakinggan ang mga ito dahil sa antok at pagod na nararamdaman. Sigurado naman siya na tungkol lamang ito sa natuklasan nilang CCTV.Kinabukasan, pagkabangon na pagkabangon pa lamang ni Melody mula sa higaan ay dumiretso kaagad siya sa comfort room upang sumuka. Naalimpungatan naman si Apollo dahil sa paulit-ulit na pagduduwal ni Melody nang umaga na ’yon. Kaya naman bumangon din siya at pinuntahan ito.“What happened?” tanong niya rito habang singkit pa ang kaniyang mga mata at hinihimas ang likod nito. “May nakain ka bang sira na?”Hindi naman makapagsalita si Melody at patuloy lamang na dumuduwal. Alam din kasi niya kung bakit. Nasa stage na siya
Nasa harap na sila ng hapag kainan at ang ngiti ni Melody ay abot hanggang sa tenga, habang si Apollo naman ay napupuno ng tensyon. Habang nagluluto kasi siya kanina ay tinikman na niya ang lasa nito. Hindi pasok sa kaniyang panlasa.“Yey! Mapaparami ang kain ko nito!” excited na sambit ni Melody habang hawak na ang kutsara at tinidor.Napatingin naman si Apollo kay Milandro na nakatayo malapit sa kaniya. Alam din nito ang lasa at halos maubo pa nga ito. Natatakot tuloy siyang baka hindi rin magustuhan ni Melody at mas worst ay baka masira pa ang tiyan nito.Nagsimula na itong humigop ng sabaw saka hinati at kinain ang isang itlog. Napalunok si Apollo. Kitang-kita niya ang pagtigil ni Melody sa pagkain. Mukhang hindi yata nito nagustuhan.“Hmm. . . Ang sarap! Ang sarap, love! This is the best!” nakangiting sigaw nito.Napakunot ng noo si Apollo saka muling napasulyap ng tingin kay Milandro na ngayon ay nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat katulad niya. Napatikim tuloy bigla si Apollo
Nakangiting inaayusan at sinusuklay ni Melody ang kasambahay na si Hope. Gustong-gusto niyang hawakan ang buhok nitong kulay black brown na alon-alon. Napakakintab at masarap hawakan.“T–Tapos na po ba kayo?” naiilang ng tanong ni Hope.Ang totoo ay ilang minuto na ang nakalipas ay paulit-ulit lamang siyang sinusuklay ni Melody. Hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam niya tuloy ay sa mga nagdaang araw ay mukha siyang bruha kung kaya’t sinusuklay siya nito ngayon.“Don’t worry, Hope. I already told to Milandro na magpapatulong akong mag-ayos dito sa loob ng kuwarto.” tugon ni Melody habang sinusuklay pa rin si Hope.“Ayos lang po ba ’yon? W–Wala naman po kasi tayong ginagawa, eh. Hindi po ako sanay.” sabay kamo nito sa sintido.“Oo, okay lang ’yon. At saka gustong-gusto ko kasing hawakan ang maganda mong buhok. Sobrang natutuwa ako!”Alanganin na lamang na ngumiti si Hope habang kitang kita niya sa salamin ang malawak na ngiti ni Melody. Napaka-sweet nito, napaka-caring. Sobrang suwert
Kinabukasan ay kasama nilang nagpunta sa sementeryo ang kambal. Nauna nilang puntahan qng puntos ni Lilian. Nagkaroon sila ng oras para makapag-usap at hindi nila maiwasan ang maiyak. She missed her little angel.Sumunod naman ang sa mommy ni Apollo. Pormal silang ipinakilala ni Apollo sa puntod ng Mommy nito. Tuwang-tuwa pa ang dalawa niyang mga anak dahil kilalang-kilala sila ni Apollo base sa mga sinabi nito sa mommy.Para talaga siya ang tunay na ama ng kaniyang mgq qnak. Dito niya lang din napansin na malaki pala ang pagkakahawig ni Apollo sa kambal niyang anak. Kaya mahirap paniwalaan ang taong magsasabing hindi ito mga anak ni Apollo dahil kamukha pala talaga niya ang mga ito.“Lola, ba-bye po!” sabay na paalam ng kaniyang mga anak. “Bibisitahin ka po namin always!” dagdag pa ng mga ito.Niyakap naman siya ni Apollo mula sa likuran. “Ang babait ng mga anak ko, mommy ’no? Mabait din kasi ang mommy nila.” sabay halik nito sa kaniyang pisngi.Hindi na niya mapigilan ang sarili na
Nang makarating si Atlas at Athena sa kotse ay pinigilan ni Athena si Atlas na pumasok sa loob ng kotse. Hindi kasi maalis sa isip niya ng sinabi ng matandang ’yon tungkol sa malaking pasabog. Aba! Dapat lang alam niya!“Anong malaking pasabog ang sinasabi ni Daddy?” direstsahan niyang tanong kay Atlas.Seryosong tumitig si Atlas kay Athena. “Daddy said it’s nothing. Hindi niya sinabi sa ’yo meaning ayaw niyang ipaalam. At saka huwag ka ng makialam, dahil plano niya ’yon. Ikaw din naman ang magbe-benefit sa huli no’n.”Napakuyom ng kamao si Athena. “What kind of benefit, huh?” paninigurado ni Athena, para alam niyang hindi siya dino-double crossed nito. “It’s good. Daddy will crash Apollo and Melody’s relationship. You just need to wait and be patient. Can you do that?”Napangiti ng malawak si Athena. After all this years ay sa kaniya pa rin talaga kampi ang matandang Luxerio. Hindi niya nga alam kung bakit pilit itong nagbubulagbulagan sa nakaraan.“Of course I can.” sabay irap ni A