Share

CHAPTER 50 PREGNANT

Gumising si Aliyah na masama at mabigat ang pakiramdam niya sa katawan at tila tina-trangkaso siya at nahihilo pa. Biglang parang hinahalukay ang kanyang tiyan kaya napabalikwas siya ng bangon at dali-daling tumakbo sa comfort room at doon sa sink nagduduwal.

Halos mangiyak-ngiyak na siya sa kakaduwal dahil sa sama ng pakiramdam niya. Mainit ang hininga niya at mataas ang lagnat niya. Para siyang lantang gulay dahil sa panghihina. Halos madaling araw na kasi siyang pinatulog ni Reed at na stress pa siya sa balikat nito na may sugat. Nasabit daw ito sa kahoy pero hindi naman sinabi ang buong detalye. May kahoy ba sa opisina nila?

Lalong sumakit ang sentido niya sa mga palusot nito.

Nagdilim bigla ang paningin niya kaya napakapit siya ng mahigpit sa sink at nagpatuloy sa pagduduwal ngunit puro laway lang naman ang nailalabas niya.

Naghilamos siya ng mabilis dahil hindi na niya talaga kaya pa na tumayo ng matagal. Lumabas siya sa comfort room na umiikot ang paningin niya,

ngunit kahit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status