WARNING: RATED SPGDahan-dahan na naglakad paakyat si Aliyah sa aquarium na hagdan habang nakakapit sa mga bisig ni Reed."Don't worry, makapal ang floor glass. Hindi ka mahuhulog sa baba kahit maglundag-lundag ka pa dito." Mahinang tumawa ito na ikinairap niya."Sa simulat sapul ng pagkakakilala at pagsasama natin, walang araw talaga na hindi ako nagugulat sa mga rebelasyon sa buhay at pagkatao mo. Pero infairness, ang gaganda ng mga goldfish!" Tili niya ng sumasabay sa paglalakad niya ang mga iba't-ibang kulay ng goldfish."Gusto kong maramdaman mo na mahal na mahal kita at ang Mansyon na ito ang magiging saksi ng ating pag-iibigan." Huminto ito sa gitna kaya napahinto na din siya sa paglalakad, at magkaharap sila na tinititigan ang isa't- isa na puno ng pagmamahal. "Dito tayo bubuo ng malaking pamilya , Aliyah. Gusto kong isang dosenang anak." Napangisi ito at binasa pa ang labi nito.Nanlaki ang mga mata niya sa narinig, "Seriously?" Hindi mapigilang naibulalas niya, "Baby, I'm n
Masayang naliligo sa swimming pool si Darlene kasama si Mrs Sullivan. Aliw na aliw talaga ito sa kanya dahil sa kadaldalan niya. Kaya hindi na talaga ito pinauwi pa at gustong-gusto naman niya dahil halos na meet na niya ang buong angkan ng mga Sullivan. Masaya siya sa malaking pamilya ng mga ito."Let's go, Sweetie. Masakit na ang tuhod ko sa kakalangoy." Wika ni Mrs Sullivan habang nakatawa."Okay, Mom. Masakit na din sa balat ang sikat ng araw." Magkasabay silang umahon sa tubig. "Tita Sarah…. " Sigaw ng isang babae na sobrang tinis ng boses. Sabay silang napalingon sa direksyon ng nagsalita. Isang babaeng malawak na nakangiti at lalaking nakasimangot ang bumungad sa mga mata nila."Tss… Noisy and loud!" Dinig nilang wika nito."Hey, Kathleen, mabuti at napadalaw kayo rito ng kuya Kier mo." Masiglang wika ni Mrs Sullivan sa mga bagong dating at nakipagbeso. Pamangkin ito ni Mr Sullivan. Anak ng kaisa-isa nitong kapatid."Tita, nagpahatid lang ako kay kuya. Balita ko kasi may magan
Isang hapon, may babaeng nakatulala na nakaupo sa bench habang sinusuklayan ng isang Attendant ang mahaba nitong buhok. Malayo ang tingin nito at tila malalim ang iniisip.May hawak itong malaking manika at yakap-yakap niya ito ng mahigpit."Ayan! Maayos na po ang maitim at mahabang buhok ninyo. Ang ganda nyo po talaga. Sana gumaling na kayo kasi hindi kayo nababagay dito." Wika ng babae habang nakangiti.Ngunit wala siyang nakitang reaksyon sa alaga nito. "Alam nyo po ba, kapag madalas sumimangot ang isang tao, madaling tatanda at papangit?" Dugtong pa nito . Lumingon ito sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya, "Bakit ikaw lagi ka naman nakangiti? Bakit mukha kang palaka!?" Sabay tawa nito.Napatawa na rin siya dahil nakakadala ang malutong nitong tawa, "Ay grabe siya, makapanlait wagas! Ikaw na ang maganda. Pero ako naman ang reyna ng mga palaka! Kokak…Kokak.. Kokak!" Tumatalon pa ito na tila palaka. Araw-araw ganyan ang routine nila, mabuti nga at may progress na ito. Minsan n
Pauwi na si Darlene sakay ng Mercedes Benz na itim kasama ang dalawang bodyguards nito. Masaya siya habang kausap si Mrs Sullivan na laging nakatuon ang atensyon sa kanya. Hindi pa rin nakauwi sina Reed at Aliyah kaya as usual mga katulong lang nila at bodyguards ang kasama niya sa Mansyon."Mommy, sana sa susunod na pasukan diyan na lang ako sa Davao mag-aaral. Mas gusto ko diyan kesa dito sa Manila. Palagi na lang akong mag-isa." Malungkot na wika niya."Don't worry Sweetie, kakausapin ko ang kuya mo about this matter. Kahit ngayon nga ay pwede kitang e-transfer dito basta papayag lang si Reed. Hindi naman kasi pwede na tayo-tayo lang ang magde-desisyon sa bagay na ito." Mahabang paliwanag ni Mrs Sullivan."Naiintindihan ko naman po. Natatakot lang po kasi ako dito, Mom. May caller kasi na nagpakilala na kapatid ko daw po. At gusto niya akong kunin. Naguguluhan ako, Mommy. Si Kuya hindi ko naman makontak dahil naka-off yata ang phone. Kahit si Ate Aliyah." Napapakagat labi na sumbo
Sobrang saya ni Aliyah na makasama si Reed sa bagong bahay o mas tamang sabihin Mansyon na pinagawa nito para sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa, kahit walang kasal na naganap sa simbahan ngunit ang importante ngayon sa kanya ay kasama na niya si Reed. Ang lalaking pinag-alayan niya ng lahat. Nang makauwi sila, inaantok na naman siya. Madalas talaga siyang antukin mula ng mabuntis siya. "Are you hungry?" Tanong ni Reed nang ihinto nito sa main entrance ang sasakyan."No. I want to take a nap. I feel tired." Napahikab pa siya kaya napangiti sa kanya ang asawa."Then I'll bring you to our room. Take a rest baka kung ano pa ang mangyari sa baby natin." Wika nito at hinaplos pa ang tiyan niya na may maliit na umbok."Thank you, Baby. " Namumungay na ang mga mata niya. Ayaw niyang maglakad papuntang silid nila dahil tinatamad siyang maglakad kaya pinulupot niya ang kamay sa leeg nito."I hope your attitude won't change, you will always be this tender and sweet to me." Hinalikan ni
Nagising si Aliyah sa hospital bed. Nilibot niya ang kanyang mga mata at nakita niya si Darlene na nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog.Bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Biglang kumirot ang dibdib niya, kahit saang sulok ng silid ay hindi niya nakita si Reed. Hindi niya na pigil ang mapa- hikbi. "Reed…"Bulong niya sa pangalan ng asawa habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi niya akalain, sobrang saya pa niya nang mga nakaraang araw kasama ito. Pero sa isang iglap lang, halos ikamatay niya ang sakit. Ayaw niyang paniwalaan ang mga nakita sa picture at kung totoo man ang lahat ng iyon. Pwede pa niyang palampasin. Obviously, mga past relationship niya o naka-fling lang ang iba doon. Pero ang na receive niyang call kagabi. Yon ang hindi niya kayang tanggapin.Parang hindi kayang ekonsidera ng utak niya. Nilamon siya ng matinding panibugho. Wala si Reed ngayon, it means nasa kandungan pa ng Ex nito. Ang sakit at hapdi na nararamdaman niya kagabi ay domoble dahil sa isip
Nabunutan siya ng tinik nang makita niya ito sa sofa at mahimbing na natutulog. Kaya nilapitan niya ito at hinaplos ang maamong mukha nito, "I'm sorry, Baby." Bulong niya sa puno ng tainga nito at mabilis na hinalikan sa gilid ng leeg nito. Binuhat niya ito ng pa-bridal style at dinala sa silid nila at maayos na pinahiga. Mula ng lumabas ito sa hospital ay madalang na itong makipag-usap sa kanya.Kapag natatagalan naman siya ng uwi, ito ang madadatnan niya. Ganito ang routine nila gabi-gabi. Kahit hindi siya nito kinikibo pero hinihintay parin siya nito hanggang sa makauwi siya.Napapangiti na lang siya sa pagiging moody ngayon ng asawa niya. Kahit galit ito sa kanya magkatabi pa rin sila sa kama at ayaw nito na gigising na wala siya sa tabi nito. Ayaw niyang mag-isip ito ng masama dahil buntis ito baka makasama pa sa kanya.Maingat na nilapag niya ito sa kama at inayos niya ang comforter hanggang sa leeg nito bago niya hinalikan sa noo at sa tiyan, "I'm sorry for hurting you. God
How are you, my sister in law? I heard you are well. Are you ready to see your son?" Nakangising aso ito. Nanlilisik ang mga mata ni Mrs Alfonte nang tingnan ito, "Walang hiya kayo ng kapatid mo! Saan nyo tinago ang anak ko?" "Chill, Relax! Sister in law, I'm not here to your rants. By the way, kahit may edad ka na, maganda ka parin." Humalakhak ito."Ikaw rin kahit matanda ka na at panot! Bastos ka pa rin!" Tumawa siya ng nakakaloko kaya nag-iba ang aura nito. Ang kanina aliw na aliw na pikunin siya. Ngayon naging madilim na.She doesn't care, anyway. Napapangiti siya sa loob-loob niya.Nilapitan siya nito at hinawakan sa panga, "Hoy, baliw huwag na huwag mo akong aasarin kung ayaw mong ilibing kitang buhay dito. Malandi!" Marahas nitong binitiwan ang panga niya.Nang makita niya ang paparating na staff na in-charge sa kanya, umiyak siya at nagsisigaw, "Bad! Bad! Si Panot, bad! Ilayo nyo siya sa akin. Ayoko sa pangit na yan!" Sigaw niya at dinuro-duro ang lalaki."What the!" Sasamp