Alex's PovBahagya akong umungol nang pagbalikan na ako ng aking malay. Nakahiga na ako sa ibabaw ng kama ni Uriel at nakasuot ng tuyong damit. Nakita ko siyang nakatagilid sa akin at nagpipiga ng isang face towel. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang nagbihis sa akin ngunit hindi ko magawang magsalita dahil tila minamalat ang aking boses. Hindi ko rin magawang kumilos dahil tila wala akong lakas para gawin iyon. Pakiramdam ko rin ay tila lumilindol ng bahagya dahil parang gumagalaw ang aking paningin. Nang bumaling sa akin si Uriel ay natuklasan niyang gising na pala ako."Mabuti naman at gising ka na, Alexa. Mataas ang lagnat mo kaya kailangan kitang punasan. Kailangan mo ring uminom ng gamot para bumilis ang pagbaba ng lagnat mo," ani Uriel na tila may pag-aalala sa kanyang tinig. Napaismid ako sa aking isip. Fake na pag-aalala. Kung hindi ko pa alam ay natatakot ka lang na baka isipin ng mommy mo at ng daddy ni Alexa na pinapabayaan mo ako. Ayaw mo lang malaman nila na kaya ako
Alex's PovNalaman ng ina ni Uriel na nagkasakit ako dahil tumawag ito at hinanap ako. Nang malaman nito ay agad itong nagpunta sa bahay ni Uriel at katakot-takot na sermon ang inabit ng anak nito. Talagang mahal ni Uriel ang kanyang ina dahil kahit anong sermon ang ginawa ng ina nito ay hindi ito nagalit o sumagot man lang. Napaka-obedient pala niyang anak."Dapat ay inaalagaan mo ang sarili mo, Alexa. Hindi ka dapat gumagawa ng mga gawaing bahay dahil mayroon naman kayong katulong. Ano ang silbi ni Lorena kung hahayaan ka ng asawa mo na magtrabaho rito sa bahay," sermon naman ng ina ni Uriel sa akin. Tapos na itong magsermon sa anak kaya sa akin naman. "Ayokong mababalitaan na nagtatrabaho ang aking manugang, Uriel. Nandito naman si Lorena kaya siya ang dapat magtrabaho. Maliwanag ba?" baling nito kay Uriel at sa katabi nitong mayordoma na blangko ang ekspresyon ng mukha. Ngunit alam ko na sa loob-loob niya ay nanggigigil na siya sa akin."Opo, Ma'am Ursula," magalang na sagot ni Al
Alex's PovNaramdaman ko ang paghaplos ng kung sino mang pangahas sa aking mukha nang pagbalikan na ako ng aking malay. Agad na bumalik sa aking isip na may taong nagtangkang patayin ako sa pamamagitan ng pagtakip ng unan sa aking mukha para hindi ako makahinga. Hindi kaya ang taong ito ang humahaplos sa aking mukha? Baka naisip ng taong ito na gahasain muna ako bago patayin, kinakabahang sabi ko sa aking isip. Hindi ako papayag na gawan niya ako ng masama. Mas gugustuhin ko pa na patayin niya ako kaysa ang gahasain. Sa isiping iyon ay basta ko na lamang hinuli ang kamay na humahaplos sa aking pisngi at mariing kinagat. Napasigaw ng malakas ang taong may-ari ng kamay. Uriel?Mabilis kong binitiwan ang kamay ng inaakala kong masamang tao nang mabosesan ko ang tinig ni Uriel. Agad kong iminulat ang aking mga mata at napatunayan kong si Uriel nga ang may-ari ng kamay na iyon. "Damn it! Are you a dog?" galit na sita niya sa akin habang hawak-hawak ang nasaktan kamay at hinihipan.Agad
Alex's Pov"Wooohh!!!" malakas kong sigaw habang nakalabas ang isa kong kamay at bahagya ring nakalabas ang aking ulo sa nakabukas na bintana ng kotse ni Art. Binabaybay namin ang bagong gawang kalsada papunta sa probinsiya ng Rizal. Mabilis ang patakbo ni Art dahil madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan at puro mga private vehicle pa lamang ang pinapayagang dumaan. "Bilisan mo pa ang pagmamaneho mo, Art!" malakas ang boses na sabi ko sa kanya kahit isandaan na ang bilis ng patakbo niya."Baka maaksidente tayo kapag mas binilisan ko pa," sagot ni Art na sa halip bilisan ay bahagyang binagalan ang patakbo. "Para kang ibon na nakalaya sa hawla mo," natatawa na naiiling na sabi ng kaibigan ko.Ang totoo ay inilalabas ko ang stress, inis at pagkayamot ko sa matandang mayordoma ni Uriel. Idinadaan ko na lamang sa sigaw ang aking nararamdaman para naman gumaan ang aking dibdib."Ang tagal ko nang gustong maranasan ang mag-road trip kaso wala naman akong kotse. Can't afford kaya sa mga
Alex's PovNagising ako sa loob ng ospital na nakahiga sa hospital bed. Masakit ang ulo kong may benda pati na rin ang aking sugat sa braso na hindi pa gumagaling. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng kinaroroonan kong kuwarto. Nakita ko si Uriel na nakaupo malapit sa aking tabi ngunit hindi niya napansin na gising na ako dahil busy ito sa sinumang ka-text nito sa cellphone. At mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito at nang kausap nito sa text dahil seryoso ang expression nito at kung minsan ay biglang dumidilim. "Uriel..." mahina ang boses na tawag ko sa kanyang pangalan habang bumabangon ng dahan-dahan. Saka pa lamang nabaling ang kanyang paningin sa akin. Agad siyang napalapit at pinigilan akong bumangon."Huwag ka munang bumangon, Alexa. Baka kung mapaano ka," saway niya sa akin. Ibinalik niya ako sa pagkakahiga. "Ano ang masakit sa'yo? Magsalita ka at tatawagin ko ang doktor," nag-aalalang sabi pa niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanyang mukha. Sa unang pagka
Alex's PovTatlong araw lamang ang inilagi namin ni Art sa ospital tapos ay sabay kaming na-discharge. Sinundo si Art ng pinsan niya na siyang nagbantay sa kanya sa ospital samantalang ako naman ay si Uriel ang sumundo. Ni hindi ko nga nakausap ang kaibigan ko bago kami umuwi dahil kaagad na akong iniuwi ni Uriel. Nagpadala na lamang ako ng text message sa kanya dahil baka hintayin pa niya ako. Nag-reply naman siya at sinabing palagi akong mag-iingat lalo pa at natuklasan namin na talagang may nagbabanta sa buhay ko."Magmula ngayon ay hindi ka nq puwedeng umalis ng bahay nang hindi mo ako kasama, Alex. Ayokong may masamang mangyari sa'yo dahil tiyak na ako ang sisisihin ng daddy mo lalong-lalo na ang mommy ko," ani Uriel sa akin habang lulan kami ng kanyang kotse pauwi sa bahay niya.Gusto kong mapangiti sa kanyang sinabi. Halatado namang nag-aalala siya sa akin ngunit idinadahilan pa nito ang ang daddy ni Alexa at ang mommy nito. Kung nag-aalala siya sa akin ay bakit hindi na lang n
Alex's Pov"You're so beautiful, Alex," nakangiting sabi ni Uriel nang huminto sa tapat ng malaking bahay ng kanyang mga magulang ang kotse niyang sinasakyan namin."Kanina mo pa iyan sinasabi, Uriel. Baka maniwala na ako sa'yo niyan," nakairap na sabi ko sa kanya habang nakangiti. Magmula sa loob ng aming silid ay hanggang dito sa bahay ng mga magulang niya ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabi ang mga katagang iyon. Halos lumubo tuloy ang aking puso sa kanyang papuri. Pakiramdam ko ay ang ganda-ganda ko sa kanyang paningin ngayong gabi."Talaga namang naakaganda mo, Alex. Lalo na ngayong gabi. Parang ayoko na ngang tumuloy sa party at dahil na lamang kita sa loob ng hotel para masolo. Ayokong makita ng ibang lalaki ang kagandahan mo," nakangiting sabi pa niya habang nakatitig sa akin kaya hindi ko malaman kung binibiro lang ba niya ako o seryoso siya sa kanyang sinabi."Huwag mo nga akong biruin ng ganyan at baka mag-isip ako na may gusto ka na sa akin," napapail
Alex's PovNapakuyom ang aking mga kamao habang nakatingin sa lalaking naglalakad palapit sa akin. Medyo may edad na ito ngunit kababakasan pa rin ng kagandahang lalaki noong kabataan nito ang mukha. Hindi rin maitatago na maawtoridad ito base sa kanyang tindig at confident na paglalakad."Ano ang ginagawa mo rito sa labas? At saan ka papunta't palabas ka ng gate?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit."W-Wala po. Parang may nakita kasi akong kakilala na dumaan sa may gate kaya balak kong silipin sa labas kung ang kakilala ko nga ang taong iyon," paliwanag ko sa kanya. Ngayong kaharap kong muli ang aking ama na nang-iwan sa amin ni Mama ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko man siyang sumbatan ngunit hindi maaari dahil malalaman niya na hindi ako si Alexa kundi ang isa pa niyang anak na inabandona niya. "Sige po, babalik na ako sa party," agad kong paalam sa kanya. Akmang tatalikuran ko na siya ngunit mabilis niya akong napigilan sa