Share

Chapter 20

Alex's Pov

Nagising ako sa loob ng ospital na nakahiga sa hospital bed. Masakit ang ulo kong may benda pati na rin ang aking sugat sa braso na hindi pa gumagaling. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng kinaroroonan kong kuwarto. Nakita ko si Uriel na nakaupo malapit sa aking tabi ngunit hindi niya napansin na gising na ako dahil busy ito sa sinumang ka-text nito sa cellphone. At mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito at nang kausap nito sa text dahil seryoso ang expression nito at kung minsan ay biglang dumidilim.

"Uriel..." mahina ang boses na tawag ko sa kanyang pangalan habang bumabangon ng dahan-dahan. Saka pa lamang nabaling ang kanyang paningin sa akin. Agad siyang napalapit at pinigilan akong bumangon.

"Huwag ka munang bumangon, Alexa. Baka kung mapaano ka," saway niya sa akin. Ibinalik niya ako sa pagkakahiga. "Ano ang masakit sa'yo? Magsalita ka at tatawagin ko ang doktor," nag-aalalang sabi pa niya.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanyang mukha. Sa unang pagka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status