MALAKI ang villa pero nahirapan si Ffion mag-adjus. Kahit gaano kalaki ito, pakiramdam niya ay napakaliit ng espasyo pagdating sa kanila ni Ivony. Isang linggo na ang nagdaan at hindi niya pa rin matanggap na magkakasama silang tatlo sa bahay. Kaso may magagawa ba siya?Ang dalawang katulong ni Ivony ay kahit papaano, tumutulong sa kaniya sa gawain bahay. Tumutulong din ang nga ito na magluto ng ulam lalo na at mapili at maarte sa pagkain ang babae. Tulad ngayon, sabay silang tatlo na kumain sa may kahabaang mesa. Nasa likuran ni Ivony ang dalawang kasambahay, naghihintay sa iuutos ng babae. Kung si Ffion ang masusunod, gusto niyang sumabay ang dalawang kasambahay sa kanilang kumain.Tahimik lang siya habang panay ang kwento sa kaniya ni Audric. Nakikisali si Ivony sa usapan pero hindi ito pinapansin ng asawa niya. Sa madaling salita, parang hindi nag-exist ang presinsya ni Ivony."Nga pala wife, punta tayo sa planta pagkatapos natin kumain, ha?""Yeah, sure.""All right!" Maganang
"O hija, kumusta? Inaapi-api ka ba ng higad diyan?" "Mommy, kailan ba natin palayasin itong si Ffion? Inaagaw niya ang atensyon na para dapat sa 'kin." Kunwari malungkot si Ivony nang sabihin iyon. "Soonest hija. Huwag kang mag-alala, hindi 'yan mahal ng anak ko. Gusto ka lang saktan ni Audric.""Talaga ho?""Of course dear! Ina ako ni Audric at kilalang-kilala ko ang batang iyan. Ikaw lang ang babaeng minahal ng anak ko at natatabunan lang ito ng galit. Ang ginto, kahit ilibing pa sa putik 'yan, ginto pa rin. Ganiyan mahahalintulad ang pagmamahal sa 'yo ni Audric."Napangiti siya. Boto talaga sa kaniya ang Donya. Bakit hindi? Kilalang-kilala ang kaniyang pangalan. Beauty queen at may pangalan sa bawat mga magazine na nilalabas buwan-buwan. Ang dami niyang proyekto bilang isang sikat na modelo at isang malaking puntos ito para kay Donya Vilma. Gusto nito ang mga babaeng tulad niya na may pangalan na sa itaas."Pero mas kakampante lang ako 'pag wala na yan si Ffion. Totoo bang kasal
Nasa kalagitnaan siya ng sementong daan nang mapansin ni Ivony ang isang mamahalin sasakyan sa unahan. Halatang nasiraan dahil binubusisi ito ng may-ari ang makina.Hindi niya ito pinansin. Dere-deretso lang si Ivony pero agad din napahinto nung kumaway ito sa kaniya na parang humihingi ng tulong.Sandali niyang tiningnan ang lalaki. Gwapo ito at mamahalin lahat ng suot. Branded. Pati ang suot nitong relo ay nagkakahalagang milyon.Huminto siya at binaba ang salamin ng kaniyang sasakyan. "Yes?""Sorry to bother you, Ms. Pero may alam ka ba na malapit na nag-aayos dito ng mga sasakyan?""No?" Pabalik na tanong niya rito. Obvious naman wala siyang alam."Oh damn!" Nasapo nito ang noo. "Paano ako makakarating nito sa Villa."Napakunoy siya ng noo. "Villa?""Yeah. Bibisitahin ko ang kapatid kong si Ffion, I mean step sister. I'm Lorenzo by the way." "Hindi ko alam na may step brother siya.""Well now alam mo na ngayon." Bumalik ito sa makina ng kotse nito at binusisi ulit ang makina. "
HINDI mapakali si Ffion nang gabing iyon. Gusto niyang kausapin si Audric laban kay Lorenzo pero lagi siyang nauunahan ng takot. Ang masaklap pa, kasama nila sa iisang mesa kumain ang walang-hiyang step brother niya! Inimbitahan ito ni Audric na sa Villa muna sandali manatili. Dahil ang sabi ni Lorenzo, nasira ang sasakyan nito at sinangayunan agad ito ni Ivony. Wala naman ginawa si Lorenzo. Wala rin itong hint na binigay sa kaniya na may gagawin itong masama. Pero alam niyang may pinaplano na ito. "Adi...""Yes wife?""H-huwag kang magalit sa tanong ko, ha?""Yeah, sure." Natawa ito at naglalambing na yumakap sa kaniya. Magkatabi na sila ngayon sa kama."Paano kung may magtatangkang gumawa ng masama sa 'tin? H-halimbawa, may masasama ang loob na pumasok dito sa villa at—""Shh..." Kaagad na putol nito sa sasabihin niya. "Unang-una, mababait ang nga tao rito sa San Mateo at alam mo na ito. Pangalawa, kaya kitang protektahan kahit bulag ako.""Pero—""Kung itatanong mo sa 'kin, Ffio
Natatawang napailing-iling si Lorenzo habang pinagmamasdan ang mga alagang halaman ni Ffion. Magaganda ang mga bulaklak na nakikita niya at nagmistulang parang paraiso ang bahay dahil sa dami ng mga bulaklak na nakapaligid.Tsk. Tsk. Tsk. Ffion, Ffion... Magpasalamat ito at nandito ang babaeng totoong mahal niya. Dahil kung wala, baka kagabi pa niya pinatay ang lalaking kinababaliwan nito.Alam niyang masasaktan si Ivony kapag pinatay niya si Audric kung kaya't nagbago ang plano niya. Ngayon abot na abot niya na ang babaeng nagpapabaliw sa kaniyang sistema, kaya gagawin niya ang lahat mabaling ang pagmamahal nito sa kaniya.Dito, dito siya sa villa titira. Hindi siya aalis hangga't hindi kasama ang babae! Wala siyang pakialam kung sinong demonyong ama ng batang nasa sinapupunan ni Ivony. Ang mahalaga kay Lorenzo, ay ang babae.Isa pa, masayang paglaruan ang emosyon ni Ffion. Para itong isang paru-paro na nakapatong sa kamay niya. Hindi nito kayang lumipad papalayo dahil nakatali ang k
Nasa music room si Audric. Kanina pa nasa keyboard ang kaniyang kamay pero hindi niya magawang tugtugin ang piano sa dami ng iniisip. Isa na rito ang pagbabalik ni Ivony sa buhay niya."Bakit niya kailangan bumalik?" Napakuyom siya ng kamao.Nagsimula siyang malito. Ang puso niya, nagsimula itong malito. Sampung taon silang may relasyon ni Ivony at magpahanggang ngayon, nasa puso niya pa rin ito pero hindi pwede. Alam niyang masasaktan si Ffion. Nung una, naniniwala siyang isang babae lang ang kayang mahalin ng puso niya. Pero ngayon, dalawang pangalan ang nandoon. Mahal niya ang dalawa.Naawa siya kay Ffion. Siya na lamang ang nag-iisang pamilya ng babaeng natutunan din niyang mahalin. Hindi mahirap mahalin si Ffion pero mahirap kalimutan agad si Ivony.Nagsimulang tumugtog ang kamay niya ng naayon sa galit ng kaniyang puso. Nagagalit siya sa sitwasyon.Alam ni Audric na totoong buntis si Ivony at alam din niya kung gaano kaimportante rito ang kasikatan.Kailangan na ba niyang magpa
MARAMING nagbago. Sa isang linggong pananatili ni Lorenzo sa Villa, nagkaroon siya ng matinding takot at naramdaman ni Audric ang takot na iyon.Wala naman ginagawa si Lorenzo, pero sa bawat oras na nakikita niya ito. Parang minutong katumbas iyon sa impyerno. Nagmistula itong bomba at natatakot siya na sumabog ito sa araw na hindi niya mapapaghandaan.Wala naman nagbago sa pagmamahal na pinapadama sa kaniya ni Audric. Gano'n pa rin. Sweet pa rin ito sa kaniya kung hindi lang laging umeeksina si Ivony. Nakausap niya na rin harap-harapan si Ivony at sinabi nito sa kaniyang babawiin nito ang lalaki sa kaniya. Doon palang na parte, para na siyang pinukpok sa sakit. Hindi niya kayang isipin na mapalayo si Audric. Sa kaniya na ito at sakim na kung sakim!Pinagpasalamat niya rin na hindi dumalaw ang Donya. Nasa America ito, kasama ang nga mayayaman kaibigan. Nalaman niya rin ang totoong dahilan kung bakit nandito ngayon si Ivony. Bumagsak ang career nito bilang isang sikat na internationa
Bagsak ang balikat ni Ffion na bumalik sila ng Villa. Hindi niya magawang sabihin kqy Audric ang kasalanan nagawa niya. Parang may kung anong pumipigil sa kaniya na huwag gawin iyon. Kaya nang gabing iyon, pinilit na lamang niyang kalimutan iyon. Pinagdarasal niyang huwag na sanang bumalik pa ni Lorenzo. Nati-triggered lamang siya kapag nakikita niya ang binata. Bumabalik lang sa kaniya ang kaniyang kasalanan ginawa.Narinig din niya kay Mhae na bukas na babalik si Ivony. Tumawag si Joan kay Mhae kahit papaano, kumalma ang naliligalig niyang puso.—PABAGSAK na humiga si Lorenzo sa malambot na kama ng kaniyang silid. Nasa kamay niya ang isang stress ball at nilalaro ito sa ere. Sinundan niya si Ivony, nagpunta ito HGOH para sa check up nito. Mabilis lang itong sundan, may nilagay siyang tracking device sa cellphone ng babae."Ivony, Ivony..." Naglinya ang kaniyang kilay.Gabi na sa labas. Napangisi siya. Bumangon siya at tiningnan ang lokasyon kung saan si Ivony.Good. Nasa Greenbelt