Share

Chapter 52

Nasa music room si Audric. Kanina pa nasa keyboard ang kaniyang kamay pero hindi niya magawang tugtugin ang piano sa dami ng iniisip. Isa na rito ang pagbabalik ni Ivony sa buhay niya.

"Bakit niya kailangan bumalik?" Napakuyom siya ng kamao.

Nagsimula siyang malito. Ang puso niya, nagsimula itong malito. Sampung taon silang may relasyon ni Ivony at magpahanggang ngayon, nasa puso niya pa rin ito pero hindi pwede. Alam niyang masasaktan si Ffion.

Nung una, naniniwala siyang isang babae lang ang kayang mahalin ng puso niya. Pero ngayon, dalawang pangalan ang nandoon. Mahal niya ang dalawa.

Naawa siya kay Ffion. Siya na lamang ang nag-iisang pamilya ng babaeng natutunan din niyang mahalin. Hindi mahirap mahalin si Ffion pero mahirap kalimutan agad si Ivony.

Nagsimulang tumugtog ang kamay niya ng naayon sa galit ng kaniyang puso. Nagagalit siya sa sitwasyon.

Alam ni Audric na totoong buntis si Ivony at alam din niya kung gaano kaimportante rito ang kasikatan.

Kailangan na ba niyang magpa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status