Kinabukasan, agad siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang mahihinang katok ni Manang Minda sa pintuan ng kaniyang silid.Dali-dali niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Ngumiti siya sa matanda at bahagayng yumuko bilang tanda ng kaniyang respito rito."Ineng, pupunta kami ng anak ko sa bayan. May ipapabili ka ba o ipapasabay?"Mabilis siyang umiling. Wala siyang ipapasabay. Ang makitira nga sa poder ni Manang Minda ay sobrang nakakahiya na."Wala ho, Manang. Maraming salamat.""O siya, basta kung may kailangan ka, ha? Sabihan mo si Manong Lito mo at para matawagan niya kami sa cellphone."Tumango siya at ngumiti. Nung makaalis na ito, kaagad niyang sinara ang pintuan at bumalik sa kama. Nagising na ng tuluyan ang kaniyang diwa kaya imposible na makakabalik pa siya sa pagtulog.Kaya ang ginawa niya, nag-unat ng kamay at lumanghap ng hangin mula sa bintana. Nasa San Mateo pa rin siya at hindi ito alam ni Audric.Bago nito malalaman na nandito siya, dapat nakaalis na siya s
"Paalam Ffiona."Isang halik kaibigan ang binigay sa kaniya ni Lucas sa noo at mahigpit na yakap bago ito umalis sa kaniyang harapan. Ang sabi nito, dumaan lang ito para personal na bisitahin siya at iabot ang pickles.Natawa na lamang si Ffion kasi sobrang babaw ng rason ng binata. Para itong 'di lawyer kung magsinungaling ito sa kaniya kasi ang totoo, alam niyang gusto nitong buksan ang topic na sumama siya rito sa Maynila.Pero hindi pwede. Kung may lugar man siyang hindi dapat balikan, ito ay ang Maynila. Hindi siya nababagay sa lugar na ito at siguro naman ay maiintindihan ito ng kaniyang Ina.Gusto niya itong dalawin pero saka na lang. Saka na kapag matino na ang utak niya at hindi kasinggulo ng kaniyang puso. Kasi wala e, magulong-magulo ang lahat."Ineng, umuwi na ang kaibigan mong si Lucas? Aba ay sayang, nagluto pa naman ako ng madalian na tinolang manok."Napangiti siya sa tinuran ni Manang Minda. Tunay na kay bait nito talaga at isa itong anghel para sa kaniya."May as
Isang linggo ang lumipas.Hinanda niya ang kaniyang mga gamit sa isang bag. Nagpaalam na rin siya sa pamilyang pansamantala niyang tinirhan ngayon at lahat ng mga 'to ay humiling na sana, maibalik na ang kaniyang paningin.Mayamaya ay narinig niya ang busina ng sasakyan. Si Lucas! Nagliwanag ang kaniyang mukha na tinungo ang pintuan. Kahit nangangapa at walang nakikita kundi puro kadiliman, nagawa niya pa rin buksan ang pintuan. Mabilis lang naman magbukas ng pintuan at magsara. Ito yata ang una niyang natutunan simula nung nabulag siya."Magandang araw, ho!"Napangiti siya. Pati bosese ni Lucas, may dalang saya."Ineng, nandiyan na si Lucas." Masayang pagbabalita sa kaniya ni Manang. Kaagad nito siyang nilapitan at inalalayan kahit may white cane naman siya sa kamay."Oo Manang. Narinig ko nga ang boses niya.""Masaya ako Ineng na sasama ka na ngayon kay Lucas. Kailangan mo rin lumanghap ng hangin. Ayukong habang-buhay kang magtatago dito sa dilim."Tumango lang siya at hindi na suma
HINDI siya makapag-focus sa nire-review niyang mga documents na binigay sa kaniya ng kliyente. Isa itong murder case at mabilis lang sa kaniya na resolbahin ito pero ang kaniyang isip ay nasa kay Ffiona.Napahugot siya ng malalim na hangin. Pinupuno niya ang kaniyang baga at siguro nga, totoong nababaliw na siya. Nababaliw pa rin siya sa babae.Tumunog ang kaniyang phone, kaagad niya itong kinuha at sinagot ang tawag. "Good day, Dr. Hayes.""I have a good news for you."Nagliwanag sandali ang kaniyang mata. Si Dr. Hayes ay matalik na kaibigan ng pinsan niyang si Farhistt Fortocarerro. Pinsan sila sa side ng kaniyang Ina. Si Farhistt din ang nag-recommend sa kaniya na tawagan niya si Dr. Hudson Hayes at matutulungan siya ng Doctor."What is it? May eye donor na ba?""Yes we have. Ang kailangan na lang ay ang pasyente. Bring her to me so my Doctor can examine her. Hindi ako personal na mag-examine ng mga pasyente as I'm busy taking good care of my pregnant wife, Abhaya.""Noted, D
Mabilis niyang niyakap ang tuta at inamoy ang malambot na balahibo nito. Ang bango naman! Parang umabot hanggang langit ang kaniyang saya sa araw na iyon. Sino ba naman kasi ang hindi? Totoong na-apprreciate niya ang binigay ni Lucas."Gusto mo sabihin ko kung anong klaseng tuta 'yan, ha, Ffiona?""No please." Ngumiti siya kay Lucas. "Ako na ang kumilala kong anong puppy ito." Tumahol naman ang tuta sa kaniyang sinabi at hinalikan siya sa pisngi. Ang cute naman!"Okay-okay, hindi ko na sasabihin." Ginulo naman ni Lucas ang kaniyang buhok at agad siyang inakbayan.Hindi niya na binigyan ng meaning iyon. Ganito na talaga si Lucas lalo na nung nabulag siya, parang way na nito iyon para alalayan siya."Tara sa kusina, titimplahan kita ng kape.""Hindi na, Ffiona. Dumaan na ako sa isang coffee shop. Katunayan niyan, ako ang magluluto ng hapunan natin sa gabing ito.""Nakakahiya naman.""Don't be. Bisita kita rito, Ffiona. Tara, sa kusina tayo at tuturuan kita para mamemorya mo ang mga kaga
Mapait siyang ngumiti habang pumapatak ang kaniyang luha. Buntis siya. Oo. Buntis siya, alam niya na ito nung nakaraan linggo at ando'n pa siya kina Manang Minda.Isa ito sa rason kung bakit ayaw niyang sumailalim sa ibang operasyon. Dala-dala niya ang anak nila ni Audric na hindi nito malalaman na may anak silang dalawa.Buntis siya at bawal. Ngayon nandito si Lucas, baka maghinala itong buntis nga siya. Sasabihin niya ba?"Ffiona…"Tapos na siya magduwal pero nanghihina pa rin. Pinunasan niya ang kaniyang bibig."Lucas... May sasabihin ako."Narinig niya ang paghugot nito ng hangin. Nararamdaman niyang kinabahan ito sa maari niyang sasabihin pero imbes na mag-alala siya sa magiging reaksyon nito na dala niya ang anak nila ngayon ni Audric, niyakap lang siya nito."You're pregnant, right, Ffiona?" Halos pabulong na lang iyon na anas ni Lucas.Hindi siya kaagad nakasagot. Ang tanging nakakaalam na buntis siya ay si Manang Minda dahil ang matanda ang bumili ng pregnancy test para sa k
Kapagkuwan ay tinawagan niya si Lucas. Ang matalik niyang kaibigan."Anong bagong balita?""Naayos ko na ang pinagawa mo. Everything is settled. Inaayos ko na lang ang mga papers para tuluyan ma-annulled ang kasal niyo ni Ffiona.""Great to hear that. Maasahan talaga kita.""Yeah. I'm your best friend, Audric."Sumang-ayon lang siya sa sinabi ng kaniyang matalik na kaibigan at kaagad na pinatayan ito ng tawag. Alam niyang kaya itong gawan ng paraan ni Lucas. Kailangan niya ng putulin ang anuman relasyon meron sila ng babaeng natutunan niyang mahalin.Napabuntong-hinga siya. Paano ba kalimutan?! Sa bawat pagpikit niya ng mata, sa bawat tingin niya sa paligid, masasayang tawa ni Ffion ang nakikita at naririnig sa kaniyang isipan.Ito pa rin ang tinitibok ng putang-inang puso niya pero buburahin niya si Ffion sa kaniyang sistema. Ang mga alaala na kasama niya ito sa Villa ay buburahin niya na parang corrupted files sa utak niya at puso.Mahal niya si Ffion. Minahal niya na ito. At hindi
MABILIS na lumipas ang anim na buwan. Malaki na ang kaniyang tiyan at ayon sa ultrasound nung sinamahan siya ni Lucas sa kaibigan nitong obgyne, babae ang anak nila ni Audric.Halos walang paglagyan ang luha niya nung mga sandaling iyon na malaman na babae ang kaniyang anak. Ngayon pa lang, excited na siya na maisilang ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Ang laki-laki na ng utang na loob niya kay Lucas. Kung wala ito, baka sa kangkungan siya aabutin dahil sa kaniyang kalagayan.Nung unang semister ng pagbubuntis niya, hirap na hirap si Lucas sakyan ang kaniyang bawat gusto at mga cravings. Ito na halos gumawa lahat-lahat! Sensitibo kasi ang kaniyang pagbubuntis kaya sinabi ng kaniyang doctor ay dapat mag-iingat siya lagi lalo na at may deperensya ang kaniyang paningin.Napapagkamalan na nga sila ni Lucas na mag-asawa ng mga kapitbahay nilang tsismosa pero okay lang. May dalawa rin kasambahay na kinuha si Lucas para raw hindi siya mapagod. Nung una, umayaw siya pero nung nalaman niya