Share

Chapter 71

MABILIS na lumipas ang anim na buwan. Malaki na ang kaniyang tiyan at ayon sa ultrasound nung sinamahan siya ni Lucas sa kaibigan nitong obgyne, babae ang anak nila ni Audric.

Halos walang paglagyan ang luha niya nung mga sandaling iyon na malaman na babae ang kaniyang anak. Ngayon pa lang, excited na siya na maisilang ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Ang laki-laki na ng utang na loob niya kay Lucas. Kung wala ito, baka sa kangkungan siya aabutin dahil sa kaniyang kalagayan.

Nung unang semister ng pagbubuntis niya, hirap na hirap si Lucas sakyan ang kaniyang bawat gusto at mga cravings. Ito na halos gumawa lahat-lahat! Sensitibo kasi ang kaniyang pagbubuntis kaya sinabi ng kaniyang doctor ay dapat mag-iingat siya lagi lalo na at may deperensya ang kaniyang paningin.

Napapagkamalan na nga sila ni Lucas na mag-asawa ng mga kapitbahay nilang tsismosa pero okay lang. May dalawa rin kasambahay na kinuha si Lucas para raw hindi siya mapagod. Nung una, umayaw siya pero nung nalaman niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status