Share

Chapter 72

Sunod-sunod na napailing si Audric. May ideya na pumasok sa isipan niya pero hindi ito kayang iproseso ng kaniyang utak.

"Lucas? Bakit ayaw mo sumagot?" Natatawang saad nito at marahan humakbang papalapit sa kaniya. Nangangapa ang kamay. "Ano? Napepe ka na naman diyan?"

Bigla siyang naging tuod nang dahan-dahan kapain ni Ffion ang kaniyang mukha. Hindi niya namalayan na nahigit niya ang kaniyang hininga sa ginawa nito at kasunod niyon ay ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata na hindi niya namalayan.

"Let me guess, may pakulo ka na naman Lucasio, 'no?" Kasunod niyon ay ang mahinang pagtawa nito.

Ffion...

Marahas niyang tinanggal ang kamay nito nang makabawi siya at napaatras. Parang sasabog ang puso niya sa lakas ng kabog nito, na halos ikabingi ng kaniyang magkabilang teynga.

"A-audric...?"

Nang banggitin ni Ffion ang pangalan niya, doon lang napansin ni Audric na matagal niyang nahigit ang kaniyang hininga. Para siyang naparalisado. Hindi niya magawang itaas ang kamay saktan ito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status