Share

Chapter 79

TULAD nga ng sinabi ni Audric, umalis lang din kaagad ito matapos siyang maihatid sa loob ng bahay. Para lang itong sumilip sa Villa kung andito pa ba siya o ano. Nakakapanibago nga rin dahil malumanay ang boses nito at walang bahid na kung anong galit. Para bang nag-iingat ito na huwag makapagsalita ng masasakit na bagay sa kaniya.

Saka naman dumating si Manang Minda pero hindi nito na naabutan si Audric. Nasa kusina siya ngayon. Nakaupo sa upuan at nakikinig kay Joy at Helen na naghahanda ng lunch nila sa araw na ito.

"Nga pala Manang, nandito si Adi mga kani-kanina lang."

"Nasabi niya ba sa 'yo?"

"Ang alin po?

Malungkot na napabuntong-hinga si Manang Minda nang lapitan siya. "Halos wala ng tulog ang batang 'yon. Sa umaga, ang kompanya ang inaasikaso niya at sa gabi, pagbabantay sa anak niyang si Ace sa Hospital."

"H-hospital? What do you mean po? May masamang nangyari ba sa anak nila ni Ivony, Manang?!"

"Sumailalim sa operasyon ang kawawang anak nila, Ineng. Inoperahan pero hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status