"You're awake. Good. Lilipat na tayo sa baba para hindi ka mahirapan gumalaw. May isang nurse na rin sa sala naghihintay at dalawang katulong. Matanda na si Manang Minda, at tanging sa pagluluto lang ng ulam ang gagawin ni Manang." Kaagad siya nitong inalalayan para makaupo."Mas gusto ko pang bumalik ng Baguio, alam mo 'yon!""We'll talk about that. Sa ngayon, ibaba muna kita sa sala at kailangan ko ng umalis. Naghihintay ang chopper sa labas para makabalik agad ng Maynila."Kahit papaano ay lumuwang ang pakiramdam niya sa isipin aalis ito. Mas mabuti, dahil tatawagan niya si Lucas.Hindi rin siya umangal nung pangkuin siya ng lalaki papunta sa ibaba. Basta ang mahalaga ay umalis ito ngayon!"Good morning, Sir."Magkasabay na bati ng mga taong kinuha ni Audric para bantayan siya, alam niya iyon. Kung hindi niya lang alam sana ang rason, baka kiligin pa sana siya. Pero wala na siyang panahon sa kilig na iyan, galit ang nananahan sa puso niya."I'm leaving. Kayo na bahala rito. Report
HINDI na pinansin ni Audric ang sermon ng Ina niya nung dumating ito sa Hospital. Basta lang siyang nagbabantay sa kaniyang anak habang tinitimbang sa isip niya ang sinabi ni Amazi.Patawarin? Hindi mahirap gawin ito. Pero bakit sa tuwing pumapasok sa isipan niyang tinraydor siya ni Lucas at tinago sa kaniya ang sitwasyon ni Ffion, mas lalong namumuhi ang puso niya. Nagagalit. Pero sa sulok ng kaniyang puso, ay nagagalak nang makitang nagbunga ang pagmamahalan nila ni Ffion minsan noon.Kapag tapos na ang lahat ng ito, tatanunin niya ang Ina. Alam niyang alam nito na si Ffion ang nagbigay ng mata para sa kaniya; na kung alam niya lang, hinding-hindi siya papayag!"Ma?" Humarap siya sa Ina."Bakit?" Nayayamot pa rin ito pero hindi na galit. Pusturang-pustura ito at nagsusumigaw na milyones ang palamuti sa katawan na nakakabit."Until now, hindi ko alam sino ang nag-donate sa 'kin ng mata. You never told me. Gusto kong malaman who is the donor.""Why so sudden?""Because I wanna know, M
TULAD nga ng sinabi ni Audric, umalis lang din kaagad ito matapos siyang maihatid sa loob ng bahay. Para lang itong sumilip sa Villa kung andito pa ba siya o ano. Nakakapanibago nga rin dahil malumanay ang boses nito at walang bahid na kung anong galit. Para bang nag-iingat ito na huwag makapagsalita ng masasakit na bagay sa kaniya.Saka naman dumating si Manang Minda pero hindi nito na naabutan si Audric. Nasa kusina siya ngayon. Nakaupo sa upuan at nakikinig kay Joy at Helen na naghahanda ng lunch nila sa araw na ito."Nga pala Manang, nandito si Adi mga kani-kanina lang.""Nasabi niya ba sa 'yo?""Ang alin po?Malungkot na napabuntong-hinga si Manang Minda nang lapitan siya. "Halos wala ng tulog ang batang 'yon. Sa umaga, ang kompanya ang inaasikaso niya at sa gabi, pagbabantay sa anak niyang si Ace sa Hospital.""H-hospital? What do you mean po? May masamang nangyari ba sa anak nila ni Ivony, Manang?!""Sumailalim sa operasyon ang kawawang anak nila, Ineng. Inoperahan pero hindi
AT KUNG saan medyo komportable na si Ffion sa Villa, ay siyang pagbisita naman ng isang panauhin na hindi niya inasahan sa araw na iyon. Isang buwan na ang dumaan at inasahan niya na matatagalan siya sa Villa, pero ang hindi niya inasahan ay ang pagdating ni Ivony!Wala ang dalawang kasam-bahay na si Joy at Helen, sumama ang mga ito kay Manang Minda para bumili ng groceries para sa loob ng isang buwan supply.Si Anna naman, sandali itong nagpunta sa kusina. Nasa veranda siya nang mga sandaling iyon, nagpapahangin. Nakaupo sa rocking chair."Masarap ba mamuhay ng mala-prinsesa, Ffion?"Nahigit niya ang hininga nang magsalita ang tunay na nagmamay-ari kay Audric. Kaagad niyang nasapo ang tiyan."I-ivony...?""Yeah, it's me. Ivony Bustamante! Nakalimutan mo agad ang pangalan ko? Oh yeah, hindi na pala ako dapat magtaka. Bulag ka. Bulag ka dahil binigay mo ang mata mo sa asawa ko, right?""A-asawa?" Tila may kung anong bumikig sa lalamunan ni Ffion."Asawa. Wife. Totoong may bahay ni Audr
"I'm sorry, Ffiona. I'm sorry!" Halos durugin ni Lucas ang sarili sa nararamdaman galit. He's damn fucking mad!Kung hindi siya nadisgrasya at naratay sa Hospital ng ilang linggo at walang malay, wala sa ganitong sitwasyon ang babae. Wala sa loob ng Hospital na ito si Ffion habang nag-aagaw buhay ngayon.Nakatayo lang siya sa labas ng ICU. Nanalangin na sana ay makaligtas si Ffion at ang anak nitong si Gabriella.Kahit medyo hilong-hilo pa siya at hindi pa okay ang kaniyang pakiramdam, pinilit ni ni Lucas na pumunta ng Villa nung sinabi ng dalawang kasam-bahay na wala si Ffion sa Baguio. Pinakuha niya raw ito sa isang gwapong driver at alam niya agad kung sino ang pinupunto ng kasam-bahay.Kakagising lang niya nung isang linggo. Wala naman siyang natamong bone fractured or malalang sugat. Na-comatose lang siya ng ilang linggo at konting galos lang.Dapat nung nakaraan linggo niya pa tawagan ang babae, pero dahil inisip ni Lucas na baka mag-alala si Ffion at hindi nakakabuti sa anak ni
Kahit hinang-hina, pinakiusapan niya si Lucas na dalhin sa kaniya ang anak na si Gabriella. Gusto niya itong mayakap. Gusto niyang damhin ang anak niya. Nagdalawang isip ito nung una, pero sinunod pa rin nito ang pakiusap niya.Pinilit ni Ffion na kumalma pero ang hirap talaga pakalmahin ang sarili. Ne hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makita ang magandang mukha ng kaniyang anak. Magpapaopera pa siya, eh. Magpapaopera pa siya para maalagaan ito mismo. Magpapaopera pa siya para makita ang kagandahan ng kaniyang anak! Pero ano ngayon? Asan na? Asan na?!"Ffiona, nandito na si Gabriella."Napahikbi siya lalo nung marinig niya ang boses ni Lucas. Parang pinipiga ang puso niya sa bawat hakbang na ginawa nito papalapit sa kaniyang gawi.Kalong ni Lucas ang anak niya ngayon. Anak niya na hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na maging Ina nito. Pigil niya ang hininga habang papalapit sa kinauupuan niya ang binata.Ngayon niya naisip na sobrang dilim. Sobra ng dilim ng kani
NAKAHARAP SI FFION sa malaking salamin sa lobby at pinagmamasdan ang kaniyang sarili. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya.Nasa loob siya ngayon ng LaGrande. Hinihintay ang kaniyang amain- no. Hindi amain, kundi ang lalaking umangkin sa kompanya ng kaniyang Ama. Maniningil lang naman siya."Ffion?" Gulat na napahinto sa paglalakad ang lalaki at napatingin sa kaniya."Hi, Tito Pol. Kumusta kayo?" Ngumiti siya nang harapin ito pero hindi ito abot sa kaniyang mata. "Nagulat yata kayo sa biglaan pagbisita ko rito. Don't worry Tito Pol, nandito lang ako para tingnan ang KOMPANYANG binuo ng aking totoong Ama bago ito pumanaw. And now I see it getting bigger and I thank you for that. Napalago mo ang kompanya ng Ama ko. But, mayroon kulang Tito Pol. This company is not yours. Akin ito. But don't be surprised yet Tito, hindi ko pa ito kunin ngayon-ngayon agad. Babalik ako months to claim what's mine.""Are you nuts! Anong kompaniya mo ang pinagsasabi mo?!"
Nanatili pa siya ng isang oras sa sementeryo saka siya nagpasyang nagpaalam kay Gabby at umalis. Hindi siya pwedeng manatili roon ng matagal. Dahil baka bumalik na naman ang lahat-lahat ng sakit sa puso niya at mahirapan na naman siyang bumangon.Ilang buwan din siyang nanatili sa Hospital, o sa madaling salita; Psychiatric Hospital. Nagkaroon siya ng PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder nung mawala ang anak niya. Hirap siyang tanggapin ang pagkawala nito.Naging tulala siya, nagmumukmok sa kwarto at hindi na rin siya kumakain. Panay rin ang kaniyang iyak na halos umabot na sa puntong sinasaktan niya na ang sarili sa labis na pagdadalamhati.Doon nagdesisyon si Lucas na dalhin siya sa Psychiatric Hospital at nagpapasalamat siya kay Lucas dahil diyan. Natanggap niyang wala na si Gabriella pero sa puso niya, nakabaon ang matinding galit. Maghaharap sila ni Ivony, at ni Audric. Maniningil siya.After her treatment, umayos ang kaniyang pakiramdam. Namalagi siya ng ilang linggo sa Baguio