Eksaktong pagsara ng pintuan ay ang pagbagsakan ng mga luha sa kaniyang mata. Kaagad niya itong pinunasan! Sabi ng hindi siya pwedeng maging malungkot at nakakaapekto ito sa anak niya.Inaamin niyang malaki ang kaniyang kasalanan kay Audric pero hindi siya papayag na anak nila ang magiging kabayaran. Mahal niya ito pero kung anak nila ang pag-uusapan, lalabanan niya ang lalaki!Magtutuos sila sa korte kung ito ang gusto nito! Dahil kahit saan tingnan, siya ang mas may karapatan sa bata. Siya ang Ina at siya ang naghirap sa pagdala nito sa tiyan niya!Galit ito, oo.May kasalanan siya, ooPero ang sabihin kukunin papalayo sa kaniya? Magkakamatayan muna sila! Hinding-hindi nito makukuha ang kaniyang anak. May anak na ito kay Ivony, at... Magkasama na ang dalawa. Baka nga nagpakasal na!Kaya wala itong karapatan na kunin sa kaniya ang bata na siyang bagong pausbong na pag-asa niya.Si Lucas! Baka nag-alala na ito sa kaniya ngayon. Hindi niya kasi inakalang kukunin siya ni Audric. Inakala
HINDI makatulog si Ffion, ito ang totoo. Panay ang baling ng kaniyang ulo. Hindi siya komportable sa kaniyang kama. Masyado itong malambot at pati ang kaniyang unan. Pakiramdam niya ay nalulunod siya.Napilitan siyang bumangon at marahan kinapa ang gilid ng kama. Sa sahig na lang siya matutulog."What happened?"Doon lang niya naalalang nasa Villa nga pala siya at kasama niya si Audric sa iisang kwarto pero sa sofa ito nakahiga. Bukas din ay sa ibaba na raw siya matutulog at doon na rin ang silid niya.Pero bukas ay kukulitin niya ulit ito hanggang sa ibalik siya sa Baguio."Hindi ako makatulog. Masyadong malambot ang kama at unan," anas niya at narinig niya ang paghakbang ng paa nito papunta sa pintuan at lumabas.Ano pa nga ba ang aasahan niya kay Audric? Nang makababa siya ng kama, bigla naman bumukas ang pintuan at pumasok ulit doon si Audric. Lumapit ito sa kaniya."Kumuha ako ng mattress sa kabilang silid at ibang unan. Ilagay ko lang ito sa kam—""G-gusto ko sa sahig. Doblehin
"You're awake. Good. Lilipat na tayo sa baba para hindi ka mahirapan gumalaw. May isang nurse na rin sa sala naghihintay at dalawang katulong. Matanda na si Manang Minda, at tanging sa pagluluto lang ng ulam ang gagawin ni Manang." Kaagad siya nitong inalalayan para makaupo."Mas gusto ko pang bumalik ng Baguio, alam mo 'yon!""We'll talk about that. Sa ngayon, ibaba muna kita sa sala at kailangan ko ng umalis. Naghihintay ang chopper sa labas para makabalik agad ng Maynila."Kahit papaano ay lumuwang ang pakiramdam niya sa isipin aalis ito. Mas mabuti, dahil tatawagan niya si Lucas.Hindi rin siya umangal nung pangkuin siya ng lalaki papunta sa ibaba. Basta ang mahalaga ay umalis ito ngayon!"Good morning, Sir."Magkasabay na bati ng mga taong kinuha ni Audric para bantayan siya, alam niya iyon. Kung hindi niya lang alam sana ang rason, baka kiligin pa sana siya. Pero wala na siyang panahon sa kilig na iyan, galit ang nananahan sa puso niya."I'm leaving. Kayo na bahala rito. Report
HINDI na pinansin ni Audric ang sermon ng Ina niya nung dumating ito sa Hospital. Basta lang siyang nagbabantay sa kaniyang anak habang tinitimbang sa isip niya ang sinabi ni Amazi.Patawarin? Hindi mahirap gawin ito. Pero bakit sa tuwing pumapasok sa isipan niyang tinraydor siya ni Lucas at tinago sa kaniya ang sitwasyon ni Ffion, mas lalong namumuhi ang puso niya. Nagagalit. Pero sa sulok ng kaniyang puso, ay nagagalak nang makitang nagbunga ang pagmamahalan nila ni Ffion minsan noon.Kapag tapos na ang lahat ng ito, tatanunin niya ang Ina. Alam niyang alam nito na si Ffion ang nagbigay ng mata para sa kaniya; na kung alam niya lang, hinding-hindi siya papayag!"Ma?" Humarap siya sa Ina."Bakit?" Nayayamot pa rin ito pero hindi na galit. Pusturang-pustura ito at nagsusumigaw na milyones ang palamuti sa katawan na nakakabit."Until now, hindi ko alam sino ang nag-donate sa 'kin ng mata. You never told me. Gusto kong malaman who is the donor.""Why so sudden?""Because I wanna know, M
TULAD nga ng sinabi ni Audric, umalis lang din kaagad ito matapos siyang maihatid sa loob ng bahay. Para lang itong sumilip sa Villa kung andito pa ba siya o ano. Nakakapanibago nga rin dahil malumanay ang boses nito at walang bahid na kung anong galit. Para bang nag-iingat ito na huwag makapagsalita ng masasakit na bagay sa kaniya.Saka naman dumating si Manang Minda pero hindi nito na naabutan si Audric. Nasa kusina siya ngayon. Nakaupo sa upuan at nakikinig kay Joy at Helen na naghahanda ng lunch nila sa araw na ito."Nga pala Manang, nandito si Adi mga kani-kanina lang.""Nasabi niya ba sa 'yo?""Ang alin po?Malungkot na napabuntong-hinga si Manang Minda nang lapitan siya. "Halos wala ng tulog ang batang 'yon. Sa umaga, ang kompanya ang inaasikaso niya at sa gabi, pagbabantay sa anak niyang si Ace sa Hospital.""H-hospital? What do you mean po? May masamang nangyari ba sa anak nila ni Ivony, Manang?!""Sumailalim sa operasyon ang kawawang anak nila, Ineng. Inoperahan pero hindi
AT KUNG saan medyo komportable na si Ffion sa Villa, ay siyang pagbisita naman ng isang panauhin na hindi niya inasahan sa araw na iyon. Isang buwan na ang dumaan at inasahan niya na matatagalan siya sa Villa, pero ang hindi niya inasahan ay ang pagdating ni Ivony!Wala ang dalawang kasam-bahay na si Joy at Helen, sumama ang mga ito kay Manang Minda para bumili ng groceries para sa loob ng isang buwan supply.Si Anna naman, sandali itong nagpunta sa kusina. Nasa veranda siya nang mga sandaling iyon, nagpapahangin. Nakaupo sa rocking chair."Masarap ba mamuhay ng mala-prinsesa, Ffion?"Nahigit niya ang hininga nang magsalita ang tunay na nagmamay-ari kay Audric. Kaagad niyang nasapo ang tiyan."I-ivony...?""Yeah, it's me. Ivony Bustamante! Nakalimutan mo agad ang pangalan ko? Oh yeah, hindi na pala ako dapat magtaka. Bulag ka. Bulag ka dahil binigay mo ang mata mo sa asawa ko, right?""A-asawa?" Tila may kung anong bumikig sa lalamunan ni Ffion."Asawa. Wife. Totoong may bahay ni Audr
"I'm sorry, Ffiona. I'm sorry!" Halos durugin ni Lucas ang sarili sa nararamdaman galit. He's damn fucking mad!Kung hindi siya nadisgrasya at naratay sa Hospital ng ilang linggo at walang malay, wala sa ganitong sitwasyon ang babae. Wala sa loob ng Hospital na ito si Ffion habang nag-aagaw buhay ngayon.Nakatayo lang siya sa labas ng ICU. Nanalangin na sana ay makaligtas si Ffion at ang anak nitong si Gabriella.Kahit medyo hilong-hilo pa siya at hindi pa okay ang kaniyang pakiramdam, pinilit ni ni Lucas na pumunta ng Villa nung sinabi ng dalawang kasam-bahay na wala si Ffion sa Baguio. Pinakuha niya raw ito sa isang gwapong driver at alam niya agad kung sino ang pinupunto ng kasam-bahay.Kakagising lang niya nung isang linggo. Wala naman siyang natamong bone fractured or malalang sugat. Na-comatose lang siya ng ilang linggo at konting galos lang.Dapat nung nakaraan linggo niya pa tawagan ang babae, pero dahil inisip ni Lucas na baka mag-alala si Ffion at hindi nakakabuti sa anak ni
Kahit hinang-hina, pinakiusapan niya si Lucas na dalhin sa kaniya ang anak na si Gabriella. Gusto niya itong mayakap. Gusto niyang damhin ang anak niya. Nagdalawang isip ito nung una, pero sinunod pa rin nito ang pakiusap niya.Pinilit ni Ffion na kumalma pero ang hirap talaga pakalmahin ang sarili. Ne hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makita ang magandang mukha ng kaniyang anak. Magpapaopera pa siya, eh. Magpapaopera pa siya para maalagaan ito mismo. Magpapaopera pa siya para makita ang kagandahan ng kaniyang anak! Pero ano ngayon? Asan na? Asan na?!"Ffiona, nandito na si Gabriella."Napahikbi siya lalo nung marinig niya ang boses ni Lucas. Parang pinipiga ang puso niya sa bawat hakbang na ginawa nito papalapit sa kaniyang gawi.Kalong ni Lucas ang anak niya ngayon. Anak niya na hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na maging Ina nito. Pigil niya ang hininga habang papalapit sa kinauupuan niya ang binata.Ngayon niya naisip na sobrang dilim. Sobra ng dilim ng kani