HINDI siya makapag-focus sa nire-review niyang mga documents na binigay sa kaniya ng kliyente. Isa itong murder case at mabilis lang sa kaniya na resolbahin ito pero ang kaniyang isip ay nasa kay Ffiona.Napahugot siya ng malalim na hangin. Pinupuno niya ang kaniyang baga at siguro nga, totoong nababaliw na siya. Nababaliw pa rin siya sa babae.Tumunog ang kaniyang phone, kaagad niya itong kinuha at sinagot ang tawag. "Good day, Dr. Hayes.""I have a good news for you."Nagliwanag sandali ang kaniyang mata. Si Dr. Hayes ay matalik na kaibigan ng pinsan niyang si Farhistt Fortocarerro. Pinsan sila sa side ng kaniyang Ina. Si Farhistt din ang nag-recommend sa kaniya na tawagan niya si Dr. Hudson Hayes at matutulungan siya ng Doctor."What is it? May eye donor na ba?""Yes we have. Ang kailangan na lang ay ang pasyente. Bring her to me so my Doctor can examine her. Hindi ako personal na mag-examine ng mga pasyente as I'm busy taking good care of my pregnant wife, Abhaya.""Noted, D
Mabilis niyang niyakap ang tuta at inamoy ang malambot na balahibo nito. Ang bango naman! Parang umabot hanggang langit ang kaniyang saya sa araw na iyon. Sino ba naman kasi ang hindi? Totoong na-apprreciate niya ang binigay ni Lucas."Gusto mo sabihin ko kung anong klaseng tuta 'yan, ha, Ffiona?""No please." Ngumiti siya kay Lucas. "Ako na ang kumilala kong anong puppy ito." Tumahol naman ang tuta sa kaniyang sinabi at hinalikan siya sa pisngi. Ang cute naman!"Okay-okay, hindi ko na sasabihin." Ginulo naman ni Lucas ang kaniyang buhok at agad siyang inakbayan.Hindi niya na binigyan ng meaning iyon. Ganito na talaga si Lucas lalo na nung nabulag siya, parang way na nito iyon para alalayan siya."Tara sa kusina, titimplahan kita ng kape.""Hindi na, Ffiona. Dumaan na ako sa isang coffee shop. Katunayan niyan, ako ang magluluto ng hapunan natin sa gabing ito.""Nakakahiya naman.""Don't be. Bisita kita rito, Ffiona. Tara, sa kusina tayo at tuturuan kita para mamemorya mo ang mga kaga
Mapait siyang ngumiti habang pumapatak ang kaniyang luha. Buntis siya. Oo. Buntis siya, alam niya na ito nung nakaraan linggo at ando'n pa siya kina Manang Minda.Isa ito sa rason kung bakit ayaw niyang sumailalim sa ibang operasyon. Dala-dala niya ang anak nila ni Audric na hindi nito malalaman na may anak silang dalawa.Buntis siya at bawal. Ngayon nandito si Lucas, baka maghinala itong buntis nga siya. Sasabihin niya ba?"Ffiona…"Tapos na siya magduwal pero nanghihina pa rin. Pinunasan niya ang kaniyang bibig."Lucas... May sasabihin ako."Narinig niya ang paghugot nito ng hangin. Nararamdaman niyang kinabahan ito sa maari niyang sasabihin pero imbes na mag-alala siya sa magiging reaksyon nito na dala niya ang anak nila ngayon ni Audric, niyakap lang siya nito."You're pregnant, right, Ffiona?" Halos pabulong na lang iyon na anas ni Lucas.Hindi siya kaagad nakasagot. Ang tanging nakakaalam na buntis siya ay si Manang Minda dahil ang matanda ang bumili ng pregnancy test para sa k
Kapagkuwan ay tinawagan niya si Lucas. Ang matalik niyang kaibigan."Anong bagong balita?""Naayos ko na ang pinagawa mo. Everything is settled. Inaayos ko na lang ang mga papers para tuluyan ma-annulled ang kasal niyo ni Ffiona.""Great to hear that. Maasahan talaga kita.""Yeah. I'm your best friend, Audric."Sumang-ayon lang siya sa sinabi ng kaniyang matalik na kaibigan at kaagad na pinatayan ito ng tawag. Alam niyang kaya itong gawan ng paraan ni Lucas. Kailangan niya ng putulin ang anuman relasyon meron sila ng babaeng natutunan niyang mahalin.Napabuntong-hinga siya. Paano ba kalimutan?! Sa bawat pagpikit niya ng mata, sa bawat tingin niya sa paligid, masasayang tawa ni Ffion ang nakikita at naririnig sa kaniyang isipan.Ito pa rin ang tinitibok ng putang-inang puso niya pero buburahin niya si Ffion sa kaniyang sistema. Ang mga alaala na kasama niya ito sa Villa ay buburahin niya na parang corrupted files sa utak niya at puso.Mahal niya si Ffion. Minahal niya na ito. At hindi
MABILIS na lumipas ang anim na buwan. Malaki na ang kaniyang tiyan at ayon sa ultrasound nung sinamahan siya ni Lucas sa kaibigan nitong obgyne, babae ang anak nila ni Audric.Halos walang paglagyan ang luha niya nung mga sandaling iyon na malaman na babae ang kaniyang anak. Ngayon pa lang, excited na siya na maisilang ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Ang laki-laki na ng utang na loob niya kay Lucas. Kung wala ito, baka sa kangkungan siya aabutin dahil sa kaniyang kalagayan.Nung unang semister ng pagbubuntis niya, hirap na hirap si Lucas sakyan ang kaniyang bawat gusto at mga cravings. Ito na halos gumawa lahat-lahat! Sensitibo kasi ang kaniyang pagbubuntis kaya sinabi ng kaniyang doctor ay dapat mag-iingat siya lagi lalo na at may deperensya ang kaniyang paningin.Napapagkamalan na nga sila ni Lucas na mag-asawa ng mga kapitbahay nilang tsismosa pero okay lang. May dalawa rin kasambahay na kinuha si Lucas para raw hindi siya mapagod. Nung una, umayaw siya pero nung nalaman niya
Sunod-sunod na napailing si Audric. May ideya na pumasok sa isipan niya pero hindi ito kayang iproseso ng kaniyang utak."Lucas? Bakit ayaw mo sumagot?" Natatawang saad nito at marahan humakbang papalapit sa kaniya. Nangangapa ang kamay. "Ano? Napepe ka na naman diyan?"Bigla siyang naging tuod nang dahan-dahan kapain ni Ffion ang kaniyang mukha. Hindi niya namalayan na nahigit niya ang kaniyang hininga sa ginawa nito at kasunod niyon ay ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata na hindi niya namalayan."Let me guess, may pakulo ka na naman Lucasio, 'no?" Kasunod niyon ay ang mahinang pagtawa nito.Ffion...Marahas niyang tinanggal ang kamay nito nang makabawi siya at napaatras. Parang sasabog ang puso niya sa lakas ng kabog nito, na halos ikabingi ng kaniyang magkabilang teynga."A-audric...?"Nang banggitin ni Ffion ang pangalan niya, doon lang napansin ni Audric na matagal niyang nahigit ang kaniyang hininga. Para siyang naparalisado. Hindi niya magawang itaas ang kamay saktan ito.
PANGATLONG araw. Pangatlong araw na walang Lucas pero okay lang, tumatawag naman ang binata sa kaniya at kinakamusta siya. Tinatanong din nito kung okay lang ba ang baby niya at hindi ba raw siya pinapahirapan. Baliw talaga 'tong si Lucas minsan. Ang galing nito magbigay ng ngiti sa labi niya.Hinaplos niya ang kaniyang tiyan. Thankful siya at hindi na rin lumitaw pa si Audric. Inisip niyang isa lang iyong guni-guni at hindi naman talaga totoong nangyaring lumitaw sa harapan niya ito.Malabo!At ngayon, nasa bakuran siya ulit. Andoon siya sa bench nakaupo at pinakiramdaman ang lamig ng klima ng Baguio. Nasa likuran niya lang si Adeng at sa tabi niya ay si Yona.Kapagkuwan ay biglang tumunog ang telephone sa sala. Siya sana ang tatayo dahil alam niyang si Lucas ito pero pinakiusapan siya ni Adeng na ito na ang sasagot para 'di siya mahirapan. Tumango lang siya at ngumiti at hinayaan ang kasam-bahay. Bigla, na-miss niya sa katauhan nito si Mhae at Joan. Kumusta na kaya ang dalawang 'yon
Naunang bumaba si Audric at pinagbuksan niya ng pintuan ang kaniyang ex-wife. Nasa Villa sila ulit ng San Mateo. Ipaalala niya rito ang mga sandaling magkasama sila.Gusto niya gisingin ang mahimbing na pagkakatulog ng kaniyang dating asawa pero parang may kung ano na humaplos sa puso niya nang pagmasdan niya ang kagandahan nito."Sir?" Untag sa kaniya ng PI.Kaagad niyang pinilig ang ulo. "You can go now. I'll send the payment right away," anas niya ng balingan ito.Napangiti ito at kaagad na umalis habang si Audric ay mabilis na binalik ang tingin niya sa babaeng natutulog pa rin.Ffion...Gusto niya itong gisingin pero naiiwan sa kaniyang lalamunan ang boses niya sa tuwing susubukan niyang ibuka ang bibig. Nasabunot na lang niya ang buhok at ilang beses na humugot ng hangin. Lalo na nung tumama ang mata niya sa bilog na bilog na tiyan ng kaniyang ex-wife. Napakuyom siya ng kamao. Bakit siya itong nasasaktan ngayon?Ang pasyang buhatin ito ay ang ginawa niya. Mahimbing na mahimbing