Dumating sa bahay nila si Yanah na tila wala sa sarili. Ayaw niyang makita siya ng mga magulang kaya sa likuran siya ng bahay nila dumaan.Dahan-dahan na pumanhik siya sa hagdanan, dahil naririnig niyang may kausap pa sa phone ang mommy niya."Where have you been?" Napalundag siya sa gulat nang marinig ang boses ng daddy niya kaya napalingon tuloy ang mommy niya sa deriksyon nila."Daddy! Bakit ka ba bigla-bigla na lang sumusulpot at nanggugulat?" Singhal niya sa nakatawang ama habang nakahawak siya sa dibdib niya. "Bakit ka ba kasi umaakyat na parang magnanakaw? Nakalimutan mo ba na bahay mo 'to?" Napapailing na kantiyaw ng daddy niya. Napanguso na lang siya sa sinabi nito."Ivy Yanah, katatawag lang ni Kylle ngayon. Hinahanap ka. Iniwan mo daw siya sa resort? Ano bang nakain mong bata ka at iniwan mo siya doon?" Nakataas ang kilay ng mommy niya habang papalapit sa kanila."Makabata ka naman, Mom, wagas! Malapit mo na nga akong ipakasal kay Kylle." Umirap siya at hindi sinagot ang
Nasa hapag-kainan ang lahat habang nagkukwento at magana sa pagkain. Nagkukulitan din ang Mommy Messy at Mommy Megun nina Yanah at Kylle. Ang mga Daddy naman nila ay seryoso lang ito na nag-uusap tungkol sa business nila.Si Yanah at Kylle ay nagpapakiramdaman lang sa isa't-isa. Kapag kuwa'y nagpunas ng bibig si Kylle gamit ang tissue. Pagkatapos tumikhim ito para makuha ang atensyon ng lahat, "I would like to inform you, Tito Miguel and Tita Messy, that I want to marry Yanah as soon as possible, that's why we are here."Halos mabulunan si Yanah ng marinig ang sinabi nito, kaya napunta sa kanya ang mga mata ng lahat. Nag-peace sign lang siya at mabilis na kinuha ang tubig sa harapan niya. Nakita niyang napa-smirk si Kylle kaya nagpupuyos sa inis ang kalooban niya."Huwag na kayong mag-alala sa preparasyon, Mars. Ready na ang lahat. Bago kami pumunta dito, ginawa na namin ang mga dapat gawin. At kayo ang gagawin nyo na lang ay ang pagsipot sa simbahan." Wika ni Mrs Roshan na tila exc
"Mars, takbo!" Bulong ni Marian at mabilis na tumakbo sa direksyon ng punong mangga na kapantay ng bakod nila Emerald.Mabilis naman na kumilos si Yanah pasunod kay Marian, tinalon nila ang matayog na puno at mabilis na sumampa sa gate nila Emerald."Run away, Mars" Nakangising wika ni Yanah at kasabay ni Marian na tumalon sa bakod palabas ng bahay nila Emerald."Safety!" Bulalas ni Marian ng lumapag ang mga paa nila sa sahig. Nag- high five pa sila at mabilis na sumakay sa dalang motorsiklo ni Yanah. Hindi kasi ito nagdala ng car ng pumunta siya kina Emerald dahil traffic sa lansangan kapag gabi. Tumakas nga lang siya sa bahay nila kanina dahil ayaw nitong makaharap si Kylle ngunit nasundan pala siya. Mabuti na lang pala talaga at sa labas niya lang ito pinark kanina. Girl Instinct."Bakit ba laging nakabuntot ang mga lalaking yan sa atin? Wala na tayong privacy! God!" Nagmamaktol na sabi ni Marian."Ewan ko ba sa tatlong tukmol na mga yan! Parang engot!" Binigay niya ang extra he
Poot, galit, hinanakit at pagkamuhi ang nangibabaw sa puso ni Marian. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit at ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon ay ang paghihiganti. "Kung sino man ang lapastangan sa mommy ko, magtago ka na! Dahil kahit magtago ka man sa saya ng demonyo, lintik lang ang walang ganti sayo!" Naninigas ang mga panga niya dahil sa gigil habang pinapa-cremate ang mommy niya.Hindi niya kayang pagmasdan ang mommy niya na nasa kabaong kaya minabuti niyang gawing abo ang bangkay ng ina niya.Halos hindi tumitigil sa pagpatak ang mga luha sa pisngi niya. Tahimik lang siya habang umiiyak habang hinihintay ang abo ng ina.Nasa tabi niya sina Yanah at Drix, kahit hindi niya kinakausap ang mga ito hindi pa rin siya iniwan at pinabayaan. Si Emerald ay umuwi na muna kasi nga hindi siya pwedeng mag puyat dahil nga sa buntis ito.Tahimik lang ang dalawa habang nagtatagis ang mga bagang sa sinapit ng pamilya niya. Ang malakas na ringtone ng phone niya ang bumasag sa katahimi
WARNING: RATED SPGIsang linggo na ang lumipas ng mamatay ang mommy ni Marian. Hindi iniwan ni Yanah ang kaibigan, ganun din si Emerald kahit hirap ito sa pagbubuntis nito.Ginawa din ng organisasyon ang lahat ng makakaya nila para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpaslang.Hindi naman sila nabigo dahil nalaman nilang isang alyas catwoman ang mastermind ng krimen.Ang sabi ng daddy niya, si catwoman ay isang babaeng tuso at gahaman sa negosyo. Matagal din itong nawala at ngayon lang ulit nagparamdam. Wala din itong sinasanto kapag pumatay ng tao. Nasa harapan siya ngayon ng laptop niya at katatapos lang na basahin ang impormasyon tungkol dito na bigay ng mga informer nila ngunit wala itong totoong pagkakakilanlan."Catwoman, catwoman… " Paulit-ulit na binubulong niya sa isipan habang pinaglalaruan ng kamay niya ang pen na hawak niya. "I promise to ruin your life whoever you are." Bulong niya sa isip. Nasa underground siya ngayon, konektado sa kwarto niya. Doon ang mini office n
Nasa Hernandez residence siya ngayon upang saksihan ang kasal ng matalik niyang kaibigan. Si Yanah at Kylle. Masaya siya para sa bestfriend niya. Kahit fix marriage lang ang pagpapakasal ng mga ito alam niya may tinatago ang dalawa na special na damdamin para sa isa't-isa. Isang simpleng kasalan lang ang naganap, malalapit na mga kamag-anak at kaibigan lang ang mga dumalo. "You may now kiss your wife." Wika ng judge na nagkakasal sa mga ito. Kitang-kita niya ang pagkataranta ng kaibigan na kinahalakhak niya. Napapailing na lang siya ng magtama ang mata nila ni Yanah dahil lumingon muna ito sa kinauupuan nila. Si Emerald naman ay nagpapadyak ang mga paa dahil sa kilig habang nakatingin sa newly wed."Mars, may asawa na talaga siya. Mas nauna pa siya sa atin." Naiiyak na wika ni Emerald sa tabi niya. Natawa siya sa akto ng buntis, "Huwag kang mag-alala, ikaw na ang susunod niyan. Syempre, alangan naman na lalabas si Baby na di pa kayo kasal ni Sean." Hinaplos niya ito sa likuran.
"Saan ka na namaan pupunta, Paolo? Bakit mo na naman dala-dala ang mga gamit mo?" Umalingawngaw ang ma- awtoridad na boses ni Amanda sa buong pasilyo ng Mansyon ng makita niya ang asawa na papalabas ng main door nila.Hindi kasi niya pwedeng ikulong ito lalo na umuuwi ang anak niya tuwing gabi. Gustuhin man niya itong pahirapan ngunit ayaw niyang magalit sa kanya ang anak. Huminto ito sa paglalakad ngunit hindi lumingon sa kanya. "Aalis na ako dito at ito na ang huling araw na pakikialaman mo pa ang buhay ko. Hindi mo na ako matatakot pa, Amanda. Kung gusto mo ng patayan, makikipagsabayan na ako sayo. Tandaan mo yan!" Naglakad ulit ito na walang kahit anong takot at pag-aalinlangan.Kumulo bigla ang dugo niya, "Huh! Ang lakas na ng loob mong punyeta ka! How dare you! Hindi ka makakaalis ng buhay dito, Paolo. Over my dead body!" Gigil na sigaw nito habang nakasunod sa papalayong lalaki. Ang mga goons na paparoo't parito ay naka alerto na at naghihintay na lang sa utos niya."Then kil
WARNING: RATED SPGAng bagong kasal ay dumeritso na sa exclusive subdivision na regalo ng mga magulang ni Kylle.Ang kaba, pangamba at takot ni Yanah ay walang pagsidlan ngunit umakto siya ng normal at parang wala lang sa kanya ang lahat. Hindi siya nagpahalata na apektado siya na makakasama na niya sa araw-araw ang lalaking gusto na sana niyang iwasan mula ng may mangyari sa kanilang dalawa. Pareho sila na hindi sumang- ayon sa honeymoon na ipinagpipilitan ng mga magulang nila sa kanila. Kaya wala din nagawa ang mga ito.Ayaw nilang iwan ang obligasyon na ipinamana sa kanilang dalawa ng mga magulang nila, lalo na ngayon na maraming mga bata na naman ang mga nawawala dahil gumagalaw na naman ang mga kidnapers. Pumasok siya sa silid na sinabi ni Kylle sa kanya, ngayon lang talaga nag-sink in sa kanya ang lahat. May asawa na siya, hindi na siya mag-iisa sa kwarto niya."Asawa." Bulong niya sa hangin. Instant!Magtatabi nga ba talaga sila sa higaan? Napunta ang tingin niya sa ma