Share

CHAPTER 39 CORNER

Dumating sa bahay nila si Yanah na tila wala sa sarili. Ayaw niyang makita siya ng mga magulang kaya sa likuran siya ng bahay nila dumaan.

Dahan-dahan na pumanhik siya sa hagdanan, dahil naririnig niyang may kausap pa sa phone ang mommy niya.

"Where have you been?" Napalundag siya sa gulat nang marinig ang boses ng daddy niya kaya napalingon tuloy ang mommy niya sa deriksyon nila.

"Daddy! Bakit ka ba bigla-bigla na lang sumusulpot at nanggugulat?" Singhal niya sa nakatawang ama habang nakahawak siya sa dibdib niya.

"Bakit ka ba kasi umaakyat na parang magnanakaw? Nakalimutan mo ba na bahay mo 'to?" Napapailing na kantiyaw ng daddy niya.

Napanguso na lang siya sa sinabi nito.

"Ivy Yanah, katatawag lang ni Kylle ngayon. Hinahanap ka. Iniwan mo daw siya sa resort? Ano bang nakain mong bata ka at iniwan mo siya doon?" Nakataas ang kilay ng mommy niya habang papalapit sa kanila.

"Makabata ka naman, Mom, wagas! Malapit mo na nga akong ipakasal kay Kylle." Umirap siya at hindi sinagot ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status