AKHIRO:NAPAPAHILOT AKO SA sentido habang nakatapat sa laptop ko at kausap sa kabilang linya si Marcus. Kung ako lang ay masaya ako. Masayang-masaya na malamang may magiging apo na kami ng asawa ko. Ang problema? Si Moira. Paniguradong bubuga na naman ng apoy ang dragona namin kapag malaman nitong nakabuntis na ang bunso namin at nagpaplanong magpakasal bago magsilang si Jessica. Wala namang problema sa akin kung 'yon na ang gustong tahakin ni Marcus na buhay. Ang mahalaga naman sa akin ay hindi nagiging pariwara ang buhay ng mga anak ko at kita ko namang nagsusumikap din doon si Marcus na palaguin ang coffeeshop ng Kuya Angelo nito. Dahil ang magaling naming dragona ay kinuha lang naman lahat ng cards ng bunso namin sa pag-aakala nitong hindi kakayanin ni Marcus mamuhay na gipit sa salapi."Congratulations, son. I'm happy for the both of you," ngumiti itong tumango. Base sa paligid nito ay nasa coffeeshop na naman ito kasama si Jessica. "Thanks, Dad. Kayo na pong bahala sa reyna
MARCUS:SIMPLENG GARDEN wedding lang ang tema ng kasal namin ni Jessica na ginanap dito mismo sa bakuran ng kanilang bahay. Kami-kami lang ding pamilya ang bisita at mga empleyado namin sa shop dahil pinanatili naming pribado ang pagpapakasal namin.Napapailing na lamang ako sa pinal na pahayag ni Mommy Moi na uuwi na kami ni Jessica ng bansa kasabay nila at doon manirahan sa mansion. Gusto din naman pala ng apo mula sa akin. Ayaw pang aminin. Tss. Nangilid ang luha kong matamang nakatitig kay Jessica na suot ang trahe de bora nitong napili namin. Katulad ng suot ko'y simpleng white gown lang ito na off shoulder at abot hanggang gitnang binti nito ang manggas. Malalaki ang hakbang kong sinalubong na ito at mahigpit niyakap na tuluyang ikinahikbi ko sa balikat nito. Napapalakpak naman sa amin ang mga kasama namin dito na napatayo sa kanilang upuan. "Hwag ka ngang umiyak. Para namang pinikot kita," natatawang saad nito na pinahid ang luha ko. Napalabi akong ikinahagikhik nitong na
[I GOT YOU, BOSS ARROGANT]AKHIRO:"Ayo'ko na, dude. . . nahihilo na ako," awat ko kay Jeffrey na bestfriend ko sa muling pag-abot nito sa akin ng beer in can habang nagmamaneho. KASALUKUYAN kaming nasa kalagitnaan ng kalsadang sinuong namin para mag-drive-test ng bagong bili ni daddy sa aking sportscar. Hindi na nga namin alam kung saang probinsya kami napadpad."Ang hina mo naman, dude. Nakakailang can ka pa nga lang," iiling-iling saad nito.Napasapo ako ng noo. Pinagpapawisan na ako kahit nakabukas ang aircon. Madilim na at nasa liblib kaming lugar paluwas na ng syudad."Bilisan mo na nga lang. Malalagot na ako kina Mommy nito. Inabot na tayo ng isang araw sa pagro-road-trip natin," reklamo ko at ini-slide na pahiga ang upuan ko. Inaantok na rin ako dala ng nainom kong beer at pagod sa maghapong byahe namin."Okay heto na!" anito na mas binilisan nga ang pagmamaneho.Napadantay ako ng braso sa noo at ipinikit na ang mga mata kong namimigat na.BLLAAAAGGGGG!!Napabalikwas ako ng
10 YEARS LATER AKHIRO:KABADO AKONG paglakad-lakad habang matamang naghihintay sa bride ko dito sa harapan ng cathedral na pinili naming pagdadausan ng kasal namin. Si Aliyah Atayde. Ang 10 years long time girlfriend ko since first year college. Nandidito na rin lahat ng malalaking tao na invited sa much awaited wedding ng taon dahil kilala ang angkan namin sa publiko dito sa bansa maging abroad. Ang Montereal family na mistulang royal family ng bansa. Nagkalat na rin ang media dahil naka-live broadcast ang kasal naming inaabangan din ng publiko."Relax, Kuya. Hindi na maipinta ang mukha mo. Baka lalong mag-back-out si Ate Aliyah na makitang nalulukot na ang gwapong mukha mo sa araw ng kasal niyo," natatawang bulong ng nakababatang kakambal kong si Danica."You're not helping," inis kong sikmat.Napahagikhik lang naman itong napa -piece-sign sa akin na lumapit na sa kumpulan ng mga abay na mga pinsan din namin. Napairap ako dito na iiling-iling.Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko d
AKHIRO:NAPAPANGUSO AKONG kunot ang noo na pinapasadaan ang mga resume ng mga aplikante para maging bagong secretary ko. Napahinga ng malalim si Divina. Ang longtime secretary ko since nag-umpisa akong maging CEO ng A'M Empire Group of Company. Isa sa mga nangunguna ngayong business nationwide at maging sa Asia ay kilala na ang kumpanyang sariling pawis kong itinayo. Labinlimang taon na ang nakalipas.Bumagsak ang sales ng kumpanya sa nangyaring scandal ko, limang taon na ang nakakaraan dahil sa pagtakbo ng ex bride ko sa araw mismo ng kasal namin. Maraming investors ko ang nagsi-back-out na ikinalugi ng kumpanya ko. Idagdag pang na-depressed ako sa kahihiyang inabot ko. Pero sa tulong ng buong angkan ko lalo na ang mga magulang ko ay unti-unti akong nakabangon.At ngayo'y masasabi kong isa na akong successful business man nationwide at nakikilala na rin worldwide. Hindi na ako sumubok pang muli na pumasok sa relasyon. Sakit lang sa ulo ang mga babae. Panira lang sila sa buhay. Nag-
MOIRA:NAPANGITI AKONG mas nagsumiksik pa sa kinasusubsuban kong mainit na bagay. Ipares pa ang napakalambot na kamang kinahihigaan ko. Napamulat ako nang gumalaw ito at bumungad ang pigura ng lalakeng. . . hubot-hubad!?Naalarma akong napatayo at napatili nang makitang maging ako'y hubot-hubad din! Mabuti na lang at napakahimbing pa rin ng tulog nito. Tumulo ang luha ko at napasabunot sa ulo na iginala ang paningin sa paligid!"Ang tanga-tanga mo talaga, Moi! Paano ka naiuwi ng lalake!?" singhal ko sa sarili na napapasabunot ng buhok. Maingat akong bumaba ng kama at isa-isang pinulot ang mga damit at underwear kong nagkalat sa sahig. Muli kong nilingon ang binatang katabi ko. Unti-unting nag-flash sa akin ang mga nangyari kagabi. Napasapo ako ng noo at nanghihinang napaupo sa gilid ng kama habang matamang nakatitig dito na nahihimbing.Kagabi ay lumabas kami ng mga katrabaho ko sa Mondragon's Corporation dahil ililipat na ako ng dating boss kong si Sir Andrei Mondragon. Ang sabi n
MOIRA:NAMUTLA AKO NA makumpirmang siya ang lalakeng kanina lang ay kasa-kasama ko sa kama ng hubot-hubad! Kung ganon ako 'yong lintek na nilalang na binanggit niyang nagpaalaga sa kanya at ano daw . . .? Plano siyang pikutin kaya nagtulog-tulugan at naghubad na nakitabi sa kanya?! Napakuyom ako ng kamao na matamang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang naniningkit lalo."M-Magkakilala kayo?" ani Ms Divina na palipat-lipat ng tingin sa amin ni boss."Ahem! No." Agad nitong sagot na nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. Iniabot naman ni Ms Divina ang resume ko bago nagtungo sa pantry nitong opisina para igawa ng kape ang boss namin. Saksakan nga ng kakisigan at kagwapuhan pero saksakan din ng pagka-arogante at kasungitan. Salubong pa ang itim na itim at malagong kilay nitong bumagay sa chinito at kulay abong mga mata. Kahit mga pilikmata ay mahaba na makapal!Nag-angat ito ng mukha na napataas ang mga kilay na mahuli akong pinagmamasdan ito. Pinamulaan tuloy ako ng pisngi na ikinangi
MOIRA:MAAGA pa lang ay pumasok na ako ng trabaho dahil ayo'ko ng ma-late muli. Tama na ang minsang nakaligtas akong na-late ako pero swerteng late din ang boss ko.Pag-upo ko pa lang sa swivel chair ko dito sa table kong katapat ng pinto ng opisina ni boss arrogant ay tumunog na ang intercom ko."Ms De Guzman, prepared my coffee." Namilog ang mga mata kong nandidito na ito ng ganto kaaga! Taranta akong tumayo at kumatok muna ng pinto nito bago pinihit ang doorknob at pumasok. Tumuloy na ako ng pantry nito at napasapo ng noo na maalalang hindi ko nga pala alam kung anong uri ng kape ang gusto nito."Bahala na." Nagtimpla ako ng caramel coffee at maingat dinala sa kinaroroonan nito. As usual, nakabusangot at salubong na naman ang mga kilay nitong naka-focus sa mga papeles na binabasa. Tss. Hindi ba nangangawit ang mga kilay niyang lagi na lang salubong?"Good morning, Sir. Kape niyo po." Maingat kong inilapag sa harap nito ang kapeng gawa ko at piping nagdarasal na magustuhan nito.