Dinalaw ni Sandra ang bata sa ospital. Gising pa ito ng datnan niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng bata na parang iyon na ang huli nilang pagkikita.“Mommy, let’s go home! I don’t want here anymore!”“Doctors won’t allow us to go home because you are still sick. You head is still aching. Do you want it to get worst?” Umiling ang bata. Hinalikan nito ang kanyang maliit na kamay at hindi na niya napigilan ang kanyang luha.“Mommy, don’t cry. Promise, I will be a good boy. I will be strong and I will stay healthy.” Tumango ang bata.“Mommy is happy, Alexi. That’s my boy, healthy and strong.” Ngumiti ang bata pero halos madurog ang puso niya.Hinayaan ni Sandra na magkuwento ang anak. Halos memorized na nito ang Sleeping Beauty. Pumalakpak siya ng matapos itong magkuwento. Saglit lang ay humikab na siya. Nasa likuran na niya ang caregiver at ang kanyang ama.Mahigpit na niyakap ni Rico ang kanyang anak. Inilabas muna niya ito upang huwag lalong panghinaan ng loob sa kanyang nakik
Pinuntahan ni Chandler ang kapatid sa ospital upang komprontahin ito sa hindi niya pagsipot sa usapan. Nagmamadali si Sandra sa paglalakad. May nangyaring hindi alam ng kapatid. Something happened to her pero hidni niya alam kung may kaugnayan sa plano nilang surrogacy. Nagkaroon ng sagutan ang magkapatid sa pasilyo ng ospital. Iniiwasan kasi ni Sandra ang kapatid hanggang sa huminto ito sa lugar na hindi masyadong dinadanan ng mga tao.“Sabihin mo sa akin kung magba-back out ka na.” Halos mahinang boses nito ngunit titig na titig ang mga mat ani Chandler.“Nag-iisip pa ako. Lalo akong hindi makapag-isip kapag minamadali ako. Napi-pressure ako sa iyo.” Iyon ang totoong nararamdaman niya.“Bumaba na sa puwesto si Montague para lang pumayag ka. Monarch has it. Ano pa bang gustong gawin namin? You had money to continue the operation as soon as possible and we’re only asking you is to bear a child for us.”“At anong ibig mong sabihin? Utang na loob ko na bumaba siya sa puwesto ganoon ba?
“Hindi kilala ni Sandra ang ama ng bata. Wala siyang maalala sa nangyari sa kanya sa Club Rama.”“All this time? Hindi niya kilala?”“She cannot remember anything about what happened. At wala siyang planong alamin kung sino ang lalaking iyon.Kung ako sa iyo, tatahimik na lang ako. Malaki ang mawawala sa iyo kapag tuluyang nalaman ni Montague ang buong katotohanan. Makakaladkad pa ang pangalan niya kapag sinampahan ng kaso ni Sandra ang asawa mo.”“Anong gagawin mo? Hindi mo ba siya pipigilan?”“Malaya si Sandra na gawin ang gusto niya para makamit ang hustisya. That’s a clever way to get rid of him. Malay mo, may plano pala si Montague na gawing huling babae niya si Sandra.”Tumalikod ang lalaki at nagkibit-balikat.“Hindi niya puwedeng gawin iyan kay Sandra. Mahal ako ni Montague!”“Are you sure that she loves you because you are Chandler? Liar!” “I don’t easily give up on my woman, Chandler. Matalinong babae si Sandra at hinding hindi siya papatol sa may – asawang tulad ni Montague
Nagtataka si Chandler kumbakit hindi niya nakokontak ang ina. Inisip niyang nagbakasyon sila ng kanyang kinakasama at hindi naman nagsabi sa kanya. Bigla niyang maririnig ang ina na kailangang alisin sa landas nila ang bata.“Hindi po puwede ng ganoon kadali, Mama. Hindi pa kami sigurado kung successful ang insemination niya.” Lalong nag-aalala si Madonna sa kanyang nakita.“Anong plano mo?”“I’ll assure you that no one beats Chandler. Hindi ako patatalo kahit magsama-sama sila. Kahit magkampi-kampihan pa sila.” Halatang galit ang babae.Yumakap si Chandler sa ina. Hindi niya magawang magsumbong sa ginagawang pagpapahirap sa kanya ni Montague.“What’s wrong?” Alam ni Madonna na may dinadaramdam ang anak kapag panay ang yakap nito. Para pa rin itong bata kung maglambing.“I missed you so much, Mama.”“Hay naku, miss mo lang pala ako. Akala ko naman maghihiwalay na kayo ni Montague.” Bigla nitong nasabi. “Joke! Joke! Joke!”Sumimangot si Chandler sa joke ng ina.Hinayaan ni Monarch si S
Matapos ang kaarawan ng bata ay naging madalas ang pagpunta ni Chandler sa ospital. Ipinapakita niya ang suporta sa kanyang kapatid upang makita rin sa ama na may malasakit ito sa kapakanan ng bata at ng kapatid. Napansin ng ama ang benda nito sa daliri.“Napaano ba ang daliri mo?”“Got a little sprain here.” Pagtatakip nito habang trying hard na mag-make face upang mapatawa ang pamangkin.Inosenteng nakatingin ang bata sa kanya at hindi naman masyadong magri-react sa kanyang ginagawa.“Salamat pala sa pagpunta ninyo ni Montague. Balita ko sa doktor ay malaki ang tulong ninyong mag-asawa sa isasagawang operasyon kay Alexi. ” Alam niya kung ano ang tinutukoy ng ama.Napansin ni Rico na kumukuha ng video ni Alexi ang anak. Nakangiti si Chandler habang pinapanuod ito.“Masaya sigurong magkaroon ng bata sa bahay?”tanong ng babae. Ramdam ni Rico ang lungkot sa anak.“Pasasaan ba’t magkakaroon din kayo ng anak ni Montague,”seryosong tugon ng ama.“Say “Hi” Mommy! Say hi!” Inulit naman ni Al
“Go to Brazil and come back until I tell you!”“Mama…”“Makinig ka muna sa akin, Monarch. Please pakiusap. Sundin mo muna ako. Ayokong madamay ka sa mga plano no Chandler. She is cooking up something and I want you to stay out of trouble.”“Paano si Sandra?”“Tiyak na wala naman itong kinalaman kay Sandra. Besides, surrogate mother siya nina Montague at Chandler. Bakit naman nila ilalagay sa alanganin ang buhay ni Sandra eh sila na nga ang tinutulungan?”“Walang pinipili ang taong halang ang bituka, Mama.”“Makinig ka muna sa akin.”“Hindi ko uurungan si Chandler kung anuman ang plano niya laban kay Sandra.”“This has nothing to do with Sandra. This is between her and Montague! MAKINIG KA SA AKIN!” Hindi na napigilan ni Mona ang sarili. Nasampal niya si Monarch upang magising sa katotohanan. “You kept on fighting for Sandra pero mahal ka ba ni Sandra?”“Mama…”“Anong alam ni Chandler tungkol kay Alexi? WALA! Posibleng anak siya ng kuya mo. Kapag nalaman iyon ni Sandra lalong malaking
Kinabukasan, bago magtungo sa clinic ay nagsisigaw si Chandler sa loob ng banyo. Napatakbo si Montague at iniabot sa kanya ang Pregnancy Test nito.“You are pregnant?”“Yes, Honey! I am pregnant! I am pregnant!” Kitang-kita ang tuwa sa buong mukha ni Montague. Sa kabila noon ay hindi siya halos makapaniwala sa kanyang nakita, katunayan na buntis nga si Chandler.Tuwang tuwa si Montague. Naisip niyang nagbunga ang kanyang sakripisyo yaman din lang na tila pinagtaguan na siya ni Sandra.“Hindi po pumapasok si Ma’am Sandra, ”sabi ng staff niya. Maging ang kanyang ina ay walang masabi kung nasaan ito.Biglang umalis si Monarch at hindi man lang ito nagparamdam sa kanya.“May nangyari ba kay Monarch at Sandra?” laking pagtataka niya kaya hindi na nakatiis at nagtanong sa ina.“Intindihin mo na lang ang matagal ng ambisyon ng iyong asawa na magbuntis. Puwede bang lubayan mo na ang dalawa? Hayan at magkakaanak na kayong dalawa.”“Mama, masaya po ba kayo dahil sa wakas ay magkakaanak na kami
Hindi naman nangiming komprontahin ni Montague ang asawa tungkol sa pagkawala ni Sandra. Problemado ito at naiipit siya sa sitwasyon.“May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Sandra?”“Ako? May kinalaman sa pagkawala niya? She doesn’t want to be our surrogate. Ako pa ang nagmakaawa sa kanya but I am pregnant now. We don’t need her. I don’t care kung mawala siya ngayon. I don’t need that baby anymore. Mahalaga sa akin na magkakaroon na tayo ng anak.”“Kasi kung hindi ka magsasabi ng totoo ngayon, magagalit ako, Honey! Ayoko sa lahat ng niloloko ako at pinagsisinungalingan. Madali kong mahuli ang isda sa bibig.” malumanay na sabi nito sa asawa.“Sorry, Honey pero hindi ako isda. Find another fish. Praying and hoping to catch a big one.” dagdag pang sabi nito na may kahalong pang-aasar.Halos nawalan na rin ng balita si Monarch tungkol kay Sandra. Lihim na nag-uusap ang magkapatid sa pangyayari. Hindi naman kinakabahan si Monarch ngunit nababahala ito kumbakit kailangang humantong ang lahat