Mahigpit na binilinan ni Montague ang mga kasambahay na huwag iiwan ang bata at huwag rin itong ilalapit kay Chandler.“Nasaan po ba si Ma’am?” Tinitigan siya ng masama ng among lalaki. Yumuko ang kasambahay at nagmamadaling umalis.Pinuntahan muna ni Montague ang asawa sa basement. Tulog ito sa sahig. Nakasuot na ang kanyang damit. Inilapag ang plato ng pagkain para sa asawa. Napangisi na lang siya.Plano niyang puntahan ang ospital kung saan nanganak si Chandler. Nagtungo siya sa Admin Office upang humingi ng kopya mula sa kanila. Bahagyang natagalan ang assistant na humahawak ng record.“Sigurado po ba kayo, Sir sa pangalan ng asawa ninyo?” Tumango ang lalaki.“Yeah, Chandler Bluebird, that’s my wife’s name. Dito ko siya pinuntahan noong manganak siya. Hindi ko na lang matandaan ang room kung saan siya dinala. But I came and visited her with our new born baby.” Muling tiningnan ang data sa computer upang mas madali ang paghahanap ngunit nakita niyang napapailing ang babae. “How abo
Matagal -tagal na dumistansya ang ina kay chandler. Hindi siya nagpapakita sa anak at maging si Chandler ay hindi rin dumadalaw sa kanya. Sa kabila noon ay nakaramdam siya ng pag-aalala ng hindi niya madatnan sa mansion ang babae.Hindi niya ugaling umalis ng hindi babalik ng araw ding iyon.Minabuti naman ng kasambahay na puntahan ang likod-bahay kung saan posibleng nagpunta si Montague. Doon nila napansin ang isang bukas na gate kung saan may lagusan na kasya naman ang isang tao.Bagama’t kinakabahan ay minabuti ni Suzy na bumaba doon kasama ang hardinero.“Aminin mo Suzy. May gusto ka sa akin, ano?” Inumangan ng suntok ng babae ang hardinero at umilag naman ito. “Heto naman, hindi na mabiro.”“HUwag kang nagbibiro kapag ganitong kinakabahan ako. Baka mahuli tayo ni Sir Mon. Malilintekan tayo kapag nagkataon.”“Eh bakit pa tayo pupunta dito?” Maya-maya ay narinig nila ang sigaw ni Chandler.“Tulungan ninyo ako! Tulong!”“OMG! Boses ni Ma’am Chandler iyon.” Sumilip ang dalawa. Maliwa
Niluwagan ni Montague ang kanyang necktie pagkalabas ng korte. Nagmadaling nagsipaglabasan ang mga tao doon."MONTAGUE!"Huminto siya ng marinig ang tawag ng pamilyar na boses. Hustong paglingon niya ay sumalubong ang isang malakas at mag-asawang sampal mula kay Stella Alba. " Isinusumpa ko! Hindi ka makakahanap ng babaeng magmamahal sa’yo dahil lang sa batang ninanais mo. Kahit ilang beses kang humingi ng diborsyo, hinding hindi ka magkakaroon ng anak! Tandaan mo 'yan!" Nanggagalaiting sabi ng babae hanggang sa tumulo ang luha nito. "Paghihirapan mo muna ang lahat bago mo makuha ang gusto mo. At hindi lahat ng bagay ay kayang bilhin ng pera mo!""Ms. Alba, maaari ka naming ihabla sa ginagawa mo sa aking kliyente." Inawat ni Montague si Atty. Robles.Hinarap ni Montague ang babae. "Lalaki ako, Stella. Hindi naman talaga ako magkakaanak. Hindi rin ako magbubuntis. Let me correct that. I can buy as many women as I can and make her the queen of my house if she is capable of giving me...
CLUB RAMA KTV BARNakakabingi ang tugtog sa loob ng club. Hinanap kaagad ni Alexandra ang grupo ng kababaihang kanina pang naghihintay sa kanya. Sinalubong siya ng kiss sa labi ni Olivia kasabay ang mahigpit na yakap dahil sa matagal na hindi sila nagkita. She even stuck out her tongue kaya ito napailing. That’s her favorite style."How’s my California girl?""Still alive and kicking, Honey. Getting ready to get fuck anytime. Kanina pa nga akong naghihintay ng lalaking masisilo ko rito." Naghagikhikan ang dalawa habang nag-iinuman ang mga kasama nila.Tumingin-tingin sila sa mga kalalakihang naglipana sa lugar. Hindi nila namalayang kanina pang may mga matang nakamasid kay Alexandra.“Boss, kakaibang babae talaga!” Ikinumpas niya ang kanyang daliri sa bulong ng kanyang kanang kamay na si Bulldog. Pumitik ito at iniabot sa kanya ang baso ng alak. Pinakatitigan ang mukha ng babae sa monitor. He traced his fingers on the screen at bigla siyang pinagpawisan. Ramdam niyang may kakaibang re
Bago umalis si Montague patungong KTV Bar ay binuklat niya ang isang Limited Edition ng Coffee Table Book na pasalubong sa kanya ni Oswald."Sana mahanap mo diyan ang babaeng magbibigay sa iyo ng kaligayahan… ang magiging ina ng inaasam-asam mong anak." Nawalan tuloy siya ng gana.At the age of 39, he was six times divorcee at maraming beses siyang nag-announce ng engagement sa mga anak ng mga bilyonaryo na miyembro ng elite class. But none of them stayed with him long. The shortest period was six months and he end up in his one-year relationship with Stella.Niyaya rin niya sina Ronan at Malcolm na makipag-inuman sa Club Rama ng gabing iyon upang samahan siya sa kanyang kabiguan matapos magkaroon ng pinal na desisyon ang korte sa kanyang petisyon na hiwalayan si Stella.And he thinks it’s his lucky night to find this woman. She seemed to be an ordinary woman from the moment he set his eyes on him but there is something in her that he too cannot fathom.Why her?Napailing siya ng mak
Nagmadaling lumabas si Alexandra sa loob ng Exclusive Suite na iyon. Halos itago niya ang kanyang mukha sa mga chambermaid at bellboy na kanyang nakasalubong sa pasilyo ng hotel. Makahulugan ang ngiti ng bumati ang mga ito sa kanya.“Good morning, Ma’am,” bati ng lalaking nakauniporme ng puti at may puting cap pa ito.“Good morning,” seryosong bati nito.Nagmadali siyang pumasok sa elevator. Halos patakbo siya at nagmadaling pumara ng kotse sa labas.Ni wala siyang maalala. Hindi man lang niya tanda kung sino ang lalaking katabi niya na pinagbigyan niya ng kanyang sarili sa unang pagkakataon.Nagmadali siyang pumasok sa gate ngunit malakas na sampal ang sumalubong sa kanya pagpasok ng kabahayan."Papa, what is that for?""Anong problema mo ha?" Hindi na nito itinuloy ang sasabihin. "Nakakahiya ka!" Ipinamukha ni Rico ang litratong kumakalat sa social media."Olivia is my bestfriend. Hindi lang po kayo sanay. Hindi naman po kami nag-lips-to-lips, Papa. At saka, hindi naman din po tombo
Gulat na gulat si Chandler ng dumating sa location ang diborsyadong si Mr. Montague Bluebird. May dala itong magandang bouquet ng bulaklak habang kasama ang ilang alalay niya. Kitang-kita niyang nagbulungan pati ang buong staff ng Baron Advertising kasama ang ilang bagito ngunit beteranong photographer ng DreamWorkX Company.Iniabot kay Chandler ang kanyang bathrobe matapos ang pictorial kasama ang dalawang lalaki sa ibaba ng hood ng kotse. Nasa madamong bahagi sila ng burol na iyon with an old cadillac. Walang itatago ang buong katawan ni Chandler ng mga oras na iyon kahit naka-dark glasses pa si Montague. Aliw na aliw siyang pinagmamasdan ang kabuuan ng babae at inaalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.“Let’s have a break everyone,” sigaw ng kanilang director. Bumaling naman si Felix sa CEO at malugod na inanyayahan siya kanyang kubol ngunit diniretsa niyang ito.“I want to have a heart-to-heart talk with Ms. Mayward. Please!” magalang nitong pakiusap sa hindi pa ganoon ka
Umalis si Sandra patungong Brazil na hindi na inaalala ang nangyari sa kanya. Huli na para magsisi. Inisip na lang niyang may mga lalaki pa naman sigurong magmamahal sa kanya kahit hindi siya perpekto ngunit sa kabila noon, mas gusto pa rin niya itong ibigay sa bukod tanging lalaki na mamahalin niya habambuhay. That’s a perfect gift for your husband. “Hindi naman pag-aasawa ang pupuntahan ko sa Brazil. Why bother about it?” sabi ni Sandra sa sarili habang nakatingin sa labas ng eroplano. Makakapal na balumbon na lang ng mga ulap ang kanyang nakikita. Abala na sa loob ng eroplano ang mga crew nito. Ramdam pa rin niya ang pagod at muling bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Hindi niya napigilan ang antok. Humigit kumulang isang araw ang kanilang biyahe kasama ang kanyang ama. Masayang sumalubong ang kanyang lola. Matagal na panahon siyang hindi nakita nito matapos maghiwalay ang kanilang magulang sa cruise ship. “Oh, Sandra. You ‘re such a lovely girl.” Marunong naman ang kanyang