Share

CHAPTER 37: A HAPPY PLACE

Wala na siyang mailuha para sa kanyang apo. Kung hindi pa siya tinapik ni Monarch ay mananatili lang siya doon. Hindi man lang niya namalayang halos natabunan na ang anim na talampakang lalim ang hukay. Silang dalawa na lang pala ni Monarch ang naroon.

Napabuntung-hininga siya kasabay ng pagsinghot. Saglit niyang pinahid ang kanyang luha. Gulung-gulo ang isip ni Rico. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

“Papa, walang problema sa gastos kung gusto ninyong abutin ng ilang buwan ang bata sa burol basta’t makita lang siya ni Sandra bago man lang mailibing.”

Ngunit wala na ring mukhang maiharap si Rico sa magkapatid na Bluebird. Tinanaw niyang malaking utang na loob ang pagbibigay ng malaking halaga ni Montague para sa operasyon ng bata ngunit namatay pa rin ito. Minabuti niyang magpasya kung ano ang mas makabubuti.

Umiling si Rico. May dahilan ang lahat ng bagay. Hindi na nila kailangan pang hintayin si Sandra. Alam niyang maraming hiwaga ang mundo at tiyak na magkikita sil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status