Wala na siyang mailuha para sa kanyang apo. Kung hindi pa siya tinapik ni Monarch ay mananatili lang siya doon. Hindi man lang niya namalayang halos natabunan na ang anim na talampakang lalim ang hukay. Silang dalawa na lang pala ni Monarch ang naroon. Napabuntung-hininga siya kasabay ng pagsinghot. Saglit niyang pinahid ang kanyang luha. Gulung-gulo ang isip ni Rico. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari. “Papa, walang problema sa gastos kung gusto ninyong abutin ng ilang buwan ang bata sa burol basta’t makita lang siya ni Sandra bago man lang mailibing.” Ngunit wala na ring mukhang maiharap si Rico sa magkapatid na Bluebird. Tinanaw niyang malaking utang na loob ang pagbibigay ng malaking halaga ni Montague para sa operasyon ng bata ngunit namatay pa rin ito. Minabuti niyang magpasya kung ano ang mas makabubuti. Umiling si Rico. May dahilan ang lahat ng bagay. Hindi na nila kailangan pang hintayin si Sandra. Alam niyang maraming hiwaga ang mundo at tiyak na magkikita sil
Gusto na sanang magpaalam na kaagad ni Madonna ngunit pinigilan siya ni Montague. Matagal din niyang hindi nakita ang babae.“Nangibang bansa po ba kayo? Parang hindi ko masyadong ramdam ang presensiya ninyo.” May kasamang pang-uuyam na sabi nito.“Ha a e, gusto kong bigyan kayo ng pagkakataon ni Chandler na solusyunan ang iyong mga problema. Baka masyado lang akong nakakagulo.”“And you come to realized that too.”“What do you mean?”“Nothing, Mama. I guess, you know what I mean.” Nakaramdam ng konting pagkabahala si Madonna.Mukhang may kakaiba sa mga kilos ni Montague ngunit ayaw niyang tanggapin ang mga ito. Lalo siyang kinakabahan sa ginawang plano ng anak. Alam niyang nailagay nito sa alanganin ang kakambal nito ngunit ayaw na lang niyang makialam dahil tiyak na may napag-usapan na silang magkapatid.“Just shut up your mouth, Mama. Don’t ever talk nonsense to Montague. I can see that things will change as soon as the baby comes out. You’ll see!”Kitang-kita niya kung paano nga n
Nakatulog si Sandra. Hinayaan nila itong makapagpahinga. Naampat na rin ang kanyang pagdurugo. Nabahala ang doktor na tumingin sa kanya. Ayaw nilang mauwi ito sa seryosong kondisyon kung masyadong dadamdamin ng pasyente ang nangyari sa kanyang anak.Iniisip nilang baby ang namatay dahil kapapanganak pa lang nito.“You have to monitor her closely kung magkakaroon siya ng kakaibang kilos.”“What do you mean?”“It might lead to depression.”Nakatulog sa pagod si Monarch. Buong magdamag silang gising galing sa safe house kung saan hinihinalang pinagtaguan kay Sandra.“Sandra, huwag ka nang mawawala. Nandito lang ako. Rest on me.” Hinamplos niya ang mukha ng babae. Halata ang sobrang pagod sa kanya ngunit lalo itong gumanda. Napahilig si Monarch sa tabi ng babae at tuluyan din siyang nakatulog.Iminulat ni Sandra ang kanyang mga mata. Matinding kabiguan at kalungkutan ang kanyang naramdaman ng mapagtanto na patay na nga ang anak. Nakita niyang nakasubsob sa tabi niya si Monarch. Hindi niya
Hindi nakapagpigil si Rico sa mga narinig mula kay Sandra. Alam niyang kailangang mapaliwanagan ng mabuti si Sandra.“Ganyan ba ang trato mo sa taong halos mamatay sa pag-aalala sa iyo? Matapos kaming mag-alala kung paano ipapaliwanag sa iyo kung anong nangyari, ha!” Hawak ni Rico ang braso ni Sandra.“Papa…” sapo ni Sandra ang pisngi.“Hindi ito ang inaasahan ko sa iyo. Hindi mo man lang inisip ang maiiwan mo ng wala kang pasabi. Sabihin mo ngayon sa akin kung saan ka galing! Anong nangyari? Baka naman gusto mo kaming balitaan. Nag-enjoy ka ba? Mabuti naman at naisip mo pang umuwi!” Nagpupuyos ng galit si Rico sa anak. Hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig kay Monarch.Yumuko si Sandra at humikbi.“Papa, sorry po.” Tahimik nitong sabi sa ama.“Tito Rico, tama na po. Kailangan pa pong makapagpahinga ni Sandra. Sandra, you can go and rest.”Tumayo na si Sandra at pumasok na sa kuwarto. Umiiyak ito paghiga sa kama. Hindi lang niya alam kung paano sabihin na gusto lang niyang mapag-i
Galit na galit si Mona sa sinapit ni Sandra. Hindi rin siya makapaniwala sa biglaang paglabas nito. “OMG! Really, Sandra is back! What will I do? Should I get back now? Kumusta na siya?” Natatarantang sagot ni Mona. “Relax, Mama. Sandra is totally shock about the news. Alexis died and his brother is in coma. Just come back anytime. No need to hurry.” “By the way, Montague told me that Chandler wants to start a new life abroad. What has gotten into her mind? May pinagtataguan ba siya?” Tahimik si Monarch sa kabilang linya. Hindi pa nito sinasbai ang ginawang pagsugod ni Sandra sa mansion ni Montague. Ano pa ba ang mas shocking sa kanyang nalaman? Sandra got pregnant. She delivered Chandler and Montague’s baby but her cruel twin sister denied everything. Napailing si Monarch sa kanyang nasaksihan. Kitang-kita niya kung paano nabilog ni Chandler ang ulo ng kapatid. Magaling ang plano ni Chandler. Kapit-tuko talaga siya kay Montague at siniguro na hindi sila maghihiwalay. Wala siyang
“Nag-resign na rin po ako, Papa. I do not want to get involved with any of the Bluebird. Sino baa ko para bigyan pa rin nila ng espesyal na atensyon. I don’t think I can still be of help.” Napabuntung-hininga ang ama. Tinapik niya ang anak.“Anong gagawin mo ngayon?”Ngunit biglang dumating si Monarch. Iba ang aura nito at halatang galit ito. Hinawakan niya si Sandra ng mahigpit.“Let’s talk!”“Wala na tayong dapat pang pag-usapan. I tendered my resignation already and that’s irrevocable.”“Don’t teach me what to do. Hindi ko pa tinatanggap ang resignation mo, Ms. Parker.”“Go out and talk for a while. Ako na muna ang magbabantay kay Gibo.”“Huwag kang padalus-dalos sa pagdedesisyon, Sandra. Kailangan ka pa rin ng kompanya.”“Matagal akong nawala. Almost AWOL na ako for not telling you my whereabouts. I did not file a leave and I know what happens next.”“Hindi ikaw ang magsasabi niyan.”“At sino? Ikaw o si Mrs. Mona Bluebird.”“Have a sit and let’s talk.” Inalalayan pa rin ni Monarch
“Monarch, ano ba?”“Puro ka, ano ba, ano ba? I missed you. I missed you so much!”Muling tumalikod ang lalaki. Dumiretso na siya sa kusina at nagluto ng makakain para sa kanilang dalawa.Tahimik silang kumain. Panay ang sulyap ni Monarch kay Sandra.“Hindi ka ba titigil sa katitingin sa akin.”Natutuwa na sa wakas ay magkasama na silang muli.“Masama bang maging masaya dahil sa wakas ay may kasama na ulit akong kumain?”Sa loob halos ng siyam na buwan ay nasanay siyang kumakaing mag-isa at nakakapanibago ang lahat.“Pakiramdam ko kasi gusto mo na akong kainin.”“Darating tayo sa puntong iyan, Honey.”“Don’t call me, Honey. I am not your honey anymore.”Hindi naman makakain ng maayos ang babae. Lalo siyang iniinis ni Monarch ng gumapang ang daliri ng kanyang mga paa sa binti ni Sandra. Tinadyakan niya ang binti ng lalaki sa ilalim ng mesa.She is back to her old life. Hindi niya magawang tumingin kay Monarch na parang first time nilang magsama.“That’s more likely of you. That’s my San
Halos nanlupaypay si Sandra sa kanyang nalaman. Umiyak ito habang paakyat sa unit ni Monarch. Para siyang talunan ng umagang iyon. Pagkaupo ni Sandra sa pinto at yumuko at napahagulgol na lang. Hindi niya magagawang komprontahin ang lalaki sa kanyang ginawa ngunit sisiguraduhin niyang darating ang panahon na magbabayad silang mag-asawa sa lahat ng mga atraso nila.“Sandra…” Itinayo ni Monarch ang babae.“Monarch…” Niyakap ni Sandra ng mahigpit ang lalaki. Para siyang natauhan na si Monarch lang ang talaga ang lalaking hindi mang-iiwan sa kanya.“Saan ka ba galing?”“I just went out and take a walk. I have a lot of things in my mind.”Pinahid nito ang luha ng babae.Tahimik silang nag-almusal. Ngumiti si Monarch dahil mukhang kalmado na at matino nang kausap ang babae.Nagalit si Mona ng totohanin ang plano nina Montague. Lalong nainis ang ina dahil hindi nga nito nakita ang apo. Nakita ni Monarch ang bata sa nursery room pa lang ngunit iyon ang una at huli.“Mama, keep calm and relax.