Share

CHAPTER 35: BE BACK

"Naku, Balae! Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Baka naman ikaw pa ang magkasakit.” Halos tulala ang lalaki sa tabi ng kabaong ng bata.

Nasa tabi ito ng burol ng bata. Lumapit din si Monarch. Hinayaan niyang mag-usap ang dalawa.

“Huwag kang mag-alala dahil hindi ko pababayaan ang mommy mo. I loved her so much kaya pahinga ka na diyan kay Bro.” Tiningnan niya ang batang tila natutulog lang sa loob.

Alam niyang hindi na ito makakaramdam ng sakit sa mga oras na iyon.

Marami pa siyang plano para sa bata at maging kay Sandra. Gusto niyang pakasalan ang babae.

Gusto niyang maging normal ang paglaki ng bata pagkatapos ng operasyon. Nais niyang makapaglaro siya at makapag-aral sa hinaharap. Gusto niyang makitang naglalaro ito sa bakuran kaya naisip na rin niyang magpatayo ng bahay para sa kanilang tatlo. Paano pa mangyayari ang mga pangarap na iyon?

Patay na si Alexi.

Napailing na lang si Monarch sa sinabi ng ina ng magkasarilinan sila. Hindi pa niya nadadalaw ang kapatid. Kasalukuyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status