Share

CHAPTER 1: AGATHA'S SUFFERING

" Oyyy may Bago pala tayong Kasama, may bisita Tayo" masayang sambit ng matabang babae, habang hinahawakan ang braso ko.

Nilalayo ko Naman Ang katawan ko sakaniya.

" Ohh!! Matapang!!" Sambit niya.

Bigla Niya namang hinablot Ang buhok ko palikod dahilan upang mapaangat Ang ulo ko.

" Ano ha!!" Sigaw nito sakin.

" W-wag maawa ka" umiiyak kung sambit.

" Umiiyak ka Naman pala, Hindi na nga maayus yang Mukha mo at yang katawan mo nag iinarte ka pa!" Sambit nito at pabato akong binitawan dahilan upang mapaupo ako.

Ng nakaupo ako sa sahig ay agad ko namang naramdaman ang pananakit ng tiyan ko.

" Ahhhh!!" Sigaw ko agad namang lumapit sakin Ang dalawang matandang babae tiyaka dalawang dalaga.

" Dinudugo ka !!" Sambit nito.

Bigla Naman nila akong binuhat at ipinahiga sa cartoon.

" Buntis ka ba?" Tanong ng matanda sakin.

Tumango lamang ako habang namimilipit sa sakit ayuko pa Namang magkasakit kung Wala si Angelo dahil nanghihina ako lagi.

" Kumapit ka, tatawagin ko lang muna si warden" wika nito.

Hindi ko na alam kung ano ng gagawin ko dahil nandidilim na Ang paningin ko.

" Ate wag po kayong sumuko, kawawa po si baby pag ginawa mo Yan" wika naman ng dalagang babae habang hinahawakan ang kamay ko.

Tinatagan ko Naman Ang loob ko at iniinda Ang sakit gusto kung sumigaw dahil sa kirot na nararamdaman ko naliligo na Rin ako ng sarili kung pawis Hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya Ang pag titiis dito sa sakit na ito walang tigil Ang pag daloy ng mga luha ko sa aking mga mata.

" Hindi ko na kaya" sambit ko habang umiiyak.

Binalot na ng dilim ang buong paligid ko.

Nagising ako sa Isang tahimik na silid,nandito pala ako sa clinic ng prisinto kaya pala Hindi maingay.

" Gising kana pala" sambit ng warden sakin habang nakangiti.

"B-buhay pa po ba ang anak ko?" Tanong ko sakaniya habang maiiyak na.

" OO, Buti palaban yang anak mo" wika nito

Naiiyak Naman ako ng dahil sa tuwa, hinaplos ko Naman Ang tiyan ko gamit Ang kabila kung kamay.

" Murder Ang Kaso mo Diba?" Tanong nito sakin.

Tumulo Naman Ang luha ko, naging kriminal Naman ako ng Wala sa oras.

" O-opo" wika ko habang Hindi makatingin sakaniya nakayuko lamang ako.

" Paano mo nagawang patayin yung babaeng Dawson alam ko kasi makapangyarihan sila" wika nito.

Agad naman akong tumingala at tumingin sakaniya na naguguluhan.

" H-hindi po ako Yung pumatay napagbintangan lang, siguro nga makapangyarihan sila dahil naipakulong nga nila ako kahit wala Naman silang ebidensya at wala silang ipinakita na kahit na ano alam nila na Kasama nila ako sa hapag kainan pag pasok ko sa kwarto nakita ko na duguan nalang si mommy, di ba Nila na isip na Hindi ko kayang pumatay ng ganun kadali lalo't alam nila na mahina akong babae" wika ko habang patuloy parin sa pagtulog Ang luha ko.

" Alam mo kaya kitang tulungan na makalabas dito kung hindi lang galing sa elite sa squad Ang kalaban mo, Ang problema Kasi kaya nilang bayaran ang mga nakapalibot sakin, trabaho ko Rin Ang nakasalalay dito" wika ng warden, bumuntong hininga naman siya.

" O-okay lang po wag po kayong mag alala okay lang ako" wika ko habang pinupunasan ang luha ko na walang tigil sa pag daloy.

" Hindi lang Naman Ikaw Ang unang nabiktima ng mga yan marami kayo dito, wag kang mag alala tutulungan kita sa loob buhayin mo lang yang anak mo at kapag nailuwal muna siya ay Ako na Ang bahala sakaniya" wika ng warde.

Napaiyak na Naman ako ng dahil sa kabaitan na ipinakita Niya sakin, naiiyak na ako ng naiiyak dahil naalala ko na naman kung paano nila ako pinahirapan.

Ang Tanga ko lang Kasi hinayaan ko silang saktan ako alam ko Naman na Hindi nararapat sakin yun pero nag bubulag bulagan ako dahil inaasam ko lang Naman na may pamilya, natatakot kasi ako na mag isa sa Mundo na walang Kasama. Mula pag kabata so Angelo lang ang Kasama ko kumain kami ng panis na mga pagkain na napulot namin galing basura at natutulog kami sa cartoon at kariton, pero Masaya ako dahil may Kasama ako jaya noong umalis Siya halos mabaliw ako kakahanap sakaniya doon nag simula na nag papauto at nag bubulag bulagan na lamang ako upang may matawag akong pamilya.

FAST-FORWARD

Naging okay din ako lumakas pa ako Lalo dahil nga sa vitamins na Ibinigay sakin mabuti na ito dahil makakatulong to na mapabuti Ang bata sa loob ng tiyan ko.

" Oh ito pa linisin mo Yan!" Sigaw sakin ng Matabang babae na Madam Lucia kung tawagin nila dito.

Mabigat Ang Kaso Niya kaya matagal siyang andito sa loob, minamaltrato Niya Yung mga bagohan palang dito kaya Naman Hindi ko na lamang siya pinapansin at sinusunod ko nalang ang utos Niya baka Kasi ay mabugbog na Naman Niya ako, kakabugbog Niya palang sakin Nung nakaraang Araw.

" Kaya mo pa ba?" Tanong sakin ni Misha Yung dalagang nakulong dahil napagbintangan na nag nakaw at itong dalawang matanda Naman ay ganun din Ang Kaso nila Hindi Naman mabigat ngunit di nadaw Sila pinalaya naawa ako dahil mukhang pinatunayan nga nila na Ang hustisya ay para lamang sa may Pera at may mga koneksyon mga makapangyarihang tao sa Mundo na kayang bilhin Ang boses ng tao.

" Kaya ko pa" wika ko habang nakangiti sakaniya.

" Alam mo ate matapang ka Naman bakit hinayaan mong gawin nila sayo yun " wika ni Misha.

" Mayayaman Kasi Sila" tanging sagot ko nalang dahil Wala namang ibang sagot diyan kung Hindi Yun, dahil totoo naman kung Wala ba silang Pera madali lang ba sakanila Ang lahat? Hindi Naman Diba kaya nga nanahimik na lamang ako.

" Tama nga, kung Wala Naman silang Pera pantay Naman tayong Lahat Hindi nila Tayo kayang alipustahin" wika naman ni Nanay Gloria Yung matandang tumulong sakin.

" Kaya Ang gagawin mo Agatha mag pakatatag ka, wag kang papatalo sa mga yan alam mo may pag asang makalabas ka dito naniniwala ako na kaawaan ka ng diyos at gagabayan ka niya, alam kung mabuti kang bata kawawaan ka Niya" wika ni Nanay logreng  sakin.

Tumulo na naman ang luha ko at napaiyak na lamang dahil sakabila ng mga naranasan ko ay may mga tao paring naniniwala na mabuti ako.

" Anong iniiyak iyak mo diyan!" Sigaw Naman ni Madam Luciana habang nakatingin sakin ng matalim.

" W-wala po" wika ko na lamang at pinagpatuloy na Ang ginawa ko.

Nag mamap at nag lilinis ako ng c.r Kasama itong tatlo, binitawan na namin ang mga hawak naming panlinis ng biglang tumunog ng malakas Ang bell hudyat na kakain na Masaya ko namang tiningnan ang tiyan ko.

" Makakain kana rin baby" wika ko.

" Tara na agatha" sambit ni Nanay Logreng tumango na lamang ako at dali dali ng nag hilamos at nag hugas ng mukha.

Pumunta na ako sa may lamesa at kumuha ng plato, pumunta na ako sa linya ng mga preso upang makakain. Ng mabigyan na ako ay naglakad naman ako patungo sana kina mesha di paman ako nakaabot ay bigla nalang lumipad pa itaas Ang pag kain ko at nailagay lahat ng pagkain sa ulo ko.

Di na ako Makagalaw sa kinatatayuan ko nakatingin na lamang ako sa katawan ko na malagkit dahil sa natapon na pagkain.

" Ayan maganda tingnan" wika ni Madam Luciana habang nakangiti.

" Ang galing mo talaga madam" nakangiti Naman na sambit ni monay, Isa sa alalay ni madam payatot Siya at kahit ata ihipan mo ay natutumba ito.

" Mga ganiyang babae, mga pakipot at ayaw mag pahawak sa iba Ang ginagawa diyan papahirapan Pera na sana e!" Sambit nito sakin.

Binebenta Kasi ni madam Yung nga babae dito sa mga lalaking preso na mayayaman, kaya Ako na Ang pinagtripan Niya dahil ayuko sa pmamalakad Niya at sumusuway din ako sa gusto niyang nangyari.

" Tama na yan !" Malamig na wika ni Nanay Logreng.

Mayabang Niya namang tiningnan si Nanay Logreng Bago ito umalis sa harapan namin.

" Mag bihis kana muna may itinabi kaming sobra na pagkain namin yun na lamang Ang kainin mo" wika nito.

Tumango Naman ako habang pinupunasan ang mga luha ko, di ko mapigilan ang mga luha ko na tumulo dahil na sanay lamang ako na laging umiiyak.

" Wag kang iiyak lagi sa harapan nila, dahil mas Lalo ka nilang kawawain tatagan mo Kasi Ang loob mo at pakitaan mo Sila ng kayababgan mo mag yabang ka at Magalit Hindi Yung lagi ka nalang iiyak sa konting pananakit nila sayo. Agatha kapag lagi ka nalang mag papalapit aapihin ka nila Hanggang sa sumang ayon ka nalang sa mga gusto nila, magalit ka !" Sambit nito.

Tumango Naman ako at niyakap siya dahil medyo gumaan na Ang pakiramdam ko sa mga sinasabi niya malaking bagay na iyon para sakin.

Nag lilinis ako ng katawan ko dahil sobrang lapot nitong mga pagkain na nasa katawan ko.

" Ahh!!" Rinig kung sigaw sa labas agad naman akong naalarma at nakita ko Naman si Nanay Gloria na Nakabulagta Siya duguan ito at Wala ng Malay.

" Nanay Glo-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko bigla nalang may pumukpok sa likuran ko dahilan upang mawalan ako ng Malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status