thank you so much po and please leave some comments.. God bless you :)
Hindi umalis sa ospital si Zack at binantayan niya ang anak niya. He wants to spend his time with his son kahit ilang oras lang. Aminado siya na nawalan siya ng oras sa kanyang anak dahil na rin sa trabaho at dahil na rin sa naging kampante siya na inaalagaan ang kanyang anak sa bahay ng mga Ramirez. Simula kasi noong sanggol ito ay ang mga Ramirez na ang nag-aalaga kay Zack. Wala naman siyang naging problema dahil na nakikita naman niya na maayos ang pagpapalaki ng mga ito kay Zayn. Mabait at masunurin itong bata. Wala siyang natatanggap na sumbong mula kay Rena na nahihirapan ito sa pag-aalalaga sa bata. Kaya ngayon ay hindi siya makapaniwala na tumalon ito sa bintana. pagkatapos nitong msgkulong sa silid nito. Nakatulog na si Zayn kaya naman lumabas na muna si Zack sa VIP room. Naglakad-lakad ito at sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya ang babaeng matagal niyang hindi nakita. Ang babaeng inakala niyang patay na. Perobngayin ay bigla na lang niya itong nakita dito sa ospital at
Malapit sa pinto ng entrance ng hospital ay may nakatayo na sobrang cute at gwapong bata. Nakasuot siya ng sumbrero at kakaiba ang fashion style niya sa pananamit. Para itong binata sa kanyang porma. May hawak itong lunch box na may laman na pagkain at inumin para sa kanyang ina.Wala naman siyang balak na pumunta sa hospital but his mom forgot their birthday and that was yesterday. Kaya wala siyang ibang gusto kundi ang makita ang kanyang mommy. He was mad pero mas pinili niya na intindihin ang kanyang ina dahil alam niya na busy ito sa trabaho.Matiyaga siyang naghihintay dahil iyon rin ang bilin ng kanyang ina. Habang naghihintay siya ay may lumapit sa kanya na isang lalaki.“Senyorito? Ano po ang ginagawa niyo dito sa labas? Okay na po ba kayo?” Tanong ng lalaki sa kanya.“Ako po ba ang kinakausap niyo, kuya?” Tanong ni Tristan sa lalaki.“Opo, Senyorito. Bakit po kayo narito sa labas?” Tanong ni John na isa sa mga bodyguard ni Zack.Matagal na siyang nagtatrabaho kay Zack kaya na
Nagtagpo ang mga mata ni Selina at Zack. Kinakabahan si Selina at sobrang bilis ng t*bok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na napansin siya ng lalaki kanina. Ang buong akala niya ay hindi siya nito nakita. “Nakita mo rin siya kanina. Nakita mo rin si Senyorito Zayn nakasuot pa nga siya ng sumbrero. Alam ko na nakita mo siya,” saad pa ni John.Pilit na kinalma ni Selina ang kanyang sarili at iniisip kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Hindi niya pwedeng ipahalata sa mga ito na kinakabahan siya.“Ang sabi ng mga tao sa labas ay sumisigaw ang bata na kidnapper ka. Hindi na ba sapat ang sweldo mo para kumuha ka pa ng bata sa labas?” saad ni Selina sa lalaki.“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi nga kasi ako kidnapper. Kaya ko lang naman hinawakan ang bata kanina dahil kamukha siya ni Senyorito. Hindi naman malabo ang mga mata ko para hindi ko makilala ang boss ko.” pilit pa rin na nagpapaliwanag si John ng side niya.Lumapit naman si Selina kay Zack at hindi niya pinapansin si John na hang
“Don’t be afraid, I’m here.” mahina na bulong ni Selina sa kanyang anak.“Don’t turn off the lights, please.” umiiyak pa rin na sambit ni Zayn.“Don’t cry, everything is fine.” saad niya at niyakap niya ito.Unti-unting kumalma ang bata. Binuhat niya ito at pinahiga ulit sa hospital bed. Nilinis niya ang sugat nito. Nakabukas na ngayon ang mga lahat ng ilaw at maliwanag na ang buong paligid. Pinunasan rin niya ang luha ni Zayn.“Zayn, okay lang ba na magtanong ako?” mahinahon na tanong ni Selina sa bata.Tumango naman ito bilang sagot. Ngumiti si Selina at hinawakan ang kamay ng bata.“Bakit ayaw mo na nakapatay ang mga ilaw? Natatakot ka ba talaga sa dilim?”“May mga ipis po kasi.” parang iiyak na naman na sagot nito.“Ipis?” nagtataka na tanong niya.“Opo, ipis.”“Walang ipis dito. Palaging sinisigurado ng mga tao dito na malinis ang paligid at walang ipis na maliligaw.” paliwanag ni Selina sa bata.“Really po?”“Opo, kaya matulog ka na. I’ll make sure na wala kang makikita na mga i
“Hindi pa rin makontak ang asawa mo.” saad ng isang babae.Kanina pa tinatawagan si Zack ngunit hindi ito makontak. Ilang ulit na itong kinokontak ngunit wala pa rin. Nakapatay ang telepono nito na para bang ayaw nitong isturbohin siya.Para sa kanya ay ito ang lalaking mahal niya kaya hindi siya makapaniwala na wala itong puso.Nandito si Selina sa ospital at nakahiga siya ngayon sa birthing bed. Mahigpit na nakakapit sa bakal na nasa kanyang tabi. Namumutla na siya at namimilipit sa sakit habang narinig niya ang tao na nasa labas ng delivery room at nagsasabi sa doktor na nagsasabi na kailangan mabuhay ng bata. Na kailangan iligtas ang bata na nasa kanyang sinapupunan dahil ito ang tagapagmana ng mga Miranda.Habang nahihirapan siya ay bigla niyang naalala na ngayon pala, ngayon pala ang kasal ng ama ng kanyang anak. Ang kasal nito sa ibang babae. Sa babaeng sinasabi nito na mahal nito. Doble na ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang paghilab ng kanyang tiyan at pagdurugo ng kan
Ang ganda ng lakad ni Rena habang pababa sa may hagdan. Natatanaw niya ang mga tao sa baba. Ang mga bisita na naghihintay sa pagbaba ng nag-iisang anak ni Zack. Ngunit mula sa baba ay maririnig ang matinis na pag-iyak ni Zayn na pumukaw sa atensyon ng mga bisita na naroon.“Wala bang balak na tumigil sa pag-iyak ang batang ito? Sa totoo lang ay naiirita na tainga ko sa kanya. Wala siyang pagkakaiba sa tunay niyang ina. Nakakaubos siya ng pasensya. Isa rin siyang basura.” saad ni Wanda.“Mom, hindi mo dapat sinasabi ang mga kalokohan na iyan. Wala siyang kinalaman sa basurang ‘yon dahil anak siya ng kapatid ko. Si Zayn ay anak ng ate ko,” saad ni Rena sa kanyang ina.Kaagad namang natigilan si Wanda nang marealize niya na dapat hindi niya sinasabi ang mga ganoong salita. Kaagad siyang tumingin sa paligid at mabuti na lang ay walang nakarinig sa kanya. Ayaw rin naman niya na malaman ng ibang tao ang tunay na pagkatao ni Zayn. Dahil magiging katapusan ito ng pamilya nila. “Wala pa ba si
Napasinghap ang mga tao sa paligid. Hindi sila makapanila sa mga tinuran ni Selina. Hindi inaakala ng direktor na ganitong mga salita ang lalabas sa bibig ng isa sa mga mahusay nilang doktor. The highest paid doctor of this hospital is careless about her words.Kahit si Rena ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa mapangahas na babae. Hindi niya inakala na may naglalakas ng loob na kumalaban kay Zack.“Sino ka sa tingin mo para kausapin ng ganito si Mr. Zack? Hindi mo ba siya kilala? At bakit mo ba inaantala ang operasyon sa senyorito? Kapag may mangyari sa kanya ay hindi sapat ang buhay mo para maging kabayaran sa buhay niya.” matapang na saad ni Rena sa doktor.“Kung gusto mo ay ikaw na ang gumawa. Kung kaya mo lang naman.” kaagad naman na sagot ni Selina na may kasamang pang-uuyam.Hindi naman makapaniwala si Rena sa kanyang narinig kaya mabilis niyang hinawakan ang braso ni Zack.“Mr. Zack, narinig mo ba ang sinabi ng babaeng ito? Kapag may mangyari na masama kay Zayn ay
Ang bawat tao na nakaka-salubong ni Zack ay ramdam ang nakakatakot na aura nito. Para itong haring naglalakad sa kanyang kaharian. Nais niyang kausapin ang matapang na doktor na may lakas ng loob para kalabanin siya. Ang sinasabi nilang bagong doktor.Siya ay isang bagong batang doktor na kakarating lang sa bansa. Pero kahit pa gaano siya kagaling ay walang magtatanggol sa kanya. Lalo na tinanggihan niya noong una ang operasyon ng tagapagmana ng mga Miranda. Naging successful man ang operasyon ay hindi siya ipagtatanggol ng kahit na sino at kailangan niyang harapin ang ipapataw na parusa ni Zack. Ang taong walang pinapalampas.Walang pasabi na tinulak ni Zack ang pinto ng opisina ni Selena.“Sino po ang hinahanap niyo, Sir?” magalang na tanong ng nurse na naka-duty.“Where is Dra. Enna?” malamig pa rin ang paraan ng pagkakatanong nito.“Lumabas lang po siya sandali. Ano po pala ang kailangan niyo sa kanya?”Tahimik lang si Zack at hindi sinagot ang tanong sa kanya ng nurse. Nahagip ng