Thank you po sa inyong lahat <3 <3 <3
CHE-CHE POV“Mukhang masaya ang asawa ko,” saad sa akin ni Jayson nang nakabalik na siya dito sa office niya.“Sabi kasi ni Dok bawal akong ma-stressing kaya dapat masaya ako.” Sagot ko naman sa kanya.“Okay, stay ka lang diyan, Boba. Kasi may tatapusin lang ako na trabaho. May isang class pa ako pagkatapos ay uuwi na tayo.” Sabi niya sa akin.“Okay po, maglalaro na lang muna ako dito sa phone mo.” Nakangisi na sabi ko sa kanya.“Okay, pero hindi mo ba dala ang phone mo?” Tanong niya sa akin.“Dala ko naman pero mas maganda itong phone mo.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“Okay, Boba ko.” Malambing na sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi bago siya umupo sa upuan niya.Hinayaan ko lang siya dahil busy ako sa pang-aasar ko kay Ana. Kanina pa siya tumataas ang dugo sa akin lalo na marami akong cute na pictures na pinasa sa kanya. Sobrang effort nga ako para asarin lang siya.“Hahahaha!”Sobrang naaliw ako sa kanya.Ana: Chemmary, tumigil kana hindi na ako natutuwa sa ‘yo.Me: An
CHE-CHE POV “Jayson!” Mabilis ko siyang dinaluhan. “Boba, tulungan mo akong makatayo.” Sabi niya sa akin. “M-May dugo,” nauutal na sabi ko sa kanya. “Relax ka lang, okay lang ako.” Sabi niya sa akin. “Paano ako magiging relax? Chona! Chona!” tawag ko sa kapatid ko. Natataranta na ako dahil may tama siya ng saksak sa tagiliran. “Ate, ano–kuya!” Mabilis akong tinulungan ni Chona na alalayan si Jayson. Laking pasasalamat ko dahil tinulungan kami nang kapitbahay na dalhin kaagad si Jayson sa hospital. May sumaksak sa kanya. At ngayon ginagamot na siya sa loob. “Ate, tahan kana. Kanina ka pa umiiyak,” saad sa akin ng kapatid ko. “Natakot kasi ako e. Baka kasi mapano si Bubu ko.” sagot ko sa kanya. “Okay lang si kuya. Kaya tumahan kana, sige ka magiging iyakin rin ang anak mo.” Sabi sa akin ni Chona habang nakangiwi ang labi. “Kapag nalaman ko lang kung sino ang sumaksak sa kanya. Ako na tatadtad sa kanya. Gagawin ko talaga siyang giniling. Pero teka nga bakit ganyan ang bibig mo
JAYSON’S POV Hindi ko inaasahan na may balak na masama sa akin ang taong nagtanong lang sa akin. Alam ko na natakot ang asawa ko pero kahit ganun ay cute pa rin siya. Hindi ko alam kung sino ba ang taong may galit o may balak sa amin ng masama. Nandito ako sa hospital. Dinalaw rin ako ng parents ko pero pinauwi ko rin sila dahil hindi naman malala ang tama ko. Ayoko kasi na masyadong nag-aalala sa akin si mommy. Hangga't maaari ay ayaw ko siyang bigyan ng alalahanin.“Jayson, hindi na talaga ako natutuwa sa asawa mo.” nakasimangot na sabi ni Ana sa akin dahil dinalaw niya ako.“Pasensya kana buntis siya kaya ganyan siya.” Saad ko naman sa kaibigan ko.“I understand, but actually…”“Actually what?”“Pumunta ako dito to say sorry. Sorry, dahil hindi ko alam na nakakapanakit na pala ako. Na dahil sa kahibangan ko sa ‘yo ay nasira ko ang friendship natin. I’m sorry, Jayson.” Parang naiiyak na sabi niya sa akin.“It’s okay, Ana. I’m sorry kasi hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. I
WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! (R18+)CHE-CHE POVNakakainis dahil ang init ng pakiramdam ko kanina pa ako nagkukunwaring tulog. Pina-pakiramdaman ko ang asawa ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tulog na siya. Naririnig ko kasi ang mahina niyang paghilik. Ka-gwapo na lalaki pero humihilik. Pero cute naman siya kaya hindi naman ako naiinis sa kanya.Bumangon ako at umupo ako sa kama namin. Hinubad ko rin ang suot kong damit dahil naiinitan ako. Malakas na ang aircon pero sadyang hindi ako nilalamig ngayon.Gusto ko sanang gisingin ang Bubu ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hanggang sa biglang dumako ang tingin ko sa kaibigan niya. Na-curious ako kung matigas pa rin kaya ito kahit na tulog siya."Hoy, Chemmary tumigil ka! Tulog ang asawa mo." Saway ko sa sarili ko pero sadyang may sariling isip ang kamay ko. Dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahawak na sa pagk*lalaki ng asawa ko. Ganito pala ito kapag tulog.
CHE-CHE POV Ngayon ko lang naranasan na magcelebrate ng birthday kaya naman sinulit ko talaga. Nalaman ko na ang asawa ko pala ang nagplano ng lahat ng ito. Ngayon ko napatunayan na sweet talaga siya sa tahimik na paraan. Pero mas lalo akong natuwa dahil dumating si Ana kasama ang isang gwapong pulis. At nakilala ko na ito pala si Asher. “Bubu, ang gwapo ni Asher diba?” Tanong ko sa asawa ko. “Boba,” nakakunot ang noo niya. Napangiti naman ako dahil halatang nagseselos siya sa sinabi ko. “Mas gwapo pa sa akin?” Parang bata na tanong niya sa akin. “Hmmmp.. Siyempre mas gwapo s–ikaw.” Nakangiti na sagot ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at napigilan ko ang bibig ko na biruin siya dahil baka bigla na lang siyang magtampo sa akin. Mahirap na at baka ako pa ang manuyo sa kanya. Ang sabi pa naman nila ay mahirap suyuin ang mga lalaki. “Akala ko mas gwapo pa siya sa akin e.” Saad nito kaya napangiti namana ako. “Asher!” Tawag ko dito kaya lumingon ito sa akin. “Ang gwapo mo.. Sabi
JAYSON’S POVMasaya akong nagplano para sa birthday niya. Tinulungan ako nila mommy at inay. Masaya ako sa naging resulta ng party. Matuwa naman ang asawa ko kaya achievement na ito para sa akin. Ganito pala ang feeling kapag napapasaya mo ang taong mahal mo. Mukhang hindi lang si Ana ang pinaglilihian niya dahil mukhang pati si Asher ay gusto rin niya. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya dahil halatang napagod siya. Nagquick shower ako bago ako tumabi sa kanya. Niyakap ko siya at natulog na rin ako. Maaga akong gumising dahil papasok na ako ulit sa trabaho ko. Hindi pa man ako ganun kagaling pero ayoko ng tumambay sa bahay. Kaya ko naman ng kumilos dahil pahilom na ang sugat ko. Magaling ang personal nurse ko kaya talagang sigurado na naalagaan niya ako.Ginising ko siya dahil kahit na inaantok siya ay mas gusto pa rin niyang sumama sa akin. Kaysa magalit o magtampo siya ay hinahayaan ko na lang. Lalo na buntis siya kaya paiba-iba talaga ang mood niya. Hinalik-halikan ko siya pa
JAYSON’S POVMasakit sa akin na mawalan kami ng anak. Pero mas masakit sa akin na makita ang asawa ko na malungkot at parang walang buhay. Nawala na ang maganda niyang ngiti. Wala na ang masayahin na Chemmary. Madalas ko siyang nakikita na nakatulala. “Inay, ayoko po na ganito siya.” Saad ko kay inay habang nakatingin kami kay Chemmary.“Sana ay intindihin mo pa rin siya, anak. Masyado siyang nasaktan at alam ko na ganun ka rin. Salamat dahil hindi mo pinabayaan ang asawa mo. Bigyan mo lang siya ng oras na maghilom ang sugat sa puso niya. Masakit sa isang ina ang mawalan ng anak.” Saad sa akin ni Inay. “Sisikapin ko po na ibalik ang dating masayahin na Chemmary.” Saad ko kay inay.Ngumiti sa akin si inay. Ako naman ay pumunta sa asawa ko na nakaupo dito sa garden namin. Tumabi ako sa kanya at tumingin siya sa akin sabay ngiti. Pero alam ko na pinilit lang niyang ngumiti dahil alam niya na nag-aalala ako sa kanya.“Boba, puwede ba tayong magdate?” Tanong ko sa kanya.“Date? Saan tayo
CHE-CHE POVMasakit mawalan ng anak. At sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko ay para akong namamatay. Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Umiiyak ako palagi ng mag-isa. Dahil sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko. Bakit kailangan na ang anak ko pa ang mawala? Alam ko rin na nasasaktan ang asawa ko pero pilit niyang ginagawa ang lahat para sa akin. Kaya kahit minsan nasasaktan ako ay tinatago ko sa kanya. Dahil ayokong ipakita sa kanya.Hindi ko na kayang ngumiti ng totoo. Dahil kailangan kong magpanggap sa harapan ng asawa ko. Na kailangan ko maging okay kapag nandito siya sa bahay. Kahit na ang totoo ay nawawalan na ako ng gana na kumilos at mahirap na sa akin ang ngumiti. Na mahirap ng maging masaya.Inaamin ko na nakaramdam ako ng galit sa asawa ko nang sabihin niya sa akin na kailangan kong pumunta sa doktor. Malungkot lang ako at hindi naman ako baliw. Kaya bakit kailangan pa niya akong ipa-konsulta sa doktor? Alam ko na hindi kami okay dahil umalis siya na hindi nag