Electra POVWalang nagsalita sa ‘ming dalawa. Patuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Nakahiga siya sa kanyang kama yakap ang hotdog na unan nito. Nakakumot hanggang sa leeg niya. Narinig ko ang pagsinghot niyang pilit hinihinaan.“Marga, huwag kang umiyak.” Banta ko.“Gaga! Sinisipon ako.”Muli siyang suminghot, mas malakas na ngayon. Ibinaba ko ang ilang underwear na tinutupi. Hinarap ko ang katawan ko sa kanya. Naka-indian seat akong pumihit at tinitigan siya ilang sandali na biglang nagtalukbong ng kumot. Inestema ang mga salitang sasabihin ko nang hindi umiiyak sa harapan niya.Nagpapalakas. Hinahanap ang mga dapat na salita. A good-bye speech kuno ko.Kahit pala ilan beses na kami nag-usap ng ganitong bagay, iba pa rin pala pag-ayan na. Nandito na at ito na. Baka ito na ang last.“Ito na ang time siguro. Marga, tanggapin mo na ang offer ni Mr. Ramirez. Be with him, ito na lang ang huling way na ‘tin para makaalis sa lugar na ito.”“Tinanggap ko na pero hindi ko akalain na gan
Electra POVNaka-abrisiyente naglalakad kami sa gitna ng nakalatag na red carpet. Kahit saan ka lumingon, mga iba’t ibang sugal ang nagaganap sa malaking bulwagang ito. A Secret Vegas ang tawag nila. Bukod sa mga illegal na laro, mga mayayaman, mga bumabaha ng pera sa mga lamesa. Mga naggagandahang damit at mga kumikinang na mga alahas ang suot ng mga nandidito mapa-Pilipino man o taga-ibang bansa.Kung nandito lang si Lupin, marami siyang makukuhang gamit dito. Napabaling ang lingon ko sa isang table na naghiyawan. Walo silang mga kalalakihang nakaupo, sa tabi nila ang mga kani-kanilang date. May dalawang lalaking nakaitim doon na nagbuhat ng dalawang itim na tela. Binuksan iyon at binuhos. Nagsinghapan, tawanan at murahan ang nangyari nang tumambad ang limpak-limpak na pera.Napahinto ako sa paglalakad. Mangha sa dami ng mga ito. . . dollars! Nag-dollar sign ang mga mata ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming pera at—At—God! Tinatapon-tapon lang nila ito na parang isang b
Electra POV Nakaupo kami sa isang pabilog na lamesa. Habang nag-uusap sila patungkol sa politika, nagawa ko naman pag-aralan ang lugar. Hindi ka nga makakapasok basta-basta dito kung hindi ka invited or dating ng member dito. Karamihan mga politiko at mayayamang tao ang mga nandito, pinoprotektahan nila ang ganitong lugar para sa kanilang mga transaction. Ito rin ang nagsisilbi nilang libangan o bakasyunan. Hindi lang mga laro ang nandito, sa pagkakarinig ko, may mga naipapasok rin silang mga illegal na gamot at mga armas. Kaya ganoon na lang ka-higpit ang security. Natatakot ako. Kung mahirap makapasok. Siguradong mas mahirap makalabas. Nagkalat ang mga armadong lalaki sa buong lugar. Sa bawat sulok may mga camera na nagbabantay sa bawat galaw namin. Kinuha ko ang sparkling water na inilapag sa akin ng waiter. Napahawak ang isang kamay ko sa tuhod ko. Ngumiti ng magtawanan sila at dahan-dahang uminom. Hindi ako makapaniwalang may kasama kaming isang anak ng dating president. Isang
Electra POV“Shut up!”“Tarantado ka! Ako pa niloko mo!”“Ahhh!”Napatakip ako ng tenga sa sigawan nila. Nagkubli ako sa likod ng pintuan. Sinigurong hindi nila ako makikita. Pinilit ko pagkasyahin ang katawan ko sa masikip na espasyo, iniiwasan makagawa ng kahit na anong ingay.“Nasaan ang pera ko? Don’t you know how much those cost me?”“Wala akong kinukuha sa ‘yo! I swear to God, wala akong kinuha. . .”Hindi niya pa natatapos ang kanyang sasabihin nang udyukan muli siya ng sipa ng lalaki. Nakatalikod siya sa akin. Matangkad siyang lalaki. Itim ang maluwag na t-shirt at isang maong pants ang suot niya. Tumitig ako sa suot niyang sapatos, may bahid iyon ng dugo, naglakad siya sa buong kwarto. Anino ng paa niya ang nakikita ko sa sahig. Sinilip ko sila mula sa awang ng pintuan.Nagmamakaawa ang tauhan ni Senator na nakahandusay sa sahig, pinaninindigan na wala siyang kinuha. Nawala na siya! Hindi ko alam kung nasaan na siya. Maging ang dalawa niyang kaibigan . . .Kinaladkad niya ako
Electra POV “Bakit ka nandito, Hija?” Napayuko ako, tumitig sa paa ko. Ramdam ko ang mga nananantiya niyang tingin sa akin. Maging ang kasama niyang matandang lalaki, narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. “Kailangan siguro magamot iyang paa mo. Baka ma-impeksyon pa.” Inis-slide niya ang kanyang tungkod, tinuro ang isang paa ko gamit ito. Mabilis akong umiling sa hiya. “H-hindi na po! Nakisakay na nga ako sa inyo nang walang paalam. Pasenya na po! Nakakahiya talaga.” Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng malalim. Hindi ko naramdaman ang pagpasok nila dito. Maging ang sikat ng araw na tumatatama sa ‘king balat. Sa sobrang pagod, naging kumportable ako pagkasyahin ang sarili ko sa likod ng mga sako. Nakakahiya! Dagdag pa na parang hinihile ako dahil sa mga alon. Naglalayag na pala ang yateng ‘to sa dagat. Base sa sikat ng araw, magtatanghali na. Amoy mga sariwang gulay at prutas ang buong kwarto. Pinaghalong matamis at maasim. Ang balak ko naman talaga gumising b
Danie POV Tumayo ako sa pintuan pagkapasok ko sa magiging kwarto ko. Nilibot ng tingin ko ang apat na sulok nito. Mula sa carpeted na malaabo. Sa kama na katerno ng kulay abong carpet. Ang apat na pillows na kulay puti. Ang side table na may digital clock, lampshade at vase na may mga sariwang puting bulaklak. Sa dulo ng kwarto, tinatangay ng sariwang hangin ang kurtinang puti. Natatanaw ko ang papalubong ng araw sa kulay kahel na kalangitan. Nandito ako sa hasyenda. Sa probinsya namin. Sa mga Hidalgo. Sa kung saan nagsimula ang masaya at puno ng pangarap na kabataan ko, na dito rin nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Pumatak ang panibagong luha sa mga mata ko. Sinalat ko sa mga paa ang malambot na mabalahibong carpet. Umupo ako doon dahan-dahan at niyakap ang mga tuhod ko. Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko sa aking pisngi. Dumaan na kami sa puntod ng mga magulang ko, sinamahan ako ng Don doon kanina. Hindi ko lubos maisip na hinahaplos ko ang mga pangalan nilang niluma na ng p
Danie POV “Danie, may pasok ka?” “Wala naman po. Kailangan ko lang pumunta sa bayan para sa mga pinapaayos na bagong makinarya.” Sagot ko habang may hinahanap sa bulsa ng bag ko. “Ay, ganoon ba ga? Ito oh— baunin mo para nang ikay may makain habang naghihintay.” “Salamat ‘ho. Sige ‘ho alis na ako. Baka kunin pa ni Popoy ang baon ko.” Inilabas ko ang maliit na notebook na pinaglalagyan ko ng mga contact informations na kailangan ko. Nagtawanan kaming lahat. Si Popoy ang nakatokang driver ko pag-aalis ako ng hasyenda. Napakamot siya sa kanyang batok at dinepensahan ang sarili. Hindi pa ako ganoon kahusay magmaneho at— takot pa sa mga naglalakihang mga sasakyan. Ewan ba, ninenerbyos ako sa tuwing may bubusina sa kalsada. Pakiramdam ko, pinapatabi nila ako dahil sa sagabal ako at mabagal pa. “Ako Manang, wala? Kasama din naman ako ni ma’am Danie, ah.” Nguso niya sa hawak ko. “Ano? Pakiulit nga nang madagukan kita d’yan. Kanina ka pa kumakain, kung hindi pa ako naghiwalay ng manok, w
Danie POV “Mabuti naagapan. It could lead to mild stroke or worse pa.” Nakatayo kami sa labas ng pintuan kasama ang inaanak niyang doctor. Pinapaliwanag niya sa akin ang mga gamot at ilang dapat gawin. Nasa ‘di kalayuan si Manang. Sinenyasan ko siya at dali-dali itong lumapit sa amin. Para bang naghihintay lang siyang tawagin ko para makibalita. Lahat naman ‘ata, nag-aalala sa naging kalagayan ng Don. “Sa ngayon, pahinga muna siya. Make sure na nakakainom siya ng gamot niya, sapat na tubig, at pahinga. Makakatulong din na hindi muna siya lumabas ng kwarto. Mag-stay sa malamig na lugar, makakatulong ‘yon para hindi siya hingalin. Sa init kasi ng panahon ngayon, marami talagang inaatake bata man ‘yan, ano pa kaya ang edad ng Ninong, 67 na siya.” Huminga ako ng malalim at nagpasalamat sa kaniya. Iginapayan siya ni Manang palabas ng mansion. Tumayo lang ako sa harapan ng nakasaradong pintuan. Tinititigan iyon na parang nakikita ko ang loob lalo na ang nakahiga niyang katawan sa malapad