Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng Ayala residence. Mabilis ang kilos ng mga maid at butler upang salubungin ang bagong dating.Unang lumabas ang driver upang pagbuksan si Gavin Ayala. Inalalayan naman nito si Susan sa pagbaba bago pumasok sa loob ng mansyon.“Nasaan ang mga bata?” bungad na tanong ni Gavin.“Nasa eskwela pa po si ma’am Krisha, sir,” sagot ni Jana, ang mayordoma. “Sina sir Philip at ma’am Keisha naman po ay kanina pa sa kusina.”Nagkatinginan sina Gavin at Susan dahil sa balita. “My son and Keisha are together?” Tumango ang mayordoma. “Is everything okay?”Napangiti ang mayordoma. “Yes po, sir. Mukhang nagiging maganda na rin po ang relasyon ng magkapatid.”Dahil hindi pa rin makapaniwala si Gavin sa narinig ay sila na mismo ang nagtungo sa kusina upang silipin ang dalawa. Hindi sila makapaniwalang nag-uusap, at higit sa lahat, nagtatawanan ang dalawa habang nagbe-bake.“I can’t believe my eyes,” bulong ni Gavin.“Ang cute nilang panoorin,” ani Susan.“I g
Matapos ang party, naiwan ang magkapatid na sina Kise at Paulle sa sala matapos maglinis. Sinulit naman ni Paulle ang pagkakataon para makausap ang kapatid. Naupo siya sa tabi nito at hinayaan ang malaking espasyo sa gitna nila.“It’s one o’clock now in the morning,” sabi ni Paulle. “It’s not your birthday anymore.”Kumunot ang noo ni Kise. “Okay?”“I know we’re okay now. Nakapag-sorry ka na at lahat, thanks to Keisha, by the way. Alam kong never kang magso-sorry sa ‘kin kung hindi dahil sa kaniya.”“It’s my fault. I know.”Napabuntonghininga si Paulle. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What’s with that attitude a while ago? Bakit ganoon na lang ang naging trato mo kay Keisha?”Hindi sumagot si Kise.“She traveled from Nueva Ecija just for your birthday. Alam mo bang nagpapalit pa siya ng shift dahil may work siya dapat ngayong araw? Just for your birthday.”Nanlaki ang mga mata ni Kise. “Sh!t! Oo nga pala.”“Sh!t, oo nga pala,” she mocked. “Kung nakita mo lang ‘yong itsura niya ka
Keisha"Kailangan natin ng matinong goalkeeper ngayon!" sigaw ni Yeshua habang kinakalampag ang kaniyang mga palad sa meeting table sa bawat salita niya. Tumingin siya sa ‘ming mga kasama nang ilang sandali, huminga nang malalim, at bumalik sa pagkamot ng kaniyang ulo na para bang kinukuto siya.Ang maliit na club room namin ay puno ng mga bola ng futsal at iba pang mga gamit sa pagsasanay tulad ng iron weights at isang single leg press. Mayroon ding mga poster ng mga sikat na soccer players sa pader. Mayroong isang maliit na cabinet na may apat na cubicles sa kaliwa ng kwarto. Bukod roon, puno na ito ng basura.Nagkatinginan sina Gina at Miya sa isa't isa at nagkibit-balikat."Kumalma ka nga lang, captain,” ani Miya habang ngumangata sa chichiryang binili niya kanina pang umaga. “Simula pa lang ang semestre. Alam ko na nag-aadjust pa ‘yong ibang freshies.”Pinandilatan siya ni Yeshua. "Wala na tayong oras! Malapit na ang Intramurals. May training pa. Kailangan pa nating gumawa ng tea
Keisha“Pasensiya na talaga, guys!” bulalas ni Yeshua pagkasalampak sa sala kung saan kami ngayon nakatambay.Nakauwi na ang mga tito at tita ni Yeshua. Miski ang mga naging kaklase niya noon ay nakauwi na rin. Ang tanging nandito na lang ay kaming nasa futsal team at ang mga pinsan niyang hanggang ngayon ay nagkakantahan pa rin sa labas.Ngayon lang namin nakitang nakaupo si Yeshua dahil sa sobrang tao kanina kaya naman pinagpahinga na muna namin siya. Nakakain na rin kami kanina habang hinihintay siya habang nanonood ng soccer sa TV nila.“Okay lang, ano ka ba?!” Pinalo ni Miya si Yeshua sa balikat habang natatawa. “Ganito talaga kapag nagbe-birthday. Ikaw pa ‘yong pinaka-busy.”“Nakakahiya kasi sa inyo. Tinulungan niyo pa ako kanina mag-serve sa mga bisita, eh, bisita ko rin naman kayo.”“Baliw ‘to! Anong gusto mo? Tawanan ka lang naman habang nagkakandaugaga ka na sa mga bisita mo? ‘Buti umuwi rin ang parents mo. Kung hindi, ewan ko na lang.”“Wala ring silbi kapatid ko. Siya pa n
Keisha“Hello, Keisha!” bati ni Paulle, isa sa mga pinsan ni Yeshua na kaklase ko ngayong senior high school. Matagal ko na siyang kilala pero hindi ko pa siya nakakausap before. Madalas kasi siya sa room namin kasama ang kaibigan niyang si Reyannah na siyang naging kaklase ko.“Hi!” Sinigurado kong medyo may kalakasan na ang boses ko dahil baka mapagkamalan na naman akong snob.“Classmate pala tayo ngayon. Nice to meet you! Sana maging mabuti tayong magkaibigan.”Napangiti ako habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Nakakahawa kasi ang pagka-hyper niya.“Ito nga pala si Reyannah. Classmate din natin siya.”“I know her,” ani Reyannah. “Naging kaklase ko siya noong junior high school. Tahimik lang siya masyado kaya hindi kami ganoon ka-close.”“Mukha ngang tahimik ka, Keisha. Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kwento.”Sa bandang dulo kami ng room naupo at doon nagkwentuhan. Hindi naman ako na-OP sa kanilang dalawa lalo na at si Paulle lang talaga ang nagsasalita. Pamins
KeishaNapalunok ako habang kumakain kami sa isang fast food chain. Kasama ko sina Reyannah at Paulle pagkatapos ng basketball game. Bigla kasi kaming nagutom kaya nagpunta muna kami rito bago umuwi.Pero ang hindi ko inaasahang panauhin ay si Kise.Kasama namin siya sa table imbes na sumama siya roon sa mga teammate niya na kumakain din malapit sa table namin. Hindi ko tuloy malunok nang maayos ang kinakain ko dahil kaharap ko siya at kanina pa siya nakatitig.Wala naman kaso kung gusto niya sa ‘min sumama dahil kapatid siya ni Paulle. Pero nakakailang na kasi ang tingin niya. Babae rin ako. Nakaka-conscious sa tuwing may nanonood sa ‘king kumain.“Bakit ba kasi nandito ka?” tanong ni Paulle. “Nandoon ang mga ka-team mo. Doon ka sumama at i-celebrate ang pagkapanalo niyo.” Bahagya pa niyang tinulak-tulak ang kapatid at pilit pinaaalis ng upuan.“Bakit ba? Gusto ko rito. Kung ayaw mo akong kasama sa isang table, ikaw na lang ang umalis.”“Wow, ah? Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Kaibiga
KeishaTumabi ako sa kaniya nang makaakyat ako sa tree house. Nakatingala lang siya sa langit at walang kahit anong ekspresyon ang mukha niya. Ni hindi man lang siya natinag sa pag-upo ko.“Most girls your age should be crying,” sabi ko.Minsan, natatakot na lang ako sa pwedeng maging epekto ng pag-aaway ng parents namin sa kapatid ko. Noong unang nag-away kasi ang parents ko, todo ang naging pag-iyak ko. Pero lumaki na si Krisha at lahat, hindi ko pa rin siya nakikitang umiyak.Siguro noong bata pa siya at wala pang muwang sa mundo, oo, nakita ko na siyang umiyak. Pero nang lumaki na siya, hindi ko na siya nakitang nagpakita ng kahit anong ekspresyon.“I’m not most girls, ate,” ani niya.Napatawa ako nang maalala ko ang nangyari kanina. “Kapatid nga kita.”Huminga siya nang malalim bago inalis ang tingin sa langit at tumulala lang sa kawalan. “I’m tired of crying. Nagkamuwang ako sa mundo nang nag-aaway na sila. Siguro, natuyot na lang ang mga mata ko kaya wala nang lumalabas.”“Bata
“Gusto niyong sumama sa mall?” tanong ni Paulle kina Reyannah at Keisha matapos ang kanilang klase.“Ako, okay lang. Ikaw, Keisha?”Napatingin ito sa kaniyang orasan. “Maaga pa naman. Sama ako.”“Yown! Tara. Libre ko kayo.”Nagsimula silang maglakad palabas ng room habang nagkukuwentuhan. Maaga silang pinalabas dahil maaga ring natapos ang lecture ng kanilang guro. Malayo pa ang midterms examination kaya naman napagpasyahan nilang gumala.“Pasko na, ‘no?” ani Paulle habang nakatingin sa isang malaking Christmas tree sa kanilang campus. “Ang bilis ng araw.”“Sinabi mo pa,” ani Reyannah. “Parang kailan lang nagsimula ang klase, ‘tapos pasko na agad. Kaunting push na lang, mga college students na rin tayo.”“May Christmas party nga palang gaganapin sa ‘min, sama kayo. Magkakaroon kami ng exchange gift kaya magbubunutan na tayo sa Sabado.”“Ay! Gusto ko ‘yan. Sama ka, Keisha. Last year, sobrang kwela ng naging party sa kanila.” Nang mapansin ang pagdadalawang isip nito ay nagpatuloy siya,